"Pass muna ako."
"Lalo kang wala mapapala kung dito ka lang araw araw!" Hinila niya ako patayo. "Magbihis ka na! Sasama ka."
Bumalik ulit ako sa kama. "Tinatamad ako. Bakit ko ba kailangan sumama? Kayo nalang."
"Tingin mo? Tingin mo hindi kita pipilitin? You know me better than that."
"Yup."
"Kaya go go magbihis na para makaalis na tayo. They are all waiting."
"Inaantok na ako!" Tinakpan ko ng unan ang mukha ko.
Tinigilan na niya ang paghila sa akin at narinig ko nalang na may tinatawagan siya.
"Hoy Michael ayaw raw sumama ni Jade. Paano 'to?"
"Put me on speaker."
"Go."
"Jade! Pag hindi ka sumama hindi na namin itutuloy ang lakad."
I got up the bed and groaned. "Bakit? Pwede naman kayo tumuloy kahit na wala ako."
"It's not fun without you. Minsan lang tayo maging kumpleto. Tara na. Libre ko na inom mo!"
"Nakakatamad!" I dragged the last syllable.
"Wag ka nang tamarin. Ano sama ka na ah. Ako nang bahala sayo kahit ubusin mo pa alak sa bar."
"Hoy Michael never mo 'yan inoffer sa akin ah!"
"Who you?"
"Gago Michael! Bye na."
Tingin ko I also need a drink. Given na stress na stress na ako sa lahat at hindi pa ako nakakainom kahit isang sip lang for these weeks.
I know Tristan will be there. Habang nasa kotse ay iniisip ko na kung anong gagawin ko pag nakita ko siya.
"Ready ka na?" Tanong ni Tiffany pagkapark niya.
"Wala naman akong choice. Nandito na tayo eh." Irap ko.
"That's the Jade I know." She smirked. "So tara?"
Hindi nalang ako titingin sa kanya. Madilim naman sa bar kaya hindi ko siya masyadong makikita at maingay kaya hindi kami makakapagusap.
That's easy.
Pero nagkamali ako dahil kitang kita ko ang mukha niya kahit na nasa dulo siya nakaupo at rinig na rinig ko ang boses niya sa tuwing maguusap sila ni Joseph.
Malayo pa lang ay nakita ko na siya kaya umiwas talaga ako sa may pwesto niya. Si Michael ang unang pumansin sa akin.
"Sumama ako so libre mo? Walang bawian ah."
"I'm a man of my words, Jade." He wiggled his brows at me.
"Wag mo munang isipin si Tantan! Just think that you're single and wanna have fun. Hm?" She held her glass up.
I clinked my glass with her whiskey.
"That's the plan."
She and Tiffany laughed at that.
"Tara sayaw!" She asked after the shot.
Nagpunta kaming tatlo kasama si Michael sa dance floor para makaiwas kay Tristan.
Mukhang hindi naman nila alam ang ganap sa amin ni Tristan dahil walang nagtatanong at buti nalang rin wala dahil hindi ko rin alam ang sasabihin.
Actually naisip ko na bakit ako iiwas kung parang hindi naman ako nageexist sa paningin niya. Like before hindi niya ako tinapunan kahit isang tingin lang!
I'm craving for his look though. Kahit isa lang!
Gaano ba siya kagalit sa akin at kahit isang tingin ay hindi niya magawa? Kahit nga tanguan lang ako pagdating ko wala! Hindi ko na kayang tiisin pa ang trato niya sa akin.
Well kung ayaw niya akong tignan bakit ko siya titignan? If I'm invisible then he is too!
Tumawa ako magisa. I think I'm becoming brave because of the alcohol. This is why I love alcohol. For tonight I'm not emoterang-Jade.
I'm just a frustrated college student who wants to drink and party. Tonight I will drink all of my frustrations away. Yup, that's what I'll do. I can worry about everything tomorrow after I wake up.
"Masyado mo naman atang sineseryoso ang sinabi ko?" Tumawa si Michael. "Sige na nga, minsan ka lang lumabas. Libre ko na."
I took another shot with Michael before he went to the dance floor with Joseph.
My glass just never seems to run out of alcohol. Panay rin ang cheers naming tatlo ni Oliver at ni Rhian.
Hindi niya kasama si Allana dahil ayaw nitong sumama since she doesn't drink naman.
At this rate I might get drunk early. But I don't care. That's what I want, to get drunk, go home and just sleep.
"Bakit mo ba kami pinipigilan?" Hinawi ni Rhian ang kamay ni Tristan nang subukan niyang kunin ang basong hawak ko.
"You're drunk!"
"Shoo if you don't want to join."
Tristan snorted. He's the only one who is grumpy tonight. Lahat ay nagsasaya habang siya ay umiinom lang.
"Don't mind him. Isa pa guys! Cheers!" Sabi ni Tiffany.
Uminom, sumayaw, hell we even talked to some guys pero hinila lang kami nila Michael.
"Enough!" I narrowed my eyes at Tristan who snatched my glass.
"Enough is never enough." Tumawa pa ako at kinuha ang isang pang baso sa mesa.
Bigla nalang niya akong hinila patayo nang walang pasabi at naglakad papuntang exit.
"Bakit mo ba ako hinihila? Ayaw ko pang umuwi. It's still early."
He didn't listen. He just keep on pulling me and force me to get on his car.
"Stop dragging me. I'm not going with you."
"I'm driving you home."
"Na kay Tiffany ang susi ko!"
Narinig ko siyang nagmura pero nagdrive pa rin siya.
"We're going to my house."
"Ayaw ko! I'm not going to your house!" Nagsisigaw ako.
"Then do you have the key?"
"You should've let me stay there instead of dragging me out and now bringing me to your house!" I yelled.
Naiinis lang ako sa sarili ko dahil hinayaan ko siyang hilain ako.
"Do you have anywhere else to go?"
"Iwan mo nalang ako sa condo! Hihintayin ko si Tiffany."
"Naririnig mo ba ang sarili mo? Maghihintay ka sa labas sa kanya? Hindi mo nga sigurado kung uuwi ba siya. You're both fucking drunk!"
"It's because you pulled me out of that bar! Kung hindi mo ako hinila sabay kaming uuwi! Tapos ngayon ikaw pa ang galit?"
"Don't fight me on this, Jade. I'm bringing you to my place."
"I don't want to go to your fucking condo, Tristan! Ayaw ko!"
Walang nagawa ang pagsisigaw at reklamo ko sa kotse dahil doon pa rin niya ako dinala!
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.