Chapter 32 - Umulan

5.8K 134 0
                                    

That's why I love going home. It clears my mind and I have someone to talk to na hindi bias kay Tristan.

Binigyan ako ni Ate ng iilang advice. Hindi ko lang alam kung dapat ko bang sundin ang iba though may sinabi talaga siya na tumatak sa utak ko.

"Alam mo Jade. Hindi na kaya uso pakipot ngayon. Just do it! Go lang ng go. Pag nalagpasan mo kasi 'yung chance na maging masaya. Wala na. That's it. And believe me you're gonna regret it forever."

Kinwentuhan rin niya ako ng mga stories tungkol sa mga naging boyfriend niya.

"Anong kinatatakot mo, eh hindi naman masamang magmahal. You just have to find the right one."

Ngayon lang ako naging thankful na may Ate akong maraming experience sa love. I just hope that my love story could be like her and Aldwin. They look so in love. They don't call or text each other the whole day but you know they cherish each other so much.

I like clingy but I hate texting the whole day because really, wala rin naman mapaguusapan. Just the usual anong ginagawa mo or kumain ka na ba. I don't like it since it's obvious na hindi ako palatext. Mas gusto ko pa 'yung nagkikita ng personal and occasional phone calls too.

About what Ate said though, the problem is that it's hard to find the right one and how do I know if he's already the one.

Love is really complicated but beautiful at the same time. It's amazing how thinking about that person can make you smile like an idiot for no reason.

Hay, Tristan. I got to admit my defeat this time. I had to admit of losing this game because I've fallen for your charm.

xx

Weekend's over. Ilan araw na ang nagdaan pero itong si Tristan hindi pa rin tapos sa kakabanggit ng kaibigan sa akin. Ano ba talaga ang gusto niyang iparating ha?

Pumayag kasi akong makipagkita para tumambay habang inaantay niyang matapos ang klase ni Joseph dahil mukhang may lakad ang dalawa pero kung alam ko lang na ganito ang mangyayari ay sana hindi na ako pumayag.

"Okay ka lang?" Kumunot ang noo niya sa akin dahil napatitig nanaman ata ako.

"Yup." Tumango lang ako at tinitigan ang fruit tea ko.

"Sure ka? You don't look okay."

Painom na ako sa tea nang bigla niya akong inabot at hinawakan ang noo ko. Automatic akong napaatras sa ginawa niya dahilan kung bakit nabitawan ko ang baso at natapos sa akin ang laman. Napatingin sa akin ang mga tao dahil nasipa ko rin ang mesa. Mabuti nalang at hindi nabasag ang baso.

Jusko Lord ano ba itong nangyayari sa akin?

Tumayo agad si Tristan at inabutan ako ng tissue. Halos hindi ko pa 'yun nabawasan kaya medyo puno pa at basang basa ako.

"Okay ka lang ba talaga?"

"Oo. Nabasa lang naman ako pero okay lang matutuyo rin naman agad."

He sighed then got up. Hinila rin niya ako patayo, palabas.

"Huy okay lang ako. Saan tayo pupunta?"

Bigla nalang niya ako pinapasok ng kotse at sinabing magseatbelt. Ayaw ko pa sana dahil mababasa ang seat niya pero halos itulak na niya ako.

"Tristan, nasaan tayo? Sinong nakatira dito?" Tinignan ko ang mataas na building hanggang sa pumasok siya sa parking.

Shit this is not what I'm thinking, right? No way.

"Magpalit ka muna. Basang basa ka. Mamaya pa naman si Joseph." Hininto niya ang sasakyan at pinatay ang makina.

No shit. Dinala niya ako sa condo niya!

"Bakit dito? Sana sa amin mo nalang ako dinala."

"Bakit? Anong problema?" He asked.

I thought I saw him smile.

Hindi ako nakasagot. Umiling lang ako. Bakit ba kasi dito! Parang ayaw ko tuloy bumaba.

"Don't worry. I won't do anything to you. After all we're friends."

"Hah." Napanganga na lang ako. Why am I the only one panicking here? He's just sitting there like this is normal.

"Paano? Wala naman akong damit dito."

"Pag sa inyo pa natuyo ka na sa aircon. Magkakasakit ka lang."

"Pero--"

Bumaba lang siya na parang hindi ako narinig. Sumunod rin ako at dirediretso lang siya sa elevator.

"Tristan uuwi nalang ako."

Para lang akong nakikipagusap sa hangin.

In the end tumahimik nalang ako at sumunod sa kanya sa unit niya.

He's a gentleman alam kong wala siyang gagawin sa akin but still this is so awkward.

Never pa akong nakapunta sa bahay ng isang lalaki na kaming dalawa lang. Napanood ko na 'to sa tv at nabasa sa mga storya.

Then huminto siya sa unit at kumatok.

Teka kumatok? Ibig sabihin may tao sa loob?

Nanlaki ang mata ko nang nakita si Oliver pagbukas ng pintuan. Nagulat rin siya na makita ako.

"Oh umulan sa labas?" Tumawa siya.

"Ano nangyari Tan?" Tinanong pa niya si Tristan.

Nagkibit balikat lang siya at sinabing, "Umulan."

Sumimangot ako at pumasok.

Doon lang ako nakahinga ng maluwag dahil nandito naman pala si Oliver. Akala ko ay kami lang ni Tristan dalawa. Nawala sa isip ko na minsan pala ay nakikitulog si Oliver sa kanya.

Nahihiya ako because I'm just scared on my own for nothing. Ano ba naman kasi ang pinagiisip ko kanina. Of course he won't do that.

Pinahiram ako ni Oliver ng damit ng girlfriend niya. I didn't ask why she has clothes here though I'm really wondering.

"Thank you for this."

"Okay lang 'yan. Hindi na niya 'yan hahanapin." Tinanguan lang niya ako.

Napatingin naman ako kay Tristan at hindi ko matago ang hiya ko dahil kung ano ano pa ang tumatakbo sa utak ko.

Tumaas lang ang kilay niya at nginisian ako tapos umiling.

Oo na, kaibigan lang ako kaya wala siyang gagawin sa akin. Friend. I'm just his friend so he won't do anything.

But why do I find that really annoying. Napahiya nanaman ako sa wala.


The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon