Pinakaayaw ko talaga sa lahat ay naiiwan magisa dito sa condo. Pag ganitong maiksi lang ang bakasyon ay pinapastay na ako ditto ni Mama kaysa magsayang pa ako ng pamasahe pauwi. But hell, it gets boring here and it really kills.
Ang hirap pala magisa dahil sanay ako na palaging may kasama which is si Ate. The only good thing here is solo ko ang wifi.
Hindi ko alam kung dapat ba akong matuwa dahil bukas ay babalik na si Tiffany o malungkot dahil pasukan nanaman. Dalawang linggo lang ang sembreak namin at huling araw na ngayon kaya dapat ay sinusulit ko na pero ito ako nakahiga habang nakatanga.
Another sem and another year then I can say that I'm finally done with school days. Ibig sabihin pwede na akong umuwi sa amin.
Nakahiga na ako habang nagtitingin lang sa Instagram para antukin dahil 9am ang klase ko bukas which I believe is too early for everyone especially me. Nakatira na ako sa condo malapit sa school but it's still hard for me to be not late when I have classes that early.
The only thing that I've been looking forward this week is Tiff's birthday bash. Buti pa sila Rhian next week pa ang pasukan.
xx
So I woke up early because I'm excited to meet my Professors! Joke. Late nanaman ako nagising at kailangan kong magmadali kung ayaw kong malate sa first day.
"Nakita ko 'yung pictures mo ah! Nag La Union ka. Kainggit." Chinismis agad ako ni Caroline pagkaupo ko.
"Biglaan lang. Sinama lang ako ni Tiffany."
"Gwapo pala mga friends niya noh?"
"'Yung totoo. Sino bang gusto mo makilala dun? Segue ka pa eh." Tawa ko.
Kunyari pa 'tong si Carol. Isa pa 'tong mahilig sa mga gwapo. Sympre na spot niya 'yun. It's hard to miss.
"Alam mo 'yan girl." Ngumisi siya pabalik. "Pakita ko sayo mamaya. Anyway, sana hindi terror ang first class."
Monday, 9am and a terror prof? Kill me now.
It's a good thing that hindi naman masyadong strict sa attendance ang prof ng 9am class. The odd is really in my favor here.
I just have 2 classes today. 9am and 12pm class. After class ay umuwi na agad ako dahil naiinitan ako sa labas.
Nandoon na si Tiffany pagkauwi ko.
"No show on first day as usual." Sabi niya habang nagpapalit ako ng sapatos. "Anyway baka magdinner kami mamaya nila Joseph. Gusto mong sumama?"
"Sinong kasama?"
"Joseph, Michael and baka susunod si Tantan." She shrugged.
"Sure. Sama ako."
Nagulat naman siya sa biglaang pagpayag ko. "Walang please ngayon oo agad? Bago 'yan ah."
Ngumiti naman ako ng nakakaloko. "Wala lang. Masaya sila kasama, e."
Her brows shot up. "That's not so you. Anong binabalak mo? Kaloka ka!"
"Sepanx lang."
Tumagilid ang ulo niya at lalo pa akong pinagtaasan ng kilay.
"Wala nga! Tinanong mo kaya ako kung gusto kong sumama. Bakit mo ba pinaghihinalaan ang yes ko?"
"Wait, wait," Tinaas niya ang kamay niya. "Alam kong may balak ka pero.. Wag mong sabihin lalandiin mo si Tan then you'll break his heart? Yuck lang ah. Ang cliche."
"Yuck talaga!" I showed the same disgust. "Fine. I'm up to something pero hindi 'yun. Keep your enemies closer nga diba."
"So plano mong iclose siya, tapos?"
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.