What is fate? Fate is when your Mom decided to buy groceries at the same time your boyfriend decided to drive you home.
Nagtinginan kaming dalawa ni Tristan nang nakapasok na siya ng bahay. Alam kong kinakabahan rin siya dahil nakikita ko ang paghinga niya at medyo namumula ang tenga niya.
Ang tingin ko pa sa kanya ay 'yung tipong 'I pity you' look.
Ayan ang kulit mo kasi! Bahala ka dyan!
"Hinatid niya lang ako Mama. Aalis rin siya agad."
"Hinatid? Bakit ka pala napunta dito sa amin?" Tanong ni Mama. Ayan na nga! Sinasabi ko na. Nagsisimula na mga questions ni Mama!
"Uuwi rin siya agad ng Manila. Diba?" Pinanlakihan ko siya ng mata.
Napatingin naman sa akin si Mama. "Ilagay mo nga sa ref 'tong mga 'to, Jade."
Uh-oh
Tumingin ako kay Tristan at pasimple rin siyang tumingin sa akin. He pursed his lips asking me not to leave but I just raised my eyebrows.
"Anong pangalan mo?"
"Tristan po. Kaibigan ni--"
"Boyfriend, Ma." Singit ko at nagmadaling kinuha ang mga gulay para tumakas.
This is it. There I said it. Ayaw ko na magsinungaling pa since nandyan na rin naman. Isa pa walang kaibigan lang na willing magdrive ng halos tatlong oras para lang ihatid ako pauwi.
Bahala na. Iniwan ko sila doon sa sala. Tristan will be okay right? Hindi ko alam kung ano nang pinaguusapan nila ni Mama pero hindi ko kayang bumalik doon. Sinadya kong tagalan ang pagaayos ng pinamili sa ref.
Pero nacurious rin ako at naisip ko na kawawa naman si Tristan kaya binalikan ko siya.
Ayun na nga. Iniinterrogate na siya ni Mama kung saan siya nagaaral, ilan taon na siya at kung paano kami nagkakilala.
Si Tristan naman sumasagot lang. I suppose he have done this before with Erielle and her parents dahil medyo alam na niya ang way to talk to parents.
Hindi na rin siya kinakabahan tulad kanina. He now looks more comfortable and himself.
Oo nga naman bakit ako magaalala sa kanya eh alam ko naman kayang kaya niyang icharm si Mama. Sa itsura pa lang niya sigurado akong approve na siya kay Mama. Lalo na pag ngingiti siya ay nakikita kong napapangiti rin si Mama. Yup, nakakahawa talaga siya.
Mukhang gusto naman siya ni Mama dahil mas konti ang mga tanong niya. Napansin namin ni Ate na the lesser the questions she asks the more na gusto ni Mama ang isang tao.
Well looks like Mama is not immune to his charms too.
"Ma!" I called as I entered the living room, "Hindi ka pa ba magluluto? Uuwi pa si Tristan."
"May lakad ka ba hijo?"
Tumango ako sa kanya as a sign na 'yun ang isagot niya pero ang loko sinabing wala.
"Good. Dito ka na magtanghalian. Mahirap rin magmaneho ng gutom."
"Ha?" Napalakas ang boses ko kaya napatingin sa akin si Mama. Ngumiti nalang ako.
Clearly Mama likes him.
"So?" I sat beside him.
He grinned. "I told you I can handle it."
"Yabang mo ah! Sino kaya 'yung kinakabahan kanina."
"Sino? Hindi ko alam 'yang sinasabi mo."
"Oo na. Edi ikaw na." Tawa ko.
Napatingin kami kay Mama na nakasuot ng apron. Akala ko ano nanaman nang tanungin niya si Tristan. "May food allergies ka ba, Tristan, para alam ko kung anong lulutuin."
"Wala po, Tita."
Wow Tristan and Tita na agad sila? I gave this one to Tristan. I bet he could charm all the Tita's in the world.
"Wala si Ate?"
"Nag mall ang Ate mo. Mamaya pa ang uwi nun." Bumalik na si Mama sa kusina.
"After lunch uuwi ka na?"
"Bakit ba atat na atat kang paalisin ako?" He chuckled.
"Ayaw mo ba ako makasama? Mabuti pa Mama mo." Dagdag niya.
Umirap ako. "Gusto. Pero wala naman kasi sa usapan natin na dito ka maglalunch."
"I didn't plan on meeting your Mom too." Aniya. "Kung alam ko lang I should've brought something."
"Ano ka ba, okay lang 'yun. Sobrang formal mo naman!"
"Sympre Mama mo 'yun eh."
"Parang ikaw pala 'yung Mama mo noh? Madaldal kayo parehas. She's like the older version of you." Aniya.
"Shh pag narinig ka na sinabi mong old siya magagalit 'yun sayo." Tinusok ko ang pisngi niya.
Sinilip naman niya ang kusina namin. Napatingin rin ako at napaharap nang bigla niya akong hinalikan sa pisngi.
Nanlaki ang mata ko at hinampas siya. "Baka makita tayo! Ano ka ba!"
Ngisian lang ba ako!
"Wag mo nang ulitin iyon."
"Pag gusto ko?" He's taunting me. Nilalapit niya ang mukha niya sakto naman na tinawag ako ni Mama kaya agad siyang lumayo.
"Sabi sayo eh!" Tapos nagtawanan nalang kami.
Hindi ko inexpect na magugustuhan siya ni Mama ng ganito. Tuwang tuwa siya kay Tristan at sinabi pang kung gusto ni Tristan ay dito na rin maghapunan.
Ang sarap kasi ng kain ni Tristan kaya tuloy lalong natuwa si Mama sa kanya. Panay ang puri ni Tristan na masarap ang luto ni Mama. Natural lang na puriin ni Tristan ang luto niya pero paniwalang paniwala naman si Mama sa kanya.
Ako, napanganga nalang sa nangyayari. Ako ang kinakabahan para sa kanilang dalawa dahil baka kung anong ikwento ni Mama sa kanya! At baka masabi ni Tristan na siya 'yung batang may dahilan kung bakit ako nagkabubble gum sa palda.
Galit na galit pa naman si Mama nun dahil hirap na hirap siyang tanggalin 'yun.
"Mama magdadrive pa siya pauwi sa kanila. Gagabihin siya!" Ako ang tiga pigil ni Mama.
"Ikaw ba ang magmamaneho? Okay lang naman sayo diba?"
"Oo naman po." Nag killer smile pa si Tristan.
"Sympre sasabihin niya sayo okay lang. Alangan sabihin niya ayaw niya." Sabi ko.
Pero parang hindi ako narinig ni Mama at nakipagkwentuhan pa kay Tristan.
"Sobrang kamukha niyo po si Jade." Ani Tristan nang makita ang nakaframe na picture ni Mama at ni Papa.
"Kamukha ba? Mas maganda naman ang original." Tumawa si Mama na parang dalaga.
"Ay oo naman!" Nakipagbiruan pa siya.
So ano ako dito? Chaperon nilang dalawa?
Ay nako bahala na. Pumasok na ako sa kwarto since mukhang magkasundo ang dalawa.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.