I decided that I don't want to continue this useless revenge of mine anymore. I guess I was just too childish to even think of that before.
Gusto kong panindigan ang sinabi ko pero habang tumatagal kahit gustuhin ko ay balewala rin. Every time na makakasama ko si Tristan ay bumabalik ako sa umpisa. I'm back to zero again.
What made me changed my mind? Tristan. He made me.
Ngayon nakasama ko na siya at talagang nakilala I learned that he is really a nice guy. Malakas lang magmura at manggago minsan pero bilib ako sa kanya sa mga ginagawa niya. He always make sure that us girls get home safe and he's also super protective pag dating sa mga lalaking lumalapit tuwing pumaparty.
Hindi siya 'yung tipong pipigilan 'yung kaibigan na uminom or pipigilan magsaya. Siya 'yung sasamahan ka magsaya but at the same time babantayan ka.
He's like everyone's brother. Hindi lang sa babae pero kahit kanila Michael ay sobrang suportado siya. I heard many stories from Tiffany before pero hindi ko lang pinapansin because I was too mad at him.
My friends were right. What's done has been done dapat kinakalimutan na. Kung iisipin ay ang babata pa namin noon. Although my childhood was sort of ruined, masaya naman ako ngayon. And that I believe it's more important than everything else.
Tanggap ko na. Not all of us can have an amazing or easy childhood. Minsan ganon talaga.
Kahit na matagal bago ako natauhan but at least now alam ko na.
I know that sometimes things have to go very wrong before they can be right. And that is what happened to us.
Meeting him has been a blessing for me. Not to mention the whole sponsorship thingy. Kumbaga nakajackpot ako dahil kaibigan ko siya.
Hindi ko na sinabi kay Tiffany na nagbago na ang isip ko. Hindi na naman 'yun importante. Ngayon nga lang grabe na niya ako asarin paano pa pag nalaman niya.
"Buti naman naisipan mong umuwi. Akala ko manila girl ka na."
"Ate talaga! Akala ko ba marami kang kwento?"
As if bigla niyang naalala kaya napatalon siya, "Super! Pero wag mo sabihin kay Mama ha."
Sympre kinwento nanaman niya ang boyfriend niya. Pagkatapos ay tinukso nanaman niya ako sa pagiging single ko. Is being single a sin nowadays?
"Meron noh? Kwento ka naman."
"Wala nga!" Paguulit ko dahil ang kulit niya. "Kung gusto mo sumama ka sa akin pabalik."
Ngumiti siya. "Niloloko ka lang. Ang seryoso mo naman! Anyway dito ka sa Christmas ah!"
xx
Nakapagpromise na ako kay Ate na sa bahay ako sa Christmas break kaya hindi ako umiimik sa usapan ngayon.
We were talking about Christmas break then biglang napunta sa usapang Christmas party. Apparently every Christmas break nagplaplano sila ng outing like 3 days out of town. Which I'm not aware of until now.
Hindi ako nagsasalita kasi hindi naman ako pupunta dahil balak ko na talagang umuwi. Minsan na nga lang ako uuwi and I want to spend Christmas with my family. Pakiramdam ko kasi ay nagtatampo na sila sa akin dahil mas madalang na ako umuwi simula nang nakakasama ko sila dahil sa dami ng lakad.
"Bakit? Sayang naman!"
"Before naman or after. Basta hindi day mismo ng Christmas. And sure New Year nakauwi ka na." They are all trying to convince me.
"Hindi talaga pwede. Nasabi ko na kasi kay Ate tsaka kay Mama."
"Sayang first Christmas pa naman natin 'to together." Halata ang pagtatampo sa boses ni Rhian. "Bawal ba talaga? Kahit 2 days lang ganon?"
"Sorry talaga. Babawi nalang ako sa bakasyon."
Iba kasi talaga pag Christmas eh. Gusto ko rin naman sila makasama. Sabi nga ni Rhian first namin 'to pero hindi talaga pwede. I want to put my family first this time. Hindi na nga makakauwi si Papa tapos dadagdagan ko pa.
"Okay lang. Sanay na kami sayo."
"Wow ha? Hoy Tristan tigilan mo ako sa pag ganyan mo."
"Oo nga bro. Hayaan mo na. Magkakasama naman tayo." Isa pa 'tong si Michael!
"Konsensya game strong ah?"
"Hindi ka naman nakokonsensya." Sumagot si Tiffs.
"Huy grabe kayo. Babawi naman ako. Hindi ko naman kasi alam tsaka nasabi ko na kay Mama."
Now it's really working. Mahina pa naman ako sa mga ganyan. Pinakaayaw ko ay 'yung kinokonsensya ako because I really can't take it.
"Stop na nga guys." Tumawa si Rhian. "Basta sa vacation ah, walang indian. Friendship over pag talkshit."
"Oh wag ka iiyak." Ani Tristan bigla.
Sinamaan ko siya ng tingin. Hindi naman ako iiyak!
"Nakakaasar pagmumukha mo. Ang pangit."
Nilapit niya ang mukha niya sa akin kaya napalayo ako. "Ikaw maganda."
"Alam ko. Ikaw pangit."
Mas nilapit pa niya, "Sigurado ka?"
"Uyy ayan nanaman sila. Naglalambingan nanaman." Tinuro kami ni Tiffany kaya bigla akong nanahimik.
Nag-tsk ako kay Tristan na ngumingisi.
"Ngisi ngisi ka dyan?" I hissed. Nasa tabi ko lang kasi siya.
For a few weeks we've basically been closer to each other. Nagumpisa sa pagtulong niya sa akin hanggang sa asaran sa text.
Nagkibit balikat naman siya at nagpatuloy ang usapang Christmas break.
"Nahiya tuloy sila." Rhian giggled. "Anyway balik sa usapan, saan naman tayo?"
"Game kahit saan basta ayaw ko magmaneho." Sabi ni Oliver.
"Tamad mo! Magdala ka na para kasya rin gamit." Reklamo ni Tiffany.
"Pero tignan mo siya hindi magdadala 'yan." Bulong ni Michael na narinig naming lahat.
"Kaya ko nga pinagdadala si Oliver diba? Hater ka talaga noh?" Umirap si Tiffany.
And that's the cue that I've been waiting for.
"Lambingan ba 'yan? Ang sweet naman."
Siniko ako ni Michael. "Bumabawi ka na ngayon, a?"
"Sympre." Tumango ako.
Umakbay siya sa akin. "Si Tiffs? Ikaw nalang lambingin ko."
Tapos tinignan niya si Tiffs ng nakakaasar na tingin.
Umalis ako sa pagkakaakbay niya. "Ay magseselos si Tiffs niyan."
Hinila ako ni Tristan palapit sa kanya. "Hands off. Ako lang pwedeng lumambing dyan." Tumaas pa ang kilay niya sa akin.
I just faked a laugh at nagmake face.
I'm used to Tristan being like that all the time but sometimes I'm still flustered by the words he say and things he do.
Am I still normal?
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.