Chapter 22 - Phone Pal

6.6K 148 9
                                    

"Can I borrow your phone? Kailangan ko lang tawagan 'yung classmate ko." Tiffany stretched her hand.

"Nasaan phone mo?" Tanong ko.

She pouted at her now charging phone. "Charging. Alam mo na, dami kayang sumasabog na phones ngayon. Kawawa naman ako."

Umirap ko. "Tiffany, hindi sasabog 'yang phone mo. Wag kang paranoid."

"Ehh dali na. Paano naman 'tong unit natin pag sumabog diba?"

Nakipagtalo pa ako na pwede naman tanggalin sandali sa pagkakacharge pero tinatamad daw siya. Pinahiram ko na rin siya since sayang naman ang load ko kung di ko rin masyado nagagamit.

Hindi pa siya nakakatawag ay nakangiti na siya sa akin.

"Kung may binabalak kang gawin wag mo nang ituloy."

"Wala ah. Pero infairness, phone pal levelz pala kayo ni Tantan." Tinulak ako ni Tiffany.

"Pinagsasabi mo dyan." Inagaw ko sa kanya 'yung phone ko. "Wag ka na nga makitawag."

Tumawa siya at inagaw ulit sa akin. "Ito na nga tatawag na."

Binalik rin niya agad sa akin phone ko after niya makitawag. Binalik rin niya ang usapan namin.

"Pausap usap nalang kayo. Ang arte arte mo pa dati na 'never ko siya ifrefriend' sus." Ginaya niya ako. Well that was before. Iba na ang case ngayon.

I gave her the look, "Hindi noh. Tsaka hindi naman kami palaging naguusap. Nung Christmas and New Year lang naman 'yan."

"Tignan mo, Christmas and new year pa talaga. Anong meron, girl? Ito na ba 'yung pinakahihintay ko na boyfriend?"

"Anong meron ka dyan! Bumati lang 'yung tao may something na agad. Tsaka diba tumatawag naman talaga siya sainyo?"

What makes me special then if he call all his friends? Nilalagyan nanaman ng issue ng Tiffany. Basta pag dating kay Tristan she always assume na may something agad kahit na wala.

Kahit nga simpleng paghatid para sa kanya ay issue agad. Hinahatid rin naman siya ni Michael. Edi ibig sabihin may something din.

Tumaas ang kilay niya at umiling. 'Yung iling na wala siyang alam sa pinagsasabi ko.

"What? Hindi ba? But he said--"

"Girl, Tantan never call us. Kahit nga birthday ko hindi 'yun tumatawag."

Kumunot ang noo ko. But he said tatawagan niya pa sila Rhian. So he lied to me? So tama nga ako na ako lang talaga ang tinawagan niya.

"Tumatawag lang 'yun pag magyayayang uminom. But it's always us who call him, not the other way around."

Makikipagtalo pa sana ako pero wala naman akong ebidensya. And I don't know how his brain works.

Lumaki ang ngiti ni Tiffany. "I can't believe this. Type ka niya!" Niyugyog niya ang balikat ko. Mas excited pa siya sa akin sa nalaman niya habang ako walang masabi kasi hindi naman talaga.

I was just there letting her think what she wants to think. Basta ako alam kong walang meron sa amin. Geez. It's just a call and she immediately jumped to the conclusion that he like me. Gaano ba kalawak ang imagination nitong babaeng 'to?

"Parang hindi naman. Baka mas trip niya lang talaga akong asarin." Balewala kong sabi. "Maybe because you're boring him. That's why."

"Me, boring? Alam mo, fine with me kung ayaw mong maniwala. Tutal hindi ko rin naman alam anong tumatakbo sa utak nun madalas." She waved. "But ikaw alam ko. Kaya ikaw nalang tatanungin ko. May gusto ka ba kay Tan?"

"Ano? Sympre wala. Paano ako magkakagusto sa kanya? Galit nga ako sa kanya diba."

"Oh c'mon! Expired na 'yang galit mo sa kanya alam ko. Close close niyo nga, e. May codename pa para sa isa't isa." She sighed, "Fine, don't tell me. Okay lang naman.."

"Tigilan mo ko, Tiffs. Alam na alam ko 'yan. Hindi gagana sa akin 'yang style mo."

Malakas siyang tumawa. "Oo na! Pero ah, promise mo sasabihin mo sa akin pag kayo na. I want to be the first one to know. Kung hindi magtatampo ako sayo."

"Tiffs, sabi ko naman--"

"Right. Alam ko na hindi mo siya magugustuhan pero hindi mo naman mapipigilan si heart. So it's not really up to you, Jade."

"Bakit ba gustong gusto mo maging kami?"

Ang dami daming lalaki sa mundo and she never linked me to any of my classmates kahit na minsan nakikita niyang may kasama ako. Madalas rin akong akbayan ng classmate kong lalaki pero wala lang 'yun sa kanya until Tristan came into picture.

"You know I love you. Of course I want you to experience love." She said dreamy. "True love at that. I think he's yours."

Kung hindi lang kami magkasama buong maghapon iisipin kong nakainom siya. Really, now, true love?

"Please lang. Tigilan mo nga ako dyan sa true love na 'yan." I shrugged. Kinikilabutan ako sa idea na true love at idagdag pa na si Tristan ang akin. "Bakit, ikaw ba naexperience mo na?"

Sa dami ng naging boyfriend niya hindi ko na rin alam kung alin ang true love niya doon. Like ngayon may bago ata siyang dinedate. Sanay na kami kung minsan ay ngingiti nalang 'yan magisa sa phone. Hindi na rin namin kinikilala because we know it's not serious anyway.

Doon lang siya sa tanong ko walang nasabi. So true love shuts her up huh?

"Ay basta. Tandaan mo F.O." Nanliit ang mata niya.

She didn't answer my question though. Pero hindi ko na pinush. I guess she hasn't found the right one either.

"FO agad? Akala ko magtatampo ka lang?" Tawa ko.

"Magtatampo then F.O. then I'll kick you out of this unit."

"How can you do that to me? I thought you love--"

Magdradrama pa sana ako but I was cut off by my cellphone. Napatingin kaming dalawa sa phone na nasa kama. Napakagat ako sa labi ko at tumingin kay Tiffany when I saw that it was Tristan who's calling.

Napangisi lang siya sa akin. "Ayon na nga. Sinasabi ko na. Hindi pa ba 'yan phone pal levels? Nope, definitely not."

Tumayo na siya para lumayo sa akin. Pinuntahan nalang niya ang cellphone niya para icheck.

"We're not phone pals." I shouted before answering the phone.

But at this point I think we kind of are.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon