Ako naman ang ginising ni Tiffany kinabukasan. Apparently natandaan pa niya ang dahilan ng pag gising ko sa kanya kagabi at bumabawi siya ngayon.
"Anong feeling? Oh my God! Naeexcite ako para sainyo! Girl! Ano na!"
"Paano kayo nagkiss? Pumikit ka ba? I need details!"
"Jade! Ano!"
Tuloy tuloy ang pagsasalita niya.
Tinakpan ko ng unan ang tenga ko dahil antok na antok pa ako. Hindi pa nga ako nakarecover kaya hindi ako nakatulog ng maayos tapos ito pa ngayon.
I shouldn't have told her that last night. Now I'm regretting it.
"Mamaya ka na matulog. Kwento muna!" Niyugyog niya ako at nararamdaman ko ang pagyugyog ng buong kama.
Hindi ko pinansin ang pangungulit niya pero napabangon ako sa sunod niyang sinabi.
"Since ayaw mo pang gumising si Tantan nalang ang tatanungin ko at sasabihin ko pang masarap ang tulog ng sleeping beauty niya."
I groaned. "I hate you."
"Gising ka na?" She even asked. "Sabihin mo na." She nagged.
"Na ano ba?"
"Anong feeling?"
"Try mo."
"Yuck. Bakit ko hahalikan kaibigan ko?" Diring diri siya.
Magkaibigan kami pero ako nga hinalikan niya. Kinuha ko ang phone ko para tignan.
Walang ni isang text galing kay Tristan. Ano na kayang naiisip nun ngayon. Baka isipin niya na easy to get ako dahil ganun ganun lang ay nagpahalik na ako.
Maybe he was just playing with me. Tinetest lang niya kung seryoso ba ako sa ayaw kong magkasomething kami. Or he wants to know what it feels like kissing a friend.
May line pa siyang stop pushing me away. Kakainis siya ah.
Fine he got me there at his line. Pero ni isang text wala talaga.
Kinwento ko rin kay Tiffany ang nangyari kahapon nang nakapaghilamos na ako at nakakain.
"Shet kinikilig ako sa inyo! 'Stop pushing me away'" Sinabi niya ang line. "I didn't know he have it in him. Akala ko puro kasungitan lang ang alam nun."
"Hindi man lang ba nagtext sayo or what?" Tanong niya.
"Dapat may kasunod na good morning 'yun ah." Pagtataka niya.
Nagtataka rin ako at naguguluhan. Baka naman nanaginip lang ako at akala ko totoong nangyari sa akin 'yun.
"Pero sabagay hindi naman sweet si Tristan. He is but not with words. Hindi uso good morning texts sa kanya."
"Tingin mo? So should I text him?" Kinuha ko ang phone ko at bago pa siya makasagot ay naisend ko na ang message ko.
"Anong ginagawa mo? Tinext mo na?" Nanlaki ang mata niya at inagaw sa akin ang phone. Binasa niya ito.
"Anong masama? Dapat ba hindi?"
"Dapat hindi! Inantay mo dapat na siya ang mauna baka isipin nun patay na patay ka sa kanya." Aniya. "Which is a bit true pero kahit na! Hay Jade, you have so much to learn."
Naiwan ako doon nagtataka. Anong masama na itext ko siya? Wala naman ah. And knowing Tristan baka hindi pa niya pansinin ang message ko na 'yun kaya bakit naman niya maiisip na patay na patay ako sa kanya.
Baka natutulog pa siya kaya walang reply kaya naligo na muna ako at naghanda para sa class ko mamaya. Nang natapos ako ay tinignan ko ulit ang phone ko and there was a reply from him.
Tristan:
What time does your class ends?Me:
6 pa. Bakit?Tristan:
Daanan kita dyan. Let's have dinner.Napatigil ako at napakagat sa labi ko. So it was real then. Hindi ako nanaginip last night. We really did kiss!
And is he asking for a date?
Napapangiti nalang ako mag isa. So this is what it feels like to date someone. Kaya naman pala palaging may kadate si Tiffany. Sometimes she also smile for no reason.
Habang nasa klase ay hindi na ako mapakali. Why do I have to endure 3 hours class for one subject. This is torture! Bakit ang bagal bigla ng oras ngayon?
I kept looking at my watch. Malapit na, Jade. Konti nalang matatapos na rin ang class.
I was jumping out of joy when our Prof dismissed us. Binilisan ko ang pagligpit ng gamit ko at tinignan ang phone kung may message.
Ang sabi niya at nakapark siya sa may gate ng school. I composed myself when I saw his car on the sidewalk. I don't want him to see how excited I am with this date.
Malapit na ako sa kotse nang may dumungaw sa passenger seat. Tinawag ako ni Michael.
Napahinto ako sa paglalakad. Michael is with us? So hindi lang pala kaming dalawa ang magdidinner. Ano bang ineexpect ko?
Nginitian ko rin siya at pumasok. "Hindi mo naman sinabing kasama si Michael."
"Why? Are you disappointed?"
"No. Why would I?"
"Didiretso na sila dun, Tan." Michael interrupted. Tumango lang si Tristan at nagdrive na.
So ako lang ba ang may hindi alam na barkada dinner pala ang ganap? Here I thought the two of us are going to have a date.
Can't blame me because after last night I thought things might have changed between us. I guess not.
Hindi ako nagsasalita habang naguusap naman sila ni Michael. He was so engrossed that he didn't notice me rolling my eyes at him.
Pinigilan niya akong bumaba pagkapark niya.
"Mauna ka na." Tinanguan niya si Michael. Bumaba naman si Michael without asking anything.
"Bakit ang tahimik mo? You're upset?" He asked.
Umiling ako. "Hindi ko naman kailangan magsalita. Nandyan naman si Michael."
Tumawa siya. "So you're upset. Why, did you think this was going to be a date?"
"Hindi." Pero humahaba ang nguso ko dahil 'yun talaga ang naisip ko.
He grabbed my face and smiled.
"I've been itching to do this since earlier,"
Then he leaned and kissed my cheek.
Buti nalang madilim sa loob dahil kung hindi ay nakita niya akong namula.
Bakit naman pabigla bigla itong si Tristan! Always making my heart flutter. Take note pisngi pa lang 'yun paano na kung sa lips na!
"Tara." Sabi niya na parang walang nangyari tapos bumaba na siya while I was still stunned by his move.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
Storie d'amoreI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.