Prologue

3.5K 60 4
                                    


Prologue


"Shan, mahal ko, will you marry me? Will you stay forever with me?"

Tears were starting to build up in my eyes as I looked at Denver kneeling in front of me right now. I feel so happy right now. I don't know where to contain my happiness anymore. I've been dreaming for this for so long, for a fairytale with the person I love, with Denver.

I wouldn't mind spending this lifetime with him.

"Yes..." I answered and nodded my head while smiling at him. "I will marry you, Mahal ko." 

I let the tears of overflowing joy fall from my eyes.

This is it. My dream is already happening. My dream of marrying him and spend the rest of my life with this prince in front of me is now at my reach. It's here. Fairytales do exist. And I'm really excited to have my 'happily ever after' with him.

Ngumiti siya sa akin habang dahan-dahan niyang isinusuot ang singsing sa aking daliri. Naitakip ko ang isang kamay ko sa aking bibig habang hinahayaan ang kaligayahang nadarama ko na mangibabaw sa akin ngayon. Malumanay naman niya akong tinitignan hanggang sa maisuot niya ang singsing sa akin.

Nakita ko sa tabi ko ang mga kaibigan naming naging saksi sa relasyon naming dalawa, my two best friends, Emily and Kate, and even our families are here to witness this moment.

The feeling is so magical right now, it seems like a dream but no... this is the reality, my reality, our reality. Ilang taon na kaming magkasama pero ngayon sigurado na kami talaga habangbuhay.

"Yes!" he shouted and he stood up. He hugged me tighter. "I'm excited for our wedding, Shan." mahinang bulong niya sa akin at marahan akong tumango at hinigpitan pa ang yakap ko sa kanya. Sobrang saya ko talaga ngayon. Pakiramdam ko wala na akong mahihiling pa sa buhay ko sa mga sandaling ito.

I am contented with this life, I will never ask for more.

Ang makasama ang lalaking mahal ko habangbuhay at bumuo ng pamilya kasama niya... yun na lang ang tanging mahihiling ko.

"Ako rin, Denver. Mahal na mahal kita, Mahal ko." mahinang sambit ko sa kanya. Humiwalay ako sa kanya at tinignan siya ng diretso at bahagyang ngumiti. Inangat ko ang kamay ko at marahan hinaplos ang kanyang mukha.

We both smiled at each other.

"I love you..." mahinang sabi ko at hinalikan siya sandali. Nung humiwalay ako sa kanya at nakita ko na nakangisi na siya sa akin at muling inilapit ang mukha sa akin at pinagdikit ang mga noo naming dalawa. Ngumiti naman kami pareho sa isa't isa bago namin ipinikit ang aming mga mata.

"Mahal na mahal din kita, Shan. You're my life and I wouldn't mind spending my forever with you, my queen." aniya na naging dahilan para lumawak ang ngiti ko. Naramdaman ko naman ang kamay niya sa likod ko bago marahang hinapit palapit sa kanya at sinimulang halikan ng marahan.

Me too, I wouldn't mind spending my forever with him. With this guy I love the most.

Narinig ko naman ang palakpakan ng mga taong nasa paligid namin. Nung humiwalay kami sa isa't isa ay kaagad niya akong niyakap ng mahigpit at bigla akong tumili at tumawa ng i-angat niya ako sa ere kaya agad akong napakapit sa kanya.

"I love you..." aniya. Dinungaw ko naman siya at malawak na ngumiti. "I love you, Shan."

Bahagya kong ginulo ang buhok niya at tumawa. "I love you too, Denver."

Akala ko sa mga romantic stories o mga fairytales lang nangyayari ang ganito. I've always been dreaming since I was a child to have this kind of a happy love story. At hindi nga ako nabigo, I found the best man who'll fulfill my childhood dream. He treated me like a princess since we were friends until we became a couple. And now, I will be his queen, I will be his wife. I will spend my forever with him.

Thinking about that makes my heart overwhelmed with so much joy. I can't wait until that day.

Nang ibaba niya ako ay muli na naman niya akong niyakap ng mahigpit. Tumawa naman ako at niyakap siya pabalik. Nilayo ko ang ulo ko sa kanya at ipinatong ko ang dalawang kamay ko sa balikat niya.

"I love you... ulit." Muli akong tumawa at sandaling inilapat ang labi ko sa kanya.

"Mahal din kita," mahinang bulong niya. "Mahal na mahal kita. I will never get tired to say that to you... even when you already become my Mrs. Lorenzo. Are you excited for our wedding?"

Tumango naman ako. "Oo naman!" I exclaimed joyfully.

He nodded and smiled at me. "Me too..." 

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon