"Hey." Pinuntahan ako ni Tristan sa kwarto.
"Tapos na kayo magusap ni Mama?"
Ngumisi siya sa akin. "Can I come in?"
Tumango ako.
Dumiretso siya kung nasaan ako at kinurot ang pisngi ko.
"Masakit ah!"
"Tama bang magselos sa Mama mo?"
Tumawa ako. "Ako? Nagseselos? Asa. I don't get jealous."
"Bakit ka nagkukulong dito?"
"This is my room. Normal lang naman na nandito ako."
"Come here." He pulled me closer. "I just want to be close with your mom. You know she actually likes me. Don't you think so?"
"Wow sa self confidence mo ah. Hindi ko mareach. Buti kaya mo 'yan sabihin noh?"
Nagkibit balikat siya at ngumiti. "Nagaalala 'yung Mama mo sayo pag nasa Manila ka. Baka hindi ka daw kumakain since tamad kang magluto so she asked me to take care of you."
Hindi ako aware na ganon pala ang naiisip ni Mama dahil hindi naman niya sinabi sa akin. Palagi lang niya sinasabi na malaki na ako at alagaan ko ang sarili ko.
"Binida mo nanaman sarili mo!"
"I told her that you eat healthy because you don't want to worry her." Inipit niya ang takas na buhok ko sa tenga.
"You should thank me for that. Hindi ko sinabi na puro de lata at instant noodles ang laman ng ref niyo."
"Thank you sobra. You're a lifesaver." Sarcastic kong sabi.
Umiling siya at tinuro ang pisngi niya. Alam ko na ang gusto niyang mangyari pero hindi ko siya sinunod.
Umiling ako, "Baka kala mo bati na tayo dahil sa sinabi mo. So nope. Not going to."
He exhaled deeply then next thing I know his hand is already in my waist pulling me closer to him.
Napasinghap ako at inangat ang tingin only to met his eyes. He smiled a bit then inched closer until our nose touched then--
"Jade! Sabi ni Mama--" napatigil si Ate sa pintuan.
Napalingon rin kami ni Tristan sa kanya. Hawak pa rin niya ang bewang ko kaya hindi ako nakagalaw.
"Uhh.." Umiwas ng tingin si Ate. "Sorry. I- I didn't see anything. Promise."
Tinulak ko si Tristan at agad nagiwas rin ng tingin. Feeling ko nangamatis nanaman ako sa sobrang hiya.
Imagine muntik na kami makita ni Ate! Naiilang rin si Ate kaya ako na humila sa kanya dahil hindi rin siya nakagalaw.
"Ate, I swear wala lang 'yun."
"You don't need to explain. Ate knows." She said dramatically. "I feel you, sis."
"Ate!"
"Oo na. Grabe ka! Inuwi mo na agad ang boyfriend mo!" Aniya. "Wait, kayo na diba? 'Yung kanina.. so definitely kayo na?"
I smiled awkwardly.
Hinampas niya ako sa sobrang kilig. "Pero in fairness, gwapo siya! Anyway ano palang sabi ni Mama?"
"Hindi ko alam. Sila lang naguusap. Kilala mo naman si Mama tsaka dito na rin niya pinakain. I'm not sure pero mukhang okay naman si Mama sa kanya."
"Sabi lang niya may kasama ka kaya ako pumunta sa kwarto mo. 'Yun pala.." She trailed then smirked at me.
"Sige na. Icontinue niyo na 'yung ginagawa niyo doon." She kind of pushed me back to my room.
But after that nahihiya akong bumalik at magpakita kay Tristan.
Kinalma ko muna ang sarili ko sa labas bago bumalik sa kwarto.
Pagpasok ko ay tinitignan ni Tristan ang mga frames na nakasabit at ang inspirational board ko. Yup I have that. Pero kung ano ano lang ang nilalagay ko doon. Madalas ay pictures at quotes. Pictures.. Holy shi--
Sakto naman na may tinitignan si Tristan doon sa board.
"So.." He pointed at the photo.
"Really, Jade? Now I know why you don't get jealous."
"It's not what you think."
"When someone says 'it's not what you think' it's definitely what it is."
"It's not really. Picture lang 'yan from school fair." I explained.
Pinagtripan kasi ako ng mga kaibigan ko nung high school nung school fair at pinosas nila ako sa isang classmate namin na lalaki. One of them is running the fake marriage booth kasi so I played along and got the picture taken.
"Lang? Ah.. kaya pala talagang nakadikit dito. Does this picture inspire you?" Tumagilid ang ulo niya.
"Hindi ko nga alam kung bakit nandyan 'yan." Kinuha ko ang picture at tinignan. "Sino ba 'to? I don't even know this guy."
"Talaga ah?" He muttered then snatched the picture from me. "But you two looked close. I never saw you smile like this before though."
"Are you starting a fight with me now?"
"Of course not. Tuwang tuwa nga ako dito." He gave back the picture.
Pinatong ko nalang sa study table ang picture at hinarap siya.
"Wala naman kasi tayong photo together." Ngumuso ako.
Gusto ko man ilagay ang picture namin dalawa ay wala naman akong malagay.
His face softens. "We still have so many things to do, Jade. And we will do everything one by one. I promise."
Nanliit ang mata ko sa kanya. "Sabi mo 'yan ah. Walang bawian."
Tumaas ang isang kilay niya at humakbang palapit para halikan ako sa noo. "Yeah. But first burn that picture."
"Tristan!"
Humalakhak siya. "I'm kidding but I might really do it pag nakita ko ulit 'yan."
I just realized that jealous Tristan suits him well.
Niyaya ko na siyang tumambay sa sala dahil baka kung ano nanaman ang makita niya sa kwarto ko hanggang sa kakain na.
I'm really happy today because my family likes him. Kung magusap nga sila ni Ate ay akala mo matagal na silang magkakilala.
Pagkatapos kumain ay nagpahinga lang siya sandali bago siya umuwi.
"Sorry pala sobrang biglaan I'm sure nashock ka kay Mama. Ikaw kasi, e."
"It's okay. I actually had some fun kaysa naman ihiga ko lang 'to buong araw."
Kinatok ko ang bintana niya nang makapasok na siya dahil may nakalimutan ako.
"Hmm?"
Pinasok ko ang ulo ko at hinalikan siya sa pisngi.
Mukhang nagulat siya dahil hindi niya ineexpect na gagawin ko 'yun. Lahat ng mga sweet things ay puro siya ang nagiinitiate. This is the first time that I actually did it without him asking.
Nakarecover naman siya agad at tumingin sa akin ng nakakaloka. "I must have done something good today, I guess?"
"You did great. Thank you for today."
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomansaI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.