Chapter 07

1.3K 34 0
                                    

Chapter 7

No More

-Shanela-

Tulala lang ako habang iniisip kung ano na bang mangyayari sa akin pagkatapos nito. I really don't want to think about it but it's necessary. I need to think what will happen next kahit natatakot ako. Bakit ba kailangang mangyari sa akin ito?

Paano na kami ni Denver?

"Are you scared?" tanong sa akin ni Vince. Hindi ko na siya pinansin at nagpatuloy na lang sa pag-iisip kong wala rin namang patutunguhan.

In the end, I don't really want to think what will happen next. I'm just praying that this is just a nightmare. Sana magising na ako sa katotohanan, na masaya at maayos ang buhay naming lahat at hindi itong puro problema na dala ng iisang tao. I'm just hoping that this is really just a dream and then when I wake up, si Denver pa rin ang makakasama ko.

"So you're giving me a silent treatment right now huh?" he said amusingly. I just ignored him. I don't really care about him. I hope he'll disappear in front of me right now. Siya lang naman ang pampagulo ng lahat ng ito.

Napakasama niya.

"Kumain ka na ba?" tanong niya at prenteng umupo sa harapan ko.

Inirapan ko siya pagkatapos ay yumuko. Mariin kong pinikit ang mata ko at huminga ng malalim. Kinuyom ko ang dalawang kamay ko.

"I just want to die right now." mahina pero mariin kong sabi ko.

Narinig kong tumawa siya. Yung tawa na tila ba nanunuya.

"I'll give everything that can save you from your death. Yun ang hindi ko hahayaang mangyari, Shanela, ang mamatay ka. Pwede ka rin namang mamatay pero hayaan mo munang pagsawaan kita." aniya. Napatingin ako sa kanya at halos mahigit ko ang paghinga ko ng makita ang malalim at nakakatakot na tingin niya sa akin.

"Hindi ko ginawa ang lahat ng ito para lang mamatay ka ngayon."

"Ano bang atraso ko sa'yo? Kung si Denver at Mama ang may atraso sa'yo bakit kailangan mo akong idamay? Bakit mo kami kailangang pahirapan ng ganito? Magkano ba ang kailangan mo para lubayan mo kami?" punong-puno ng galit at pagkamuhing tanong sa kanya. He grinned.

"I don't want to repeat myself again, Shanela, kaya tandaan mo 'to. Ikaw lang ang kailangan ko at kung kailangan kong pahirapan ang mga tao sa paligid mo ang paraan para makuha kita, gagawin ko. Hindi ko kailangan ng pera niyo dahil marami ako niyan." pagkasabi niya nun ay ngumising muli siya sa akin at tumayo mula sa pagkakaupo niya at lumapit sa akin.

"Hayop ka." I murmured.

Nandoon pa rin ang ngiti niyang nanunuya. Umupo siya sa tabi ko. I stiffened. Hindi ko talaga kayang malapit siya sa akin. I want to run away from him. Yung sobrang layo na sigurado akong hindi niya ko makikita.

Bolta-boltaheng kilabot ang naramdaman ko ng hapitin niya ang bewang ko para hindi ako makalayo sa kanya. Nilapit niya pa ako sa kanya at mahigpit na hinawakan.

"Don't make me mad, babe." malamig na bulong niya sa tainga ko.

Halos tumindig naman ang balahibo sa mga sandaling iyon. Susubukan ko na sana siyang itulak ng higpitan niya pa lalo ang kapit sa akin. "Mas nagiging masahol pa ako ako sa hayop kapag ginagalit ako, that's why you should be good to me para hindi ka masaktan lalo. Alam ko naman na ayaw mong may masaktan. Lalo na sa mga mahalaga sa'yo." dugtong niya pa.

Nahigit ko yung paghinga ko ng mga sandaling iyon. My heart beats faster because of that threat. I know it's a threat. Hindi ko rin maikakailang natatakot ako, natatakot ako sa kanya.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon