Imbes na maging busy ako sa pagaaral, puro ang tungkol kay Tristan ang inaatupag ko. Kung ano kaya ang pwede kong gawin sa kanya. Kahit ano basta lang makabawi ako. Kahit isang beses lang ay masaya na ako.
"Alam mo kung ako ikaw.. pinalagpas ko nalang ang nangyari. Girl, anong panahon na ngayon? Hello ang tagal na nun!"
"Oo nga naman, Jade." Pagsang ayon ni Ryza kay Carol.
"Wag niyo nga akong pigilan. Kung tinutulungan niyo kasi ako."
"Paano naman ako makakaisip ng masamang bagay na pwedeng gawin sa kanya eh ang gwapo niya kaya! Bet ko sana kaso.." Hindi niya tinapos ang sinabi.
Tumaas ang kilay ko. "Ano?"
Tumingin rin si Ryza sa kanya.
"Alam mo na, hindi ko naman ugaling mang agaw. Pwede na ako sa isa pang friend." Kinagat niya ang labi niya.
"Ha ha funny 'yan, Carol." Sarcastic kong sabi.
Why do everyone think that I like him? He's not my type. He just look like one pero Tristan is definitely not my type. Fine, moreno check, looks double check but once na naaalala ko nanaman ang dati naiinis ako kaya we can never be a thing.
"Eh bakit ba kasi gustong gusto mong makaganti? Maliit na bagay lang naman 'yun at mga bata pa kayo nun. Unless nagpapapansin ka."
Nagmake face ako sa kanya dahil hindi ko alam kung saan niya nakukuha mga pinagsasabi niya.
Kahit na bata pa ako nun ay talagang gustong gusto ko na makabawi sa kanya pero dahil payat pa ako noon at chubby siya I didn't get a chance dahil takot rin akong mabully. Kaya ngayon na alam kong may chance na ako I just had to do it. Parang naging life goal ko na kasi 'yun.
Mababaw lang iyon pero para sa akin hindi. Ikaw ba naman na makilala sa school dahil nagvandalize ka na hindi mo naman ginawa. At naglalakad sa hallway na may gum sa palda.
Hindi 'yun mababaw dahil sinira niya ang childhood ko. I almost didn't want to go to school because of him.
"Just hit him hard on the face for being a jerk. Edi tapos." Sabi ni Ryza.
"If only it's that easy. Alam mo naman 'tong kaibigan natin ang daming alam."
Tinignan ko ang oras at malapit nang mag alas tres kaya kinuha ko na ang bag ko.
"Pero nakatulong talaga kayo. Thank you." Sabi ko sa isang sarkastikong boses.
Sarili ko lang talaga ang maaasahan ko pag dating dito.
"Magkikita pa kami ni Tiffany. Una na ako ah?"
"Tiffany ba talaga o Tristan?"
"Wait lang ha, napansin ko lang, kanina mo pa ako kinokontra, Carol. May problema ka ba sa akin?" Pabiro kong tanong kay Carol.
"Kasi bet nga niya si Tristan." Hinarang pa ni Ryza ang kamay sa bibig para kunyaring bumubulong pero nakatingin naman kay Carol.
"Bet ko talaga, Jade." Sabi niya sa isang panghihinayang na boses.
"Ewan ko talaga sayo, Carol." Tumawa ako.
Papunta na ako kay Tiffany dahil sabay kami pumunta kay Rhian para tumambay.
Sumama na rin ako dahil wala rin naman akong gagawin. Hindi na rin ako nahihiya dahil nandyan naman si Tiffs at maraming beses na kami nagkasama. It's like naging part na rin ako ng barkada nila. So okay na ako wala nang hiya hiya.
"Himala sasama ka eh hindi naman kasama si Tantan. Wala kang mapapala." Niloloko ako ni Tiffs.
"Grabe ka naman. Hindi naman ako user friend. Tsaka alam mo na.. on-off lang naman ang inis ko sa kanya."
Parang depende lang kasi minsan sa mood ko. Pag good mood ako medyo hindi ko naiisip ang mga bagay bagay. Pag bad day naman, doon ko naaalala lahat ng ginawang hindi maganda sa akin ng mga tao.
"Ay? Weird mo rin eh noh? Ewan ko talaga sayo! Pero kung gusto mo pwede naman natin sila yayain mamaya. Ano, naka on ba ang switch?"
Natawa ako dahil sa mga pinagsasabi niya. "Gaga ka talaga!"
xx
"Hindi ka talaga magyayaya kung hindi kami niyaya ni Tiffs? Ganyan ka pala Rhian."
"Matagal na akong ganito. Kung alam ko lang edi sana nagditch na ako." Pabiro niyang sagot kay Joseph.
"Sabi ko nga isama natin sila kaso ayaw mo." Sabi ko.
"Rhian talaga.. Grabe."
"Ano ihatid na natin 'to pauwi." Nagkunyaring tatayo si Tristan. Pinalo naman siya ni Rhian sa braso.
"Kainis ka! Libre mo nalang kaya ako kapalit ng paghatid mo. Matutuwa pa ako."
Napatingin ako kay Tristan nang makita ko siyang kinukuha ang wallet. Seryoso?
Nang bigla niyang inabot kay Rhian ang piso. "O ayan sayo na. No need to thank me."
"Wow! Ang dami kong mabibili dito. Mabubusog talaga ako. Salamat ah?" Hindi niya mapigilan hindi maging sarcastic habang hawak hawak niya ang piso.
Tinatawanan naman namin siya lahat dahil sa tono ng boses niya. Siya ang trip ng lahat dahil lang sa hindi niya niyaya ang boys.
"May pa boys night out nga kayo palagi. Reklamo pa kayo?" Sabi ni Tiffany dahil panay ang parinig pa rin ni Michael na halata namang nangaasar lang.
"Wala naman nagrereklamo. Tuwang tuwa nga kami, e."
"Oo nga. Tignan mo naman itsura nila halatang masaya sila." Sabi ko.
"Sarcastic niyo talaga eh noh?" Nagmake face si Tiffany sa kanila. "Hindi niyo naman kasi trip mga ganitong tambay. Mga inom kaya ang trip niyo."
"Inaano ba ang milk tea? Diba iniinom?"
Knowing Michael sympre pilosopo niyang sinagot si Tiffany which is I think may point naman but we all know what Tiffs mean.
Tumayo si Tiffany at tinulak si Michael. "Umalis ka nga. Oorder na ako."
"Tiffany baby libre mo naman ko." Sumunod naman si Michael sa kanya.
"Dami pala nagaaral dito pag weekdays?" Naririnig ko ang usapan nila Joseph.
"Schoolmate ko nga ata 'yun eh. Parang nakikita ko sa school.."
"Sino? 'Yung naka white? Ganda ah. Kilala mo?" Sumingit si Michael.
Tinignan ko 'yung tinitignan nila at nakita ko 'yung babaeng may hawak na papel at may laptop sa mesa. May kasama siyang lalaki na nagaaral rin.
Masyadong halata ang pagtingin tingin nila doon sa babae kaya sumingit na ako. "May boyfriend naman ata."
Napatingin silang lahat sa akin. Pati sila Tiffany. "Sino?"
"Bakla iyon pustahan."
Alam na agad ni Tiffany kung sino ang pinaguusapan dahil isang babae lang naman ang may kasamang lalaki sa mesa na medyo maganda.
"Tanga lalaki iyon. Makabakla 'to. Porket maganda lang 'yung babae, bakla na agad 'yung kasama."
"Hindi naman masyado maganda guys. Maganda pa ko." Sumingit si Rhian.
"Saan banda, Rhian?
"Diba maganda?" Tinanong ako nila Joseph.
Tumango ako, "Oo maganda."
"You're prettier." Nanlaki ang mata ko sa narinig.
It was a whisper but I don't think I heard it wrong though. Did he.. did Tristan say I'm prettier?
Pero nang nilingon ko siya ay na kanila Michael na ang atensyon niya. Mukhang wala rin naman nakarinig dahil hindi pa tapos mangasar sila Rhian at Tiffany.
Guni guni ko lang ba iyon or he really said it?
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomanceI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.