Kanina pa ako hindi tinitigilan ni Tiffs sa pangungulit niya at sa sermon niya.
"Pwede bang wala ka? Kilala mo naman si Rhian! Magmajor tampo 'yun sayo lagot ka."
Sumimangot ako, "Why do I have to go? Sabihin ko nalang may test ako bukas."
"Baliw! Anong why ka dyan. Grabeng friend ka."
"Hindi sa ayaw ko pero--"
"Bakit hindi mo sinabing hindi ka pwede nung sinabi niya sayo? Tapos ngayon mo lang sasabihin? Umayos ka dyan."
"Ehh.."
"Eh ano. Eh kasi nandoon si Tantan? Ano naman? Hindi niyo naman kailangan magpansinan. You just have to show your face then you can go if you're uncomfortable. Ako nang bahala."
Sympre birthday ni Rhian kaya gusto ko rin talagang pumunta. She said it while we're sleeping over at Tiffany's last time. Aba malay ko bang magkakaganito pala kami ni Tristan.
I'm the type of person who value friendship over anything else so I really don't want to disappoint Rhian pero si Tristan kasi.
Ayaw ko pa talaga siya makita. Because pag nagkita kami magiguilty nanaman ako which is hindi ko naman talaga dapat maramdaman. And if I'm guilty I want to apologize to him which I don't want because why, I haven't done anything wrong.
Hindi ko rin alam kung paano ko siya haharapin. Look how could I even start a conversation with him when we didn't converse for almost two weeks.
Parang we're starting over again. God, help me.
I hope this night would be anything but awkward.
"Hindi ba mas nakakahiya pag umalis ako agad?"
She looked at me then raised her brows. She doesn't have to say anything, alam ko na ang sasabihin niya.
Hay. I guess wala na akong takas this time.
xx
"Happy Birthday, Rhian." Niyakap ko siya at nagbeso pagdating ko.
Simpleng birthday dinner lang ang celebration ni Rhian. I was thinking of a party na maingay at maraming tao, hindi 'yung tahimik na lugar na wala masyadong kumakain dahil puro sosyal ang mga tao.
I prefer party kasi para hindi ko masyado mapapansin si Tristan. Since they seem oblivious of the situation, pinagtripan pa kami at naging katabi ko pa tuloy siya.
I kept glancing at his direction to see if he's looking. Tinatagalan ko pa para lang mapansin niya talaga ako pero hindi siya lumingon kahit isang beses.
See, I knew I couldn't resist but to look. It's hard when he's this close and I can't do anything. I can't even say a word to him. Wala pa akong nasasabi sa kanya simula nang dumating kami at ganon rin siya.
Nagiisip na nga ako ng paraan kung paano ko ba siya kakausapin dahil naisip ko na hindi naman pwedeng ganito palagi. I'm sure mapapansin na rin kami nila Oliver kung nagpatuloy. Bago pa nila mapansin ay gusto kong okay na kami.
And it feels weird for him to be this close and act like we don't know each other.
Habang busy ang lahat sa pangaasar kay Rhian ay sumulyap ako ulit sa kanya.
Kahit isang tingin lang?
Alright I'll count to three then if he doesn't look back then okay.
One, two, three.
Wala talaga? Damot!
"Nguso mo humahaba." Siniko ako ni Tiffany.
Hindi ko alam na kanina pa pala niya ako napapansin.
"Kakainis kasi." Bulong ko.
Tumawa siya at mas lumapit sa akin. "Bakit ka naiinis?"
"Talagang hindi man lang ako lingunin pabalik noh?"
"I think that's not it." Pinipigilan niyang ngumiti. "You've fallen into the river of love."
"Huh? Pinagsasabi mo. Ano 'yun?" Tinignan ko agad sila kung narinig ba pero busy silang lahat.
"Look at you. Ganyan ganyan ang itsura ng taong in love."
Lumayo ako agad. "Ano? Hindi noh."
Tumayo naman ako agad at nagsabing magc-cr. Hindi ko naman talagang gustong mag-cr. I just phased back and fourth and looked at myself through the mirror. Sometimes kakausapin ko pa ang sarili ko tapos maglalakad ulit.
River of love pinagsasabi ni Tiffany. Ako? Nahulog? Hinding hindi ako mahuhulog sa river of love na 'yan, ano. Like ever.
Isa pa ayaw ko dahil hindi ako marunong lumangoy. Never pa ako nagkaroon ng boyfriend so how am I suppose to know what to do.
Napatigil ako nang bumukas ang pintuan at pumasok si Rhian. "Jade, anong ginagawa mo?"
I exhaled. Jade, you are not in love with Tristan. Pagkatapos kong sabihin 'yun sa sarili ko ay hinarap ko si Rhian.
"Hi." Awkward kong sabi.
Shit. She didn't hear anything, right?
Nagkunyari pa akong nagsasalamin habang tinitignan ko kung may kakaiba ba siyang reaksyon pero mukhang wala naman kaya niyaya ko na siyang bumalik.
Tinitignan ako ni Tiffany pagkabalik ko pero iniiwasan ko 'yun. Malamang alam niya kung ano ang ginawa ko. Sa condo madalas rin niya ako nakikitang kausap ang sarili ko.
Nang uuwi na ay namomoblema nanaman ako dahil walang pasok si Tiffany bukas kaya didiretso na siya sa bahay nila.
"Sabay ako sayo. Paovernight sa bahay mo?"
"Ay clingy?" Tumawa siya.
I just giggled.
Nagtataka siya sa akin dahil palagi akong nagrereklamo pag niyayaya niya ako sa bahay niya pero nakisakay rin siya. "Okay. Kaso paano ka papasok bukas?"
Ngumuso ako. "Oo nga pala. Maaga pa naman pasok ko. Naku mahirap pala magcommute galing sainyo."
Sinadya ko lakasan ang pagkasabi and I said it in the most over reacting way.
"O wala 'yang acting mo. Umalis na."
Lumingon ako and indeed he's not there anymore. "Halata ba ako masyado? Baka isipin niya nagpapapansin ako sa kanya? Kakahiya."
"Kakahiya? Oo mahiya ka talaga. 'Mahirap magcommute galing sainyo'" Ginaya niya ako at nandiri. "Walang effect since hindi ka pinansin."
"O ano oovernight ka pa ba?" Aniya.
Ngumiti ako at nagpacute. "Hindi na."
Mahina niyang hinampas ang braso ko. "Sus. Tara na nga! Sumabay ka na sa akin pauwi. Papahatid nalang kita bukas kay Uncle Danny."
Naiinis pa rin ako. Ganon na lang ba kabulok 'yung drama ko para hindi niya ako pansinin. I bet pinagtatawanan ako nun ngayon.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.