Chapter 2 - Friend Request

15.6K 290 9
                                    

Just like that umalis rin sila agad. Siguro ihahatid niya pauwi si Erielle. Pero sympre hindi niya ako nakalimutang tignan. Papalampasin ko na sana kung hindi lang nakakainsukto 'yung tingin niya.

Nakakainis lang kasi after all these years affected pa rin ako kahit na sinabi kong hindi na ako papaapi sa kanya.

"Did you see that? Parang najudge buong pagkatao ko kay Tristan, Tiff." Bulong ko sa kanya.

Hindi ko kinaya mga tingin niya. Ayaw ko na sanang tumingin pero nararamdaman kong tinitignan niya ako kaya napapatingin rin ako.

Tinawanan lang niya ako. "Jinudge mo rin naman ang buong pagkatao niya just because of what he did in your elementary days."

"And high school days." I added. "I will never forget that kahit nene palang ako 'non."

Tumawa siya at umiling nalang. "Kailan ka pala uuwi sa inyo?"

"Baka next week. Aayusin ko pa kasi mga gamit ko. Ikaw uuwi ka?" Since sembreak naman at wala rin akong gagawin sa dorm.

"Maybe. Nagplaplano kasi kami ng outing so I'm not sure. Speaking, sama ka tara!" Aniya at bumaling sa kanila. "Hoy ano nang plano natin sa outing?"

Kumunot ang noo ko, "Nako wag na! Magkita nalang tayo sa enrollment."

"Ay killjoy! Sige na, Jade, sumama ka na! Please." Tuloy lang siya sa pangungulit. Kung bakit naman kasi tinanong ko pa kung uuwi siya.

"Oo nga. Tara sama ka rin sa outing!" Sabi ni Rhian.

"Hindi na. Minsan lang kasi ako umuwi sa amin. Next time nalang."

"Sus wag ka nang mahiya. Mga walang hiya naman 'tong mga 'to lalo na si Michael!" Sabi naman ni Oliver.

"See. Sumama ka na ha? Besides magbibirthday na rin naman ako kaya pagbigyan mo na ako." Ngumuso si Tiff.

Hirap na nga ako makatanggi kay Tiff pa lang dinagdagan pa ng dalawa. At ako 'yung tipong basta pinilit ay hindi na ako tatanggi. Hindi ako nakasalita and they took it as a yes.

"Game na ha. Itetext kita, pwede ka naman namin sunduin so wala ka nang problema."

Umiling ako ulit. "Nakakahiya. Okay lang naman na wag na akong sunduin."

"You are my best friend so susunduin ka namin, okay?"

Ang dami ko nang utang kay Tiff. Nagkakilala lang kami first year college dahil roommate ko siya. Halos magtatatlong taon pa lang kaming magkaibigan pero sobrang bait na niya sa akin. Well she's been nice since the first day naman. Siya na ang definition ng perfect for me. I swear, walang tatalo sa kanya. She's weird at first pero narealize ko na may pinagdadaanan lang siya at that time.

Sa buong isang linggo ay wala na kaming ginawa sa condo kung hindi manood ng movies together. Minsan pumupunta sila Rhian para makipagkulitan lang.

Madalas naman sinasama niya ako sa mga lakad niya dahil ayaw niya daw magisa. Uuwi na ako ngayon pero hindi na ako nagpaalam dahil natutulog pa siya.

Makikiovernight nalang daw siya kay Rhian or si Rhian ang patutulugin niya dito para may kasama siya.

Ayaw niya talagang naiiwan magisa kaya naghanap talaga siya ng may kahati sa condo kahit na afford naman niya ang isang unit.

Pagdating ko sa terminal ay nakasakay agad ako. May halos tatlong oras pa ako bago makauwi sa amin kaya natulog muna ako. Excited na ako dahil minsan lang ako magkaoras umuwi.

Nagising ako dahil maalog magdrive ang driver at napansin na malapit na kami sa terminal. Sumakay ako ng tricycle at malayo pa lang ay natatanaw ko na ang bahay namin at si Ate na nasa gate habang may kausap sa cellphone.

"Hoy Dominique! Aga aga may kausap ka nanaman." Sigaw ko dahil hindi niya man lang ako napansin sa sobrang busy sa kausap.

"Oh my God Jhedea!" Napasigaw rin siya. Just like that she completely forgotten about the person she's talking to earlier. "Maka Dominique ka dyan parang mas matanda ka ah?"

"Ate! I miss you! Si Mama nandyan?"

"Nasa office pa mamaya pa uuwi."

Tinignan ko siya at napangiti, "Kaya ka pala pacellphone cellphone dyan."

"Ay shit!" Mura niya at tsaka lang naalala ang kausap. "Hello? Sorry si Jade kasi eh. Wait, maya na tayo magusap, bye."

Pumasok kami sa loob at tinulungan niya akong ayusin ang mga gamit ko. "Uyy ang yabang umuwi kasi bakasyon na.. sigurado ka bang pasado ka?" She teased.

"Alam mo yan, Ate." Tumawa kaming dalawa.

"Eh kamusta naman ang love life? Ano nang ganap? Daming gwapo sa Manila diba?"

Biglang pumasok sa utak ko si Tristan. Oo na, gwapo siya pero hindi siya mabait kaya hindi pa rin pasado.

"Wala Ate. Busy ako magaral! Tsaka wala naman rin masyadong gwapo. Sakto lang."

Siya lang ang interested sa love life ko. Palagi niya 'yan tinatanong sa akin samantalang wala rin naman siyang boyfriend. Ewan ko lang dun sa kausap niya palagi. According to her it's just a friend. Well..we all know what that friends mean.

Paghiga ko sa kama ay binuksan ko ang Facebook. Nagsend sa akin ng friend request sila Michael. All of them did except Tristan. Buti naman at hindi niya naisipang magsend ng request dahil baka iblock ko lang siya. Isa pa, ayaw ko talagang maging friend ang masungit na 'yun kahit sa Facebook lang at baka ijudge lang niya ang profile photo ko.

Nagchat agad sa akin si Tiff kinagabihan.

Tiff:
Hoy magpaalam ka na sa outing natin! Sinabi ko nang sasama ka.

Sineen ko lang siya dahil alam kong marami pa siyang sasabihin.

Tiff:
Magreply ka! Basta counted ka na. Pag umatras magbabayad pa rin ng share.

'Yan tayo eh! Kung mayaman siguro ako wala nang maiblablackmail sa akin si Tiff.

Me:
Oo na. Lang hiya naman oh! Just know that I'll only go kasi binlackmail mo ako. Again!!

Tiff:
Chance mo na 'to para makausap si Tantan. Malay mo siya na pala 'yung soulmate mo.

Me:
Tigilan mo nga ako Tiffany! Bye na nga. Busy ako.

Gumawa rin sila ng group sa Facebook tungkol sa outing at talaga naman sinali nila ako. Tinignan ko isa isa ang mga invited at nakita ko doon ang Facebook ni Tristan.

Tristan Velasquez.

I'm really tempted to view his profile. Curious Jhedea mode lang ako, nothing else. So napunta na nga ako sa profile niya.
Napanganga naman ako dahil wala naman akong makita bukod sa dp niyang nakapamulsa habang seryosong nakatingin sa camera. Masikreto rin pala ang isang 'to! At sabay nakita ko ang friend request sa ibabaw.

Before I could even tapped send friend request inexit ko na. What the hell was I thinking?

There is no way that I want to be friends with him.

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon