Chapter 25 - Dates and Car Rides

6.1K 152 2
                                    

"Tara ikaw na date ko." Umakbay sa akin si Oliver.

Tinignan ko siya at ngumuso. "Hindi naman kailangan may date doon."

May pupuntahan siyang event ng school nila next week at kanina pa niya ako niyayayang sumama.

Sumingit naman si Rhian sa usapan. "Wag ka magpaloka dyan kay Oliver. May nililigawan kaya 'yan."

Tinulak naman niya si Oliver. "Ikaw talaga! Balak mo pang gamitin si Jade para pagselosin 'yung babae mo ha."

Tumawa rin si Tiffany. "Hindi ka na sasagutin nun."

"Sympre girls, kailangan bagong mukha. Kilalang kilala na niya kayo."

Nasa bahay kami ni Michael dahil walang pasok. Kulang lang at wala si Tristan tsaka si Joseph. May gagawin pa si Tristan at susunod nalang daw siya mamaya.

"Panira talaga kayo ng diskarte oh." Napailing si Michael habang tumatawa.

"Bro, papainom ako pag sinagot ka na ng nililigawan mo." Ngisi niya.

"Talkshit lang 'yan, Oliver. Maniniwala ka kay Michael?" Ani Rhian.

"Sino ka? Kasama ka ba? Kami lang kasi." Binara siya ni Michael at tawang tawa kami ni Tiffany dahil inis na inis naman si Rhian.

Maya maya tumayo si Michael dahil nandyan na si Tristan. Napatingin naman ako sa kanya pagkapasok niya ng bahay.

Ayos na ayos siya. Mukhang nakipagdate ang itsura niya dahil pati buhok niya ay nakaayos. Hindi 'yung normal niyang itsura na kung saan saan ang buhok niya.

Naghigh five sila nila Oliver. At umupo siya sa tabi ko na parang normal lang 'yun.
Mahina naman niya akong tinulak gamit ang balikat niya.

"Nakipagdate ka?" Tanong ko bigla.

Tumaas ang kilay niya habang nagtatago ng ngiti. "Sinong nagsabi?"

So totoo ngang nakipagdate siya?

"'Yung itsura mo kasi."

Pagtayo ko para samahan si Rhian sa kitchen ay hindi na ako bumalik sa pwesto ko. Doon ako tumabi kay Rhian at hindi ko siya tinitignan.

"Uuwi ka sa inyo next week?" Tanong ni Rhian.

"Hindi. Baka sa condo lang ako."

"Sakto. Samahan mo 'ko sa event." Si Oliver ulit.

"Exam week na namin next week."

"Jade naman. Please?"

"Tigilan mo na nga 'yan si Jade. Tantan oh 'yung kaibigan mo." Pagsusumbong ni Tiffany. "Kanina pa gustong yayain si Jade makipagdate."

Normally hindi ako iimik at iiling lang pero ngayon, "Nagsumbong talaga? Wala naman meron sa amin ni Tristan."

Natawa ako. Palagi nalang kasi Tristan doon Tristan dito. May iba na nga siyang dinedate kami pa rin ang inaasar.

Nag iwas ako ng tingin nang nagkasalubong ang mata namin. Wala rin siyang sinabi doon.

Nawala ang usapan doon dahil kinausap ako ni Rhian. "Sama ka sa amin sa bahay ni Tiffs. Like group study. Gusto mo?"

"Pwede rin. Pero check ko muna 'yung sched ko kung pwede."

Medyo may kalayuan kasi ang bahay ni Tiffany sa school kaya hindi ako pwede kung maaga ang test ko.

"Sana pwede ka. Excited na ako magsleepover." She clapped.

After that hindi ko masyadong pinapansin si Tristan at mga banat niya at pangaasar sa akin.

Parang bigla akong nawalan ng gana tumambay. Gusto ko nang matulog. Inaantay ko nalang magyayang umuwi si Tiffany.

Since may pasok pa bukas hindi rin kami masyado tumambay hanggang late dahil ang iba ay maaga pa.

Niyaya ko na rin si Tiffany after umalis ni Rhian. Si Oliver naman may balak pa atang magstay at maglaro ng ps4.

"Tara na, Tiffany?" Yaya ko kay Tiff dahil iisa naman kami ng uuwian.

"Pahatid ka nalang kay Tantan kasi may pupuntahan pa kami ni Michael." Sabi niya. Hindi ko malaman kung totoo ba o tinutulak lang niya ako kay Tristan.

Kanina ay wala naman silang nabanggit na pupuntahan.

"Kung gusto mo pwede ka rin sumama. Medyo malilate nga lang." Dagdag niya.

Napaisip ako dahil ayaw kong magpahatid kay Tristan pero ayaw ko namang maghintay. Umiling nalang ako dahil ayaw ko rin magthirdwheel sa kanila.

"Wala, e. Gusto akong kadate." Ngumisi lang si Michael.

"Kapal mo. Hindi 'to date. Sinong papayag makipagdate sayo?" She scowled.

"Niyaya mo nga lang ako. You heard it right?" Tinanong kami ni Michael at natawa nalang kami.

See, paanong hindi ako magtatanong kung may gusto ba sila sa isa't isa kung ganyan sila ng ganyan. Kung may makakita sa kanila na hindi nila kilala malamang iisipin na may something talaga sila.

"Tara na babe." Umakbay si Michael kay Tiffany at inalis naman niya pero binalik rin ni Michael at lalong hinigpitan.

Pinanood ko silang nagaaway nanaman. In the end hindi na inalis ni Tiff ang braso niya.

If only they give each other chances. Malaki ang chance na maging sila. Pwede kasi sila. Though they're always bickering deep inside they care for each other, a lot.

Kay Tristan ako sumabay since he offered too. Bago pa ako makapasok ay hinawakan na niya ang braso ko.

"Hey,"

Tumingin lang ako sa kanya.

"I went to a birthday." He said as if there's a need for an explanation.

"Hindi ako nakipagdate." Aniya.

Hindi ako kumibo pero nang makaupo ay automatic ang pag ngiti ko.

Habang nagmamaneho siya ay napapatingin ako ng napapatingin sa kanya.

Parang lalo siyang naging gwapo sa paningin ko ngayon. Hindi ko alam kung bakit. Is it because of the hair? I don't think so.

Or because of what he said earlier?

"May problema ba?" Aniya nang mahuli akong nakatingin.

"Ha?" Tapos umiling lang ako.

Pagkatapos nun ay nahiya na akong sumulyap pa at tumingin nalang buong drive sa bintana. Halos mastiff neck na nga ako dahil hindi talaga ako gumalaw dahil sigurado akong pag inalis ko ang tingin sa labas ay sa kanya ako mapapatingin.

Napatingin lang ako sa kanya nang tanungin niya ako.

"Sasama ka kay Oliver?"

"Hindi. Exam week na diba. Tsaka ayaw ko rin."

"Good."

What now?

Shit, I should stop thinking about things I shouldn't think of.

But good?

Okay, something is really wrong with me.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon