"Kailan ang balik mo ng Manila?" Tanong ni Mama habang kumakain.
"May outing pala kami nila Tiffany kaya baka doon na ako uuwi."
"Ah ganon ba? Sige magingat kayo doon ha. Tawagan mo nalang kami pag may kailangan ka."
"Nako, Mama hindi na kailangan. May boyfriend na kaya 'yan si Jhedea." Biglang singit ni Ate sa usapan. Nasamid naman ako dahil dun.
Napatingin rin sa akin si Mama naghihintay ng sagot. "Mama wag kang maniwala dyan. Wala akong boyfriend."
Sinamaan ko naman ng tingin si Ate because I'm sensing a long conversation here.
"Hello? You need to get yourself a boyfriend. Ilan taon ka na kaya!" Maarteng sabi niya.
"Hello din sayo, mas matanda ka kaya sa akin!" I retorted. "At hindi pa nga ako grumagraduate."
Doon lang siya natahimik at nagmake face nalang sa akin. Binelatan ko naman siya.
"Kayong dalawa talaga pag nagsama palaging nagsasagutan. Mag-aral ka muna pero kailangan mo rin maghanap na.. Mahirap na pag naging matandang dalaga kayo."
Nagtinginan naman kami at napangiti. Mama is at it again and I'm right. Mahaba habang usapan nanaman 'to pag hinayaan namin siya sa speech niya.
"Don't worry, hindi ako tatandang dalaga." Sagot ni Ate kay Mama. "Ewan ko lang dyan kay Jade. Baka may balak."
Ayaw ko nang sumagot kaya sinimangutan ko nalang siya. Nagkaroon na kasi ng boyfriend si Ate at ngayon naman palagi siyang may katext na malamang ay boyfriend na niya, ayaw lang umamin. Samantalang ako never pa nagkaroon. Ewan ko ba, may nanligaw sa akin pero walang nangyari. I don't know what happened pero okay na rin 'yun. At least wala akong ibang pinoproblema aside from studies.
Dalawa kami ni Ate ang nagligpit ng pinagkainan at umakyat na ako sa kwarto. Maya maya ay pumasok rin si Ate sa kwarto dala dala ang laptop.
"Jade, busy ka? May papakita ako sayo!"
"Nope. Ano ba 'yun?" Umusog ako sa kama at umupo siya sa dulo.
"Kasi.. may boyfriend na ako." Lumiit pa ang boses niya na parang kinikilig. I faced her looking disgusted.
"Please wag ka ngang kiligin dyan! Halata naman na meron."
Pinakita naman niya sa akin ang Facebook. "Ano na? Cute niya diba?"
"Pwede na. Cute naman." Bored kong sabi. Alam ko na naman kasi kaya medyo hindi na ako nagulat. Though cute nga ang boyfriend niya. Maputi at may dimples.
"Halata ba masyado? Ayaw ko kasi muna sabihin. Alam mo naman si Mama."
'Yung sinabi kasi niya kay Mama last time, gusto agad makilala ni Mama. She kept asking her to bring him home para makita niya. Kaya naiintindihan ko rin naman siya kung isikreto niya.
"Ikaw ah baka meron ka rin pero ayaw mong sabihin sa amin. Dami pa naman gwapo sa school mo!" She nudged me.
Madami ngang gwapo pero kung hindi naman bading ay taken at 'yung mga single naman ay hindi ako napapansin so..
"Wala nga talaga! Pag meron papakilala ko sayo." Sakto naman na nakita kong nagchat ang boyfriend niya at gusto ko nalang pumikit para hindi ko makita ang conversation nila. "Ayan nagchat na o. Miss ka na daw! Sige na dun ka na, ayaw kong mabasa 'yan."
"Sus.. ang kapatid ko naiinggit.." She teased more. "Balik na nga ako. Basta secret lang ah."
Dalawang taon ang tanda sa akin ni Ate pero kung makaasta parang mas bata siya sa akin. Hindi na rin ako magtataka na magkakaboyfriend siya agad dahil aminado naman ako na mas maganda siya sa akin. Mas maputi nga lang ako sa kanya at mas payat ng konti.
xx
Naplano na ang outing namin kaya nagpasama ako kay Ate sa mall para bumili ng mga dadalhin ko sa outing. Medyo excited ako dahil sa La Union ang punta namin and it only means one thing, surfing! Matagal na nung huli kong punta doon kaya excited na ako dahil mahilig akong magsurf. Hindi masyado halata because of my skin but I really love beaches more than anything. Kaya ngayon ay naghahanap ako ng rash guard at iilang pang swimming.
"Maganda na kaya 'to! Mag fafashion show ka ba dun?" Pinakita sa akin ni Ate ang isang kulay blue na rashguard at kung bakit hindi ko nagustuhan.
"Wala noh. Basta hindi ko 'yan type. Wala bang iba?"
Binalik niya iyon at pinaharap ako sa kanya. "Meron noh?" Pinandilatan niya ako ng mata. "Oh my God umiwas ka ng tingin so meron nga! Sige wag na iyon. Pumili tayo ng maganda! 'Yung sexy."
"Wala nga kasi. Wag ka nang mapilit, ayaw ko lang talaga 'yung design ng pinili mo." Iniiwasan ko pa rin ang tingin niya at nagkunyaring pumipili.
Wala naman talaga akong intensyon magpaimpress dahil wala naman akong crush sa kanila.
"Kung sinabi mo lang sana ng mas maaga! I get you, sis. I know." She nodded as if she really know.
Ano ba naman 'tong kapatid ko! Oh Lord bakit po ako nagkaroon ng ganitong kapatid? She's weird! Siya lang siguro ang kapatid na gustong gusto magkaboyfriend na ang little sister niya. She is really not that protective of me.
In the end simpleng black lang na rashguard ang binili ko at isang sea green na one piece na crisscross sa gilid.
Hinanda ko na rin ang mga susuotin ko ng tatlong araw. Bukas ng umaga ay susunduin na nila ako dito. Sabi ko sa terminal nalang pero as usual pinilit nanaman ako ni Tiff na dito nalang. So I gave her my address.
"Bukas ang alis mo diba? Magtext ka nalang Jhedea ha."
"Yes, Ma."
Marami pang bilin si Mama bago ako tuluyang nakapasok ng kwarto. Nanood pa ako ng GoT kaya muntik na akong hindi nagising kinaumagahan.
Alas sais ang usapan namin pero wala pang alas sais ay nandito na sila. Nagmadali nalang ako sa pag-ayos at nagdasal na sana ay wala na akong nakalimutan dalhin.
Paglabas ko ng gate ay nagulat ako nang dalawang magagandang kotse ang nasa tapat ng bahay. Akala ko ay isang kotse lang kaming lahat at medyo napapatingin ang mga Tita sa kapitbahay. Bumaba pa si Oliver ng kotse habang naghihintay.
"Sorry late ako." Hinawi ko nalang ang medyo basa ko pang buhok.
"Relax, okay lang." Tumawa si Rhian.
Ang hindi lang bumaba ay ang nasa loob ng kotse which is Tristan na nasa driver's seat. Inirapan ko siya kahit na hindi niya ako nakikita.
BINABASA MO ANG
The Bad Boy's Girl (Completed)
RomansaI had gum stuck on my skirt, been accused of something I didn't do and got punished for it and I even got hit by a ball on the back of my head. All because of Tristan, the bad boy.