Chapter 20

1.6K 44 6
                                    

Chapter 20

Crime

-Shanela-

Hindi ko alam kung gaano ako katagal nakatulog. Nasa Statefield Integrated School na kami nang magising ako. Luminga ako sa paligid at nakitang hindi na ganoong mataas ang sikat ng araw. Umayos ako ng upo at tumingin kay Vince.

"Kanina pa ba tayo nandito?" tanong ko.

He smiled at bit. "Ten minutes ago... ayaw na sana kitang gisingin. Are you tired?"

"Hindi. Kaya ko pa naman..."

"Okay, just tell me when you feel tired or if you're not feeling well..." aniya.

Tumango naman ako. Napatingin ako sa labas.

"Let's go?" anyaya niya kaya bumalik ang tingin ko sa kanya.

Inalalayan niya ako ng bumaba kami sa van. Mixture of excitement and nervousness filled me, I suddenly remember all beautiful memories that I have in this special place. Tahimik lang kaming naglalakad papasok, iginala ko ang tingin ko sa buong paligid.

Napatingin ako sa mga kindergarten students na nadaanan namin. I smiled when I saw their happy faces. Naalala ko ang sarili ko sa kanila, how I spent my childhood with a lots of wonderful memories. Kung sana ay kasing dali pa rin ng noon ang ngayon...

"Why did you stop teaching here?" he asked, still looking at the surroundings.

Bahagya akong natigilan at inalala kung bakit ako humintong magturo dito two years ago. Denver asked me to quit. Noong una ay ayoko pa sana dahil nag-eenjoy naman ako sa ginagawa ko pero ang sabi niya ay doon na lang ako sa company nila magtrabaho para na rin sa paghahanda namin sa kasal sana namin. In the end, I agreed to Denver's plan. Hindi naman ako gaanong nagsisi dahil maganda rin ang dulot sa akin ng maging magkasama na kami ni Denver sa trabaho.

And maybe... I need to let go... of some memories... and someone.

"Uhm..." sandali akong natigilan. Huminga ako ng malalim at pilit ngumiti. "Denver asked me to quit..." pag-aamin ko.

Nilingon ko siya, his eyes narrowed at me curiously. "And you agreed to him?"

"Oo. Ayos lang naman sa akin 'yun." malumanay na sagot ko sa kanya. "Naging masaya din naman ako sa pagtatrabaho ko sa kanila..." bahagya akong ngumiti.

"So you're really a martyr huh?" bahagyang umangat ang gilid ng labi niya.

Inalis ko ang tingin ko sa kanya at nagpatuloy sa paglakad. Hindi ko na nasagot pa 'yung sinabi niya. Naalala ko ang dahilan kung bakit ako nandito sa puder niya. Kung bakit siya ang kasama ko ngayon. I sacrificed for the people I love, kahit ako na lang ang mahirapan at masaktan huwag lang sila.

We both remained silent. Sandali akong sumulyap sa kanya, diretso na ang tingin niya.

"Mahal ko kasi si Denver." I suddenly said. "I am willing to do anything for him..."

He stopped and faced me. Huminto rin ako sa paglakad. Coldness was very evident in his eyes, para akong nahilo ng makita ang magkahalong lamig at pagiging seryoso niya.

"I don't really understand why you love him that much..." he coldly said. He then touched my face gently. Parang may kung anong kumalabog sa puso ko ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa pisngi ko. "Your prince isn't perfect as what you think..."

I suddenly opened my eyes.

"Anong ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko.

Ngumisi lang siya at marahang umiling. "Tara na?"

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon