Nagulat nalang ako na nasa unit namin si Tristan pag uwi ko galing school. Magkausal sila ni Tiffany at nagtatawanan sila.
Ngayon lang ulit kami magkikita simula nang bumalik ako. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Bakit siya nandito?
"O ayan na pala hinihintay mo." Sabi ni Tiffany kay Tristan.
Napatingin ako kay Tiffs dahil baka kung ano nanaman ang sinabi niya habang wala ako.
Tinignan ko siya ng buong pagtataka. Hindi naman 'to pumupunta dito ha. At ako pa ang hinihintay niya?
"Anong ginagawa mo dito?" I asked nonchalantly.
"Dinalhan ka niya ng mangga! Ang daya diba. Ikaw lang." Tinulak ako ni Tiffany.
"Nagharvest kasi kami sa province. You eat mangoes right?"
"What, I love mangoes!" Biglang kuminang ang mga mata ko. Sa tabi ay nakikita ko ang isang malaking plastic ng mangga. Who doesn't love mangoes?
"Good because you're a picky eater."
"Uy hindi ah." Pagdedeny ko.
"So dapat pala picky rin ako para meron rin ako, ganon? Tantan?" Hirit ni Tiffany.
"Stop it, Tiffs. Hindi naman mauubos ni Jade 'yan. Sainyong dalawa 'yan."
"Sus kanina sabi mo sa kanya lang. You even said that I'm not allowed to eat it." Tapos humarap siya sa akin. "Sabi niya pag ayaw mo na itapon mo na kaysa ibigay sa akin." Tumango tango siya to convince me.
Tiffany is a poor actor. At alam kong hindi 'yun sasabihin ni Tristan. He may be a jerk pero pinakaayaw niya ang nagsasayang ng pagkain.Tumawa siya ulit nang nakita ang mukha ni Tristan. "Joke lang kasj. You know, ako ang binibigyan mo dati tapos ngayon si Jade na. Nagtatampo na ako sayo Tantan."
"On the second thought, I wouldn't mind really. Basta si Jade ha? Hindi ibang babae." She added and it's my turn to give her the look.
Kahit na sanay na kaming dalawa sa kakabanat niya ng ganyan. Naaawkward pa rin ako lalo na at nandyan lang sa tabi si Tristan.
Pabiro siyang inakbayan ni Tristan at inipit sa may dibdib. "Gulay gusto mo rin ba? Walang problema. Sa next harvest sasabihin ko kay Dad."
"So hindi na namin kailangan mag grocery? Cover mo na gulay needs namin?" Ngisi ngisi si Tiffany.
Lalo naman siya inipit ni Tristan at natatawa nalang ako sa dalawa.
Hinayaan ko na sila doon maglokohan. Pumunta nalang ako sa kama para magligpit ng gamit.
"Type mo 'yun? Kadiri ka." Maya maya ay narinig ko nalang ang sigaw ni Tiffany.
Napatingin agad ako sa kanila.
Tumingin rin si Tristan sa akin. Si Tiffany ay tumatawa lang.
"Kaya ka pala nandito. May pamangga mangga ka pa pero date pala dahilan."
"Ang gwapo gwapo mo pero may mali talaga sa taste mo, Tan!" Patuloy pa ni Tiff.
"Tigilan mo nga ako dyan."
"Bakit? Kinakahiya mo bang type mo siya?" Lalong lumalakas ang boses ni Tiffs.
"The fuck? Nagkita lang kami. Okay, she's fine but not my type."
Bakit ba kasi ang liit lang ng unit namin. Bakit kailangan ko pang marinig ang mga ganitong usapan. Wala naman akong pakialam.
"Nagkita? You mean like date? Pag may makarinig baka magselos."
Pasimple akong sumilip at nahuli ako ni Tiffany na tumingin. Agad akong nagiwas ng tingin at nagtago sa mga cabinet na nakaharang.
"Tumigil ka na nga Tiffany. Dapat hindi ko na sinabi sayo."
"Nako crush na crush ka pa naman nun. Baka landiin ka lang nun bumigay ka na agad. Tapos mabalitaan ko nalang kayo na ah." Humalakhak siya. "Yuck."
Then I heard Tristan groan out of frustration.
"Why not? Unless may iba kang gusto."
Lalapit sana ako para makipagasaran sa kanila pero baka isipin niya nakikichismis ako kaya nanahimik nalang ako at nagphone.
"Nagtext si Michael. May sinabi siya tungkol sayo." Sabi ni Tristan na nagpahighblood kay Tiffany.
"Ano nanaman 'yan? Epal talaga non!"
"Bakit galit ka agad? Hindi ko pa nga sinasabi."
"Sympre it's about me. Ano nga 'yun?"
"Wala. I'm just teasing you. Nagyayaya lang tumambay mamaya." Aniya tapos tinawag niya ako.
"C! I know you're listening. Ano sama ka?"
Lumabas ako sa pinagtataguan ko at sinamaan siya ng tingin. "Saan ba?"
"Sabi ko na hindi mo matitiis hindi makinig." Ngumisi siya.
Tumayo ako at lumapit. Najudge nanaman ako.
"Ang laki kasi ng condo eh noh? Tsaka ang lakas ng boses mo. Kung ayaw mong marinig ko pwede pakihinaan mo?"
Tumawa siya. "Bakit ba ang init ng ulo niyong dalawa? You can pass as twins now."
"Nako Tantan ginalit mo nanaman si Jade. Pag umiyak 'yan lagot ka." Pinalo siya ni Tiffs.
"I have you to thank, Tiffs."
She grinned then got up. Dumiretso siya sa cabinet at naghanap ng isusuot.
Kami naman ni Tristan ay bumaba muna para maghintay sa kotse. Pinilit kasi ako ni Tiffany na samahan si Tristan maghintay dahil baka matagalan siya.
"Himala sumama ka?"
"Edi uuwi nalang ako." Sabi ko.
Nahawakan naman niya ang kamay ko bago pa ako makahakbang.
"I was just asking. Ang sungit mo noh?"
Binuksan na niya ang sasakyan niya at pumasok ako. Nagstay kami sa loob habang naghihintay.
Sa tagal ni Tiffany ay inip na inip na 'tong katabi ko. Kanina pa niya tinatawagan si Tiffany pero hindi nasasagot.
Speaking, hindi ko pa siya natatanong about sa Christmas when he lied to me. But nevermind. Ayaw ko na ibrought up pa 'yun baka lalo lang kami magkaissue.
"What's taking her so long?" Pagkasabi niya nun sinagot na ni Tiff ang phone.
"Pababa na ako! Stop calling."
Humarap ako kay Tristan.
"Tristan."
"Hmm?"
"May gusto ba si Michael kay Tiffany?"
Malakas ang tawa niya. "Saan mo naman nakuha 'yan? Can't you see the way they react towards each other?"
"Malay ko ba. Diba guys tend to tease the girl they like?"
"I like to tease you too. You think type kita?" His brow shot up.
"Hindi." I tsked. "Iba naman kasi 'yun. Ikaw,"
How should I say this na hindi siya maooffend. Matagal ko na siyang kilala at alam kong siraulo na talaga siya kaya nasanay nalang ako.
"Well ikaw salbahe ka na talaga so not counted."
He grinned like an idiot tapos tinignan ako. Nilapit pa niya ang mukha niya kaya lumayo ako ng konti. "Paano kung type nga kita?"
I bit my inner cheek dahil baka kung ano pang masabi ko.
Doon na naputol ang usapan namin dahil biglang bumukas ang pintuan sa likod at pumasok si Tiffany.
"Anong pinaguusapan niyo?"
"Wala." We said in unison.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.