Chapter 33 - Stop pushing me away

6.3K 146 0
                                    

For some reason hindi na natuloy ang lakad ni Joseph. Si Oliver naman ay umalis rin kaya naiwan kaming dalawa.

Gusto kong sabihin na uuwi na ako pero walang salita na lumabas sa bibig ko. And for some reason we end up watching a movie in his living room.

Compare to us his condo is quite big. Sa amin ni Tiffany ay parang studio lang pang student lang talaga pero ang kanya ay parang buong bahay. Kumpleto rin ang gamit niya doon pero magisa lang siyang nakatira.

Awkward na naiwan kaming dalawa but not the awkwardness that I expected. It's awkward but the comfortable kind of awkward.

"Bakit ayaw mo magrent ng unit na may kasama?"

"I don't need one."

"Hindi ka ba nalulungkot?"

"Madalas ako sa bahay. Minsan lang ako dito pag pupunta si Oliver or pag may lakad ako."

"Ang loner mo kahit kailan noh?" I commented.

"Edi samahan mo ako dito." Aniya. "I can drive you to your school everyday."

Binelatan ko siya. "Excuse me may sarili akong unit."

"Lipat nalang ako sainyo para hindi ako nasasabihan ng loner."

"Bawal. Masikip na kami."

"I'm sure pag sinabi ko kay Tiffany papayag siya agad. What do you think?"

Tinignan ko siya and he looked like he is really considering this option.

"Hoy!" Pinalo ko siya. "Wag ka nga. Okay ka na dito. Wag kang epal. Tsaka kulang mga gamit doon. We don't even have a TV there."

"What's to lose? You are there." Ngumisi siya. "Watching you is more entertaining than TV."

He leaned over so our faces are just inches apart. Nilayo ko agad ang mukha ko. Nilalandi nanaman ba niya ako?

Tumagilid ang ulo niya at lalong lumapit. Narealize ko na lalo pa niyang sinasadya dahil alam niyang naiilang ako at lumalayo kaya ang ginawa ko ay umalis mula sa pagkakasandal at lumapit sa kanya ng konti. Ngumisi rin ako nang nakitang medyo nagulat siya pero hindi niya pinahalata.

"Really?" Ginaya ko ang expression niya. "Like this?"

Much to my dismay he was quick to recover from the sudden surprise and composed himself again. How does he do that? Ako nga itong nangaasar ay halos hindi na makahinga.

"Yeah." He almost whispered because our faces are just literally inches apart from each other.

Nagtitigan kaming dalawa and I'm quite enjoying this because I like staring at him. At least now I'm not doing it secretly.

Then I noticed that his gaze shifted to my lips. I unconsciously pursed my lips then I saw the look in his eyes.

Ako na ang unang nag alis ng tingin at lumayo. "Fine. Panalo ka na. You proved your point."

Napayuko siya at tumawa tapos bumalik sa dati niyang pwesto. "It's getting late, hatid na kita."

Habang nasa kotse kami ay hindi maalis sa utak ko ang itsura niya kanina. They way he looked at me was way different. I know because his eyes are always expressive.

Sabi ko na delikado talaga pag kami lang dalawa sa unit niya!

"Tristan." Nilingon ko siya. "About earlier.."

He raised his brows, "Right. Sorry for teasing you."

"No, no. Gusto ko lang malaman 'yung totoo. Kaibigan lang ba talaga ako para sayo?"

Pinark niya ang sasakyan sa may kanto ng bahay at kinalas ang seatbelt. He leaned forward then said, "Bakit? May iba ka pa bang gusto?"

Napaubo ako at lumayo sa kanya. "Huh? H-hindi. Wala. Anong ibang gusto?"

Bubuksan ko na ang pinto para tumakas nang pinigilan niya ako. "Jade."

Napalingon ako, "Ha?"

"Akala ko ayaw mong magkasomething tayo?"

"Oo nga."

That was what I said but my voice was unsure.

"But your words and actions says otherwise." Aniya. "Paano kung sabihin kong gusto ko?"

"Gusto na ano?"

"Gusto kita, Jade. I know you feel the same too. Why are you pushing me away?"

"I- I'm not. H- hindi.." Hindi ko na matuloy dahil alam ko naman sa sarili ko kung ano ang totoo.

"Stop pushing me away, Jade."

Nilalapit na niya ang mukha niya sa akin at alam ko na kung ano ang sunod na mangyayari pero hindi pa rin ako umiwas.

Deep inside I also want this to happen so I let him. I just closed my eyes until I felt his lips on mine. It was just seconds long hanggang sa dahan dahan siyang lumayo.

He's circling his thumb around my cheek and I didn't know how he's looking at me all this time until I opened my eyes. Wala siyang sinabi but I know what he's thinking just by looking at him. I didn't realize until now that his eyes is beautiful and full of emotions.

Then he smiled. That smile that I've been wanting to see since forever.

"So uh.. kailangan ko na pumasok."

He chuckled. "Right. Of course."

"Thanks. And good night." Pababa na ako nang hatakin niya ulit ako at hinalikan sa pisngi.

"Good night, Jade."

Nagmadali akong lumabas ng kotse pero nakuha ko pang kumaway bago pumasok. I exhaled deeply the moment I was inside the elevator. Napahawak ako sa labi ko at sa puso ko na sobrang lakas ng kabog. Nararamdaman ko rin ang pagpula ng buong mukha ko.

Ngayon lang tumibok ng ganito kabilis ang puso ko! It was my first kiss right there and it's gone.

Hindi ko napansin na kanina pa pala malakas ang heartbeat ko. But I had to admit that feels great.

Who would have known that my first kiss will be taken by someone I hate the most and now the guy I learned to love.

Pagpasok ko ng room ay tulog na si Tiffany pero kailangan kong ilabas lahat ng feels ko kaya ginising ko siya.

"Tristan kissed me." Sabi ko nang gumalaw siya. Nakapikit pa rin siya pero gising siya.

"Hmm.. Ano sabi?"

Ano nga bang sinabi niya?

"Goodnight? I mean nothing! Wala."

"Congrats, girl. So how does that feel, kissing the guy you hate the most." She murmured.

"I don't know." Ano ba dapat ang maramdaman? Masaya lang. Hindi ko kasi maexplain pero hanggang ngayon ay malakas pa rin ang kabog ng dibdib ko at hindi pa rin humupa ang pamumula ng mukha ko.

Bumalik siya sa tulog niya habang ako ay hindi makatulog kakaisip.

Teka, bakit ko pala siya hinayaan halikan ako samantalang hindi naman kami? What just happened? Ang sabi ni Mama at ni Ate ay dapat hindi basta basta nagpapahalik sa lalaki lalo na kung hindi naman kayo pero ito ako ngayon nagpahalik lang kay Tristan.

Eh ano na pala kami ngayon?

The Bad Boy's Girl (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon