Chapter 15 - Mr. C

7K 141 3
                                    

At last natapos na ang pinoproblema kong conference. Pwede na akong magpahinga at magrelax. One subject down.

I don't want to admit this but it's all thanks to Tristan kaya hindi ako masyado nahirapan. Actually wala ngang kahirap hirap. Others really went through a lot of hassle para lang sa sponsorship na 'yan.

Proud na proud kong pinanood ang powerpoint na pinaplay sa loob ng conference room. Gusto ko pa ngang sumigaw ng "I'm the one who got that company!" Pero sympre pagagalitan ako ng Prof ko so I just did it mentally.

"Iba talaga nagagawa pag mayaman. Pirma pirma lang." Sabi ni Carol.

"Truth. Sinabi mo pa." Nagagree naman 'tong si Ryza.

"Ewan ko sainyo. Uuwi na ako guys, inaantok na ako." Nagpaalam na ako sa kanila.

Aside from getting sponsors, kailangan pa namin mag act as staff kasi kulang rin kami sa tao. The others are busy hosting and giving speech. Kahit na sobrang ngarag at pagod, successful naman and our Prof decided to give all of us 1.00 for the successful event.

Pag uwi ko tsaka ko lang nabasa ang message ni Tristan.

Tristan:
How did the conference go?

So textmate na rin pala kami? It's a 3 day conference and he even know today is the last day. He sure knows everything.

Me:
The usual giving speech and lectures. Boring.. Uy thanks pala talaga.

Nagadd pa ako ng emoji sa dulo tapos nagcompose pa ako ng isang message.

Me:
..sa Daddy mo ha? Hindi sayo.

Gusto ko lang siyang asarin though lahat ng hardwork siya ang gumawa. His Dad only signed the papers.

Tristan:
And he said welcome.

Me:
Joke lang. Salamat talaga. Thanks Mr. C!!

Tristan:
Mr. C?

Me:
Short for Mr. Creep or pwede rin Mr. Who-knows-it-all

Tristan:
That's funny Ms. C. And for the record, I'm just observant.

Anong Ms. C? Kahit nacucurious ako hindi kong tinanong dahil sigurado lolokohin lang niya ako.

Me:
Whatever I still want to call you Mr. C. Tsaka wag ka nga gaya.

Okay nawala na ang antok ko. This is becoming interesting all of a sudden than the sight of my bed.

Tristan:
C is for curious cat in case you're curious.

Aba aba! See, alam nanaman niya.

I just replied an angry emoji and the fist emoji. Alam mo 'yung nakakainis pero nakakatuwa na inis.

xx

At least this time sa ibang cafe na kami nagpunta. Kakain lang dapat kami kaso biglang nagyaya ng tambay si Michael dahil ayaw pang umuwi.

Nakapila kami para umorder at nasaktuhan na nasa likod ko si Tristan. Bigla akong may naisip na kalokohan.

"Anong order mo? Sabay ko na sayo." I smiled sweetly.

"Bakit?"

"Para sabay lang. Ayaw mo ba? Sige wag na." Sabi ko.

I knew he'd fall for that. After that he gave me the money along with his order.

Pagbalik ko ay pilit kong tinatago ang ngiti ko para hindi ako masyadong mahalata.

Maya maya konti ay naririnig ko nang tinatawag ang order niya. Walang pumapansin doon sa babae at kahit na si Tristan ay nakikipagusap pa kay Joseph.

"Sino ba 'yang si Mr. C? Kanina pa tinatawag hindi lumalapit." Nagreklamo na si Tiffany.

"Oo nga. Pag ayaw niya ako na kukuha ng order niya."

"Mr. C," Sinabi ko nang malakas. Enough to get their attention. "Huy Tristan diba ikaw 'yun? Iced Americano for Mr. C?"

Kami ang huling customer na pumasok kaya imposibleng may iba pang umorder ng iced americano niya. At alam naman naming dalawa kung sino ang tinatawag.

"What?"

"Narinig ko 'yun ang sabi mo sa counter. Bakit Mr. C?" Nagmaang maangan pa ako kunyari.

Napapikit siya at nanliit bigla ang mata sa akin bago tumayo at kinuha ang order niya.

Pagbalik niya ay tumayo siya sa tabi ko at yumuko para mag level ang paningin namin then tsaka siya bumulong.

"Seriously? Nice play Ms. C."

"Oy oy ano 'yan ha? May tawagan pa kayo ah." Pinansin agad ni Oliver.

"Ano 'yang pa c-c niyo dyan? Share naman." Si Michael.

That's for being a creep. Nakakatakot na ang dami niyang alam sa akin sabay ako wala. Natural na macurious ako noh.

"Wala akong alam dyan." Sabi ko.

"Stop na. Jade is blushing." Tinukso ako ni Rhian.

"Bakit ka namumula?" Epal talaga 'tong si Tristan!

"So curious cat ka na rin?" Tumagilid ang ulo ko sa kanya. "Naku guys ha, hindi naman ako namumula. Ako naman nakita niyo."

Wala naman dahilan para magblush ako so why would I? At kung meron man siguradong hindi dahil kay Tristan. Mamumula sa inis yes but the blushing type na pula? No. Never.

Tinigilan rin nila ang pangaasar sa akin dahil naging busy kami sa paglalaro ng board games. My personal favorite is coup.

"Sunod na talo may dare na. Bawal ang KJ." Ani Rhian porket dalawa kami ang hindi natatalo.

"O alam na guys." Nagtinginan sila Michael sabay sa akin.

"O..kay? Bakit sa akin kayo nakatingin? Bawal madaya."

Nagtaas baba lang siya ng kilay. Kakampi ko naman si Tiffany sa pagtrip sa mga boys.

Tumambay kami hanggang sa closing time bago umuwi. Pagbalik sa dorm biglang binrought up ni Tiffany ang isang bagay na nakalimutan ko na.

"Improving 'yung relationship niyong dalawa ah. Tuloy pa ba ang revenge mo?" She air quoted the word.

Napatigil ako dahil sa totoo lang hindi ko na 'yun naisip. While I'm getting close to him, little by little nawawala na 'yung inis ko sa kanya dati. Pag naiisip ko ngayon it's like a childhood joke nalang.

Parang my elementary days won't be that memorable without all of that.

Now it feels weird. Parang gumaan na pakiramdam ko. I've been carrying that thought na kailangan kong makabawi ever since at ngayong binitawan ko na parang hindi ako sanay.

"I don't know, Tiff."

Part of me believe that he is a good guy since nagexplain na rin siya sa akin and apologized for it too. But I don't know, I just know that I want to maintain the friendship we have.

"Ano, nahulog ka na noh? Hala ka! 'Yan na nga ba ang sinasabi ko."

"Anong nahulog pinagsasabi mo? Hindi noh. Layo ng naisip mo."

"Girl, alam ko 'yang mga tingin na ganyan. Ako pa ba? Nako, Jhedea Reyes!"

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon