Chapter 21 - Unexpected Call

6.8K 166 0
                                    

"Dalian mo Jhedea!" Minamadali ako ni Ate kaya tumakbo ako at pumwesto sa gitna nila ni Mama. I gave my best smile for the picture.

Kasama rin si Papa sa picture though sa phone lang siya kita kasi naka video chat lang kami.

Agad naman niya chineck ang kinalabasan ng self-timer photo namin together while Mama is still talking with Papa.

Sandali ko lang tinignan ang picture because I'm more excited about the food that we're about to devour in just less than a minute.

Nasa bibig ko na ang isang stick ng barbeque nang tumunog ang phone ko. Medyo lumayo muna ako bago sinagot si Tristan.

"Merry Christmas!" Bati niya pagkasagot ko sa tawag.

"Merry Christmas, Mr. C." Tawa ko. "Kailangan talaga tumatawag? Iba pag postpaid."

"Don't be too full of yourself. Baka wala ka lang load pang reply so I called."

"Weh. Akala ko pa naman namiss mo maganda kong boses."

He chuckled. "Nahahawa ka na kay Tiffany. Wag ka nga masyado magsasama doon."

"Sorry to break it to you but we're roommates and we're bound to see each other everyday and even before we go to sleep." Sagot ko.

" Marami ka bang kinain? Baka hindi na kita makilala pag balik mo."

"Hindi pa nga ako nakakakain kasi tumawag ka. Sympre inuna ko tawag mo. Kawawa ka naman kasi."

He chuckled, "Is that so? Good thing I called you first."

Hah. "Talaga lang ah?"

"Yeah. Anyway kumain ka na lang. I'll call Rhian."

Oh. Of course. Imposible naman na ako lang ang tinawagan niya. Of course tatawagan niya rin sila Rhian. Ako nga tinawagan niya sila pa kaya na mas matagal niyang kaibigan.

xx

It's the same with New Year's Eve. Tinawagan rin niya ako minutes before the clock hits 12.

Tiffany:
Sana naman makahanap ka na ng boyfriend this year!!

Me:
Girl, tayo. Makahanap na tayo.

Tiffany:
Nope, hindi ko kailangan. I've had enough. Please lang give me a break. Ikaw ang may kailangan!!

Katext ko si Tiffany when he called.

Tatawag tawag nanaman siya. I wonder who he had called before me or who he'll call after me.

Ayaw ko na sanang sagutin but since nageffort siyang tawagan ako, sinagot ko nalang.

"O bakit?"

"O bakit parang galit ka? I called to say Happy New Year."

"Wala pang 12, Tristan."

"Hindi na tayo magkakarinigan pag 12. And it's New Year. Don't be so grumpy."

"I'm not. Narinig ko lang kasi 'yung boses mo."

Tumawa siya na parang nagpapatawa ako. I'm serious though.

It's noisy on his line. Parang marami siyang kasama, like a party or something.

"You know I shouldn't have answered the call. Ano, wala ka nang tatawagan? Mag aalas dose na."

He chuckled. "Just you this time, Jade."

I pursed my lips to stop myself from smiling.

"Nasan ka ba? Ingay dyan ah. Wait, nasa countdown ka ba? Baka makita kita sa tv."

Tinawanan lang niya ako. "Nah, too crowded. I'm at my grandparents' house. Wag kang magselos, wala akong ibang babaeng kasama." I could almost see him grinning from the other end.

"What are you talking about? As if type kita! Yuck, wag mo nga akong landiin."

"Gusto gusto mo naman." Tumawa siya.

"Kadiri ka. Magsama kayo ni Michael."

Medyo nagsisimula na ang mga nagpapaputok sa labas kaya hindi na kami masyado magkarinigan.

"There it goes." Aniya. Naririnig ko na rin na tinatawag na siya ng kasama niya.

"Happy new year, Tristan." I said before I ended the call.

Since hindi na rin kami magkarinigan nakijoin nalang ako sa mga pinsan ko na nagpapaputok sa labas. Nagpicture at kumain pa kami bago ako bumalik sa kwarto. Ang ilan ay kumakanta pa.

Madaling araw ay gising pa ako dahil hindi pa sila tapos kumanta. Sakto naman na tumawag ulit si Tristan.

"Bakit gising ka pa?"

"Can't sleep. Bakit ka tumawag?"

"Can't I call you without any reason? Bakit kailangan palaging may dahilan?"

"Sympre, unless tumawag ka kasi gusto mo lang ako kausap?"

"So sinagot mo kasi gusto mo ako kausap?"


"Okay bye." Ibalik ba naman sa akin 'yung tanong! "Baka mabaliw ka kasi pag kausap mo sarili mo. Kawawa ka naman."

"You sure that's the reason?"

"Bye!" Sinabi ko ng malakas. Sabi na aasarin lang niya ako.

Hindi porket gwapo siya ay type ko na siya, 'no. Baka nakakalimutan niya may kasalanan siya sa akin.

"For the record, Tristan. Hindi lahat ng babae type ka."

"Ouch." He acted hurt but he's just laughing kasi alam niya naaasar ako. "Tumalon ka ba?"

"Bakit ako tatalon? I'm satisfied with my height already. Bakit hindi ikaw, konti nalang kaya maaabot na kita."

Hindi naman ako nagrereklamo sa height ko. Tsaka konti nalang ay maabot ko na kaya ang balikat niya. So I'm not considered small.

"Nagpapatawa ka ba? That's a good laugh Jade."

"'Yung totoo, tumawag ka ba para laitin ako?"

"By the way kailan pala balik mo?" Tanong niya.

Of course I had to return the favor. "Bakit gusto mo na akong makita?"

"Woah. Why the sudden confidence? New Year's resolution mo ba 'yan? Kapalan ang mukha?" Tumawa siya.

"Oo. Kasama sa resolution ko ang maging katulad mo." Sabi ko. "Nasan ka ba? Wala ka bang party or something?"

"It's 2 in the morning, Jade."

"You guys party till sunrise. Anong problema?"

"May galit ka pa talaga sa akin noh? Gusto mo ba akong maputukan sa labas."

It's my turn to laugh. Tawang tawa talaga ako dahil si Tristan na ang laki laki ng katawan takot sa paputok?

"Ano ba yan, laki laki mong tao takot sa paputok."

He groaned, "It's not funny, Jade. Better safe than sorry." Iritang irita naman siya sa tawa ko.

"Sorry. Pero ah, funny ka dun." Tumatawa pa rin ako kahit hindi na ako natatawa dahil gusto ko lang siya pikunin.

"Jhedea." Bigla siyang nagseryoso.

"Ano?" I shifted then hugged my pillow.

"I'm happy that my year started with you." Aniya.

"Yeah me too. Pinasaya mo kaya ang gabi ko." Tumawa ako.

He exhaled deeply, "Hay kung saan ka masaya. So, let's sleep?"

"Yup. Good night, Tristan."

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon