I had to blink several times to confirm what I'm seeing. Because it's Tristan. I clearly told him na uuwi ako ngayon and can't see him pero anong ginagawa niya dito?
Nagaayos ako ng gamit nang biglang may kumakatok sa pintuan so I went to open it. Nakatayo doon si Tristan na bihis na bihis.
"Tristan? Bakit ka nandito?" Kumunot ang noo ko. "May lakad ka ba?"
He pulled and hugged me before he could even say anything. He just answered after, "I'll drive you."
"Are you kidding me? Hindi pwede!" I said firmly. I'm serious this time though.
But he is always so stubborn.
"Bakit hindi? Uuwi rin naman ako agad."
"Wag--"
"Wag na. Oo alam ko. But I want to, Jade."
"Eh kasi mapapagod ka lang tsaka sayang oras mo. Pwede naman akong magbus."
"If it's a waste of time, do you think I would come here?"
"Wag na makulit. Tsaka baka makita ka ni Mama. Naku." Umiling ako. "Hindi na talaga."
"I can handle it. Besides hindi naman ako magpapakita. I will just stay in the car."
"'Yun na nga. Kaya wag na! Or kung gusto mo talaga we can plan it next time."
"I thought you want to date?" He frowned.
He looked like a puppy right now but I can't be moved by this face. Hindi pwede!
"Tristan, not this time. Hindi talaga pwede. Ilan days palang tayo tapos sasama ka na sa akin pauwi sa amin? Nababaliw ka na ba?"
"I just want to drive you and be with you at least for a few hours."
Nakikipagmatigasan ako sa kanya at ganon rin siya. Looks like he really want to do this so in the end I gave up and just let him do what he wanted.
Ang usapan namin ay aalis rin siya agad kaya ako pumayag.
Gusto ko naman siya ipakilala sa family ko but I don't think this is the right time. Sobrang biglaan kasi! Parang last week lang na umuwi ako single ako ngayon uuwi ako na may dalang boyfriend? I could almost imagine the hours of talk I'm having with Mama.
Ayaw ko lang kasi na kakastart pa lang namin tapos biglang ipapakilala ko na agad. Who knows, ang daming pwedeng mangyari. Ang weird lang tsaka hindi pa nga alam ni Mama na may boyfriend na ako.
Padabog akong sumakay ng kotse. Alam niyang galit ako dahil hindi ko gusto kaya hindi rin siya nagsasalita.
Nagsasalita lang siya pag nagtatanong kung gusto ko bang kumain o magrestroom. Even though I'm not talking to him he still cares and I hate it. Bakit ba kasi siya ganito?
Si Tristan lang talaga ang kilala kong sobrang sipag magdrive. Ang sabi nga diba sa una lang masaya magdrive pero pag matagal na ay magsasawa ka na. But it's not the case with Tristan.
Gustong gusto niya ako palagi ihatid kung saan ako pupunta. It's not like pupunta lang ako from Manila to Makati. Hours kaya ang travel time but here he is willing to drive me. Kahit ata sa dulo ng mundo ay ipagdadrive niya ako. No doubt there.
Pag ibang lalaki ay malamang sasabihin lang sa akin ingat ako at magtext pag nakarating na.
"Anong dream job mo? Driver?" Sarcastic kong tanong sa kanya.
He just chuckled at that. "If I can I want to be your driver forever."
Mas lalo lang akong nainis sa sagot niya. Tumahimik nalang ako at hindi na umimik pa. Saan niya nakukuha ang mga pinagsasabi niya sa akin? How can he stomach that kind of lines? Kinikilabutan ako sa Tristan ngayon.
I prefer the masungit Tristan more.
"Tigilan mo 'yan." Sabi ko at tinaas ang kamay ko. "Kita mo? Kinilabutan ako sayo."
Inirapan ko lang siya. Naiinis ako! Hindi ko alam bakit ako naiinis sa kanya ng walang dahilan. Kasi despite being mad at him he's still being sweet and all.
"At least it's because of me." He even find that satisfying.
Nakatulog ako sa byahe dahil late na ako nakatulog kagabi at maaga ako nagising kanina. Pag gising ko ay nakababa na ang upuan ko at may kumot na rin ako.
Saan naman nanggaling 'tong kumot na 'to? Kanina naman wala 'to. Tinignan ko ang paligid at doon ko lang napansin na nakahinto kami sa gilid.
Nakalabas na ng highway at malapit na 'to sa bahay pero nakastop lang siya. Umayos ako ng upo at tinignan siya.
"Did you sleep well?" Nilapit niya ang mukha niya sa akin at nginisian ako.
Lumayo naman ako.
"May bus bang ganyan kakomportable?" Aniya.
You already proved your point, Tristan.
"Bakit hindi mo 'ko ginsing? Malapit na pala tayo sa bahay."
"I know. Didn't want to wake you up kasi ang sarap ng tulog mo. I didn't know you snore?" Tumagilid ang ulo niya.
I did?
"Kapal mo. Hindi ako humihilik noh."
Nakatingin lang siya sa akin at nakangiti.
"Ano? Hindi pa ba tayo aalis?"
Tapos tinuro niya ang gilid ng bibig niya.
"Ano--"
Narealize ko agad kung ano ang ibig niyang sabihin. Umiwas ako agad ng tingin at pinunasan ang gilid ng labi ko. Shit tumulo ba laway ko? Oh my God nakakahiya!
Humalakhak siya habang pinapanood ako. Right then I knew I was tricked.
Pinalo ko siya sa inis ko. "That's not funny."
Tawang tawa pa rin siya kaya pinalo ko siya ulit.
"Alright," Umiiwas siya. "Stop. Magdadrive na ako."
"I hate you, Tristan."
Sinuklay ko ang buhok ko gamit ang daliri at tinignan ang sarili ko sa salamin. Napahinto ako sa pagaayos ng buhok nang marinig ang sinabi niya.
"By the way, you look beautiful when you sleep." Sandali niya akong nilingon at nginitian.
See how can I hate him when he tease and laugh at me but compliment me after.
Nang nakarating na kami sa bahay ay tinignan ko ang oras at mas mabilis pa rin kami nakarating kahit na huminto siya kanina kaysa pag nag bus ako.
Aaminin ko mas kumportable nga pero first and last na talaga 'to. Hindi na mauulit.
"So, thank you."
"Sumakit ang likod ko and I only got a thank you?"
"Bakit sinabi ko bang ihatid mo ako? Ikaw ang naginsist."
"Okay. Magagalit ka nanaman, e." Tinaas niya ang kamay niya. "I'll just text you pag nakauwi na ako."
"Ingat ka."
Bumaba na ako at isasara ko pa lang ang pinto ng kotse ay narinig ko na ang pamilyar na boses ni Mama.
"Jade?"
Paglingon ko ay nakita ko si Mama na bitbit ang mga plastic na may mga gulay. Sa dinami dami ng araw na pwedeng mamalengke si Mama bakit ngayon pa?
"Ma." Pilit akong ngumiti. "Tulungan na kita dyan."
"Hindi na, kaya ko na. Pumasok ka na sa loob." Aniya.
Sinilip ko si Tristan para magpaalam ulit when,
"Papasukin mo rin ang kaibigan mo, Jhedea."
Patay kang bata ka!
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.