Hindi maalis sa isip ko kung pinagtritripan nanaman ba ako ni Tristan. He said his compliments in a different way na mapapaisip ka ng buong araw. I should know not to fall for his compliments pero weakness ko pa naman iyon!
Bilib na ako sa kanya dahil ang dami niyang naiisip na pakulo samantalang ako nganga pa rin.
Pumikit ako, okay na, enough na muna sa kakaisip kay Tristan at sa mga trip niya. Sa pag-aaral muna ako magcoconcentrate. So we have a subject wherein we need to conduct our own seminar and pinaguusapan ngayon kung saang committee kami ilalagay. I just hope that I will not be part of the sponsors.
"Binilang na namin lahat and nasort out na rin namin kung sino sino magkakasama sa group.." Our class president announced.
Nasabi na niya ang ibang group and my name is not yet called. Mukhang alam ko na kung saan ako.
I dreaded to be in that group. I may have many friends na mayaman but I can't just go to them and ask them to sponsor our conference.
As expected, nasa sponsorship committee nga ako!
So each one of us need to get one person or company to sponsor para makagawa kami ng conference kung hindi ay sisingko ako. Saan naman ako kukuha ng magssponsor ng 20k ngayon?
Pwede bang Tristan stuff nalang ulit ang atupagin ko at hindi muna ang school related stuff?
xx
"Problema mo dyan?" Nakatingin sa akin si Tiffs.
"Malaki." Walang gana kong sagot. Wait, bigla akong napaangat ng tingin sa kanya. "Ikaw lang ang makakatulong sa akin. Ikaw nalang pag-asa kong pumasa. Help me?" Sabi ko sa isang nakakaawang boses.
"Touch naman ako. Ano ba 'yan?" Tanong niya habang kumakain kami.
Sumubo ako ng kanin. "Tiffany.." I dragged the letters.
"Ano nga kasi 'yan?" Natatawa na siya.
"May conference subject kami diba, nilagay ako sa sponsorship committee."
It sucks to be poor talaga. Pwede naman kasi sa food committee nalang ako or documentation.
Humalakhak siya. "Shucks I feel you. Ganyan ganyan rin ako dati. Gusto man kita tulungan pero wala ako magagawa kasi hindi nagssponsor sila Daddy ng ganyan."
"Kahit 10k? Please." Wala lang naman sa kanila ang 10k. Isang bag lang ni Tiffs 'yun.
She sighed, "Try ko ask si Daddy. Pero try ko lang ha? Alam mo naman si Dad."
"Talaga? Savior talaga kita. Dahil dyan ako na maghugas ng plates ngayon." I said cheerfully for the first time today.
"Actually, si Tantan dapat ang tanungin mo. I asked him to sponsor sa event namin last year pumayag siya."
Lalo akong nabuhayan sa narinig pero nanlumo nung narealize kung sino ang kakausapin. "Wag nalang. Singko nalang ako kaysa humingi ng tulong sa kanya."
"Weh? Kahit siya nalang ang pag=asa mo?"
"Kahit siya nalang ang natitirang tao sa mundo." Sabi ko pa.
"Hindi naman si Tantan kailangan mo, si Tito. And girl," Ngumiti siya ng nakakaloko. "Chance mo na 'to. Since kailangan mo ng mga pirma ek ek may excuse ka para magkita kayo."
Nag-inarte akong nasuka. "As if. Hindi ko naman siya gusto makita noh."
"But you need him." She reiterated. "Kaya kung ako sayo tinatanong ko na siya ngayon."
"Hindi kami close." Sabi ko. On the second thought. "Hindi kami friends."
Jusko Lord. At sa kanya pa talaga ako hihingi ng tulong ngayon? Siya nalang ba talaga ang pag-asa kong pumasa?
"You mean hindi pa. Akala ko ba balak mo siyang i-friend? Diba nga keep your enemies closer sabi mo."
"Tiffany naman ehh. Feeling ko sinasadya mo.." Reklamo ko.
"I was just suggesting. Kung ayaw mo okay lang naman. There are big companies naman like Unilever ganon or Ministop--"
"Fine. Okay, okay." Suko na ako. "Pero ikaw muna magsabi sa kanya. Friends naman kayo."
"Sus. Oo naman. Wait tawagan ko ngayon."
Nanlaki ang mata ko dahil kinuha na niya ang phone niya. Agad agad?
"Teka-- wait. Anong sasabihin mo?"
"Chill, I got this."
Hindi ko alam bakit ang lakas ng kabog ng dibdib ko pero hindi na ako nagsalita. Hinayaan ko nalang na si Tiffany ang makipagusap kay Tristan since close naman sila.
"Nasaan ka? May favor pala ako sayo.." Then nagulat ako nang niloud speaker niya ang cellphone.
"Bahay bakit?"
Nakatingin lang ako kay Tiffs.
"May favor nga ako. Actually hindi pala ako. Si Jade kasi she needs someone to sponsor their conference.."
"Hmm.."
"You sponsored last time sa event namin so sabi ko help ko siya. Okay lang ba kay Tito na mag sponsor ulit?"
There was a long pause.
"Tatanong ko. What kind of conference?"
"I'm not sure. Kayo nalang kaya magusap ni Jade para clear."
Agad akong tumayo at sumenyas na ayaw ko.
"I'll give your number to her. Magreply ka ah? Baka sabihin niya talkshit ako." Then she winked at me.
"Ok."
"Ikaw lang ang pag-asa niyang pumasa kaya umayos ka Tan."
He just mumbled a hmm then he hung up.
"O ayan na, tinulungan na kita. Busy rin akong tao noh. I can't be your PR forever."
So binigay na niya sa akin ang number ni Tristan pero nakatitig pa rin ako sa cellphone. Paano ko ba sasabihin sa kanya? This should be easy kasi business proposal naman ang offer ko and they are also going to have an exposure. But this is Tristan we're talking about and talking to him was never easy for me.
In the end I just said something like,
"Hi. Binigay ni Tiffany sa akin number mo about sa sponsorship. Maybe I'll send the letter once na makuha ko. - Jade" Then I put a happy face emoji at the end.
Now I'll just wait for his reply.
It took him a while to reply pero okay na 'yun at least he did kaysa naman hindi.
Tristan:
Okay. Just text me so I can check my mail.In all fairness ang formal niya magreply.
Me:
If hindi pwede okay lang rin. Wag kang maniwala kay Tiffs.Tristan:
Sisingko ka pag wala ka nakuha diba?Me:
Maybe pero may iba pa naman ako pwedeng pagtanungan so okay lang.Pag wala kay Tristan maybe I'll try big companies.
Tristan:
So I will help you. Don't worry, ako nang bahala. Send mo lang letter.Bakit biglang naging mabait si Tristan? Anong nakain nito? O baka naman pinapaasa lang ako nito tapos pag asang asa na ako sabay bigla niyang sasabihin na isang malaking joke lang pala ang lahat.
May weeks pa naman ako kaya kailangan kong magtake ng risk dito kay Tristan. Next week naman makukuha ko na 'yung letter so malalaman ko na kung payag or hindi.
Oh well. Right now he's my only chance of passing so I need to take my chance with him. It's not like there are other choice right at this moment.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.