Chapter 9
Punishment
-Shanela-
Sobrang bigat ng puso ko ng magising ako ngayong araw na 'to. Today is our wedding day... dapat. Pero hindi na iyon matutuloy, at sobrang nasasaktan talaga ako. I've been waiting for this day for all my life but I guess I'm actually waiting for something that will never happen. Do I still need to wait? Pero hanggang kailan?
Mangyayari pa ba yun?
Isiniksik ko ang sarili ko doon sa headboard ng kama at nilaro ang mga daliri sa kamay ko. Pagkatapos nung ginawa sa akin ng halimaw na iyon ay nakatulog ako. Hindi ko na alam ang nangyari, kung tumabi ba siya o ano.
"Hija?" I was back to my sense when I heard the old lady I saw last night.
Napatingin ako sa kanya pero hindi ako nagsalita.
"Tanghali na pero wala ka pa ring kinakain," nag-aalalang sabi niya. Nag-iwas lang ako ng tingin sa kanya at bumaling sa kawalan. "Baka mapano ka niyan." dagdag niya.
Doon ko lang narealize na wala pa nga talaga akong kinakain mula kahapon pa. But I don't really care, hindi ko na rin naman maramdaman ang sarili ko. Namanhid na ata talaga ako. Pakiramdam ko wala ng saysay ang gumawa ng kahit ano.
Pilit akong ngumiti sa kanya at umiling. I don't want to eat. I rather starve to death kesa kumain ng pagkain ng halimaw na iyon. Hindi ko kayang kumain habang iniisip ko na sinira na niya ang buhay ko. Sinaktan niya ako. Sinaktan niya ang mga mahal ko.
Para bang wala na akong mahanap na dahilan para magpatuloy.
"Sigurado ka?" nag-aalalang tanong niya.
Tumango lang ako at muli ko na namang niyakap ng mahigpit ang tuhod ko at ipinatong doon ang ulo ko. Pakiramdam ko ay ang bigat-bigat na ng mundong dala ko.
Akala ko umalis na siya pero pumasok siya sa kwarto at nakita kong naglakad papunta sa pwesto ko. Umupo siya sa may gilid ng kama at lumapit sa akin.
"Umalis si Vince, pumunta sa opisina niya. May tatapusin siguro iyong trabaho."
Hindi ko na pinagtuunan ng pansin ang sinabi niya. Wala akong pake sa lalaking 'yun. Kung pwede lang sana ay bumangga na lang siya diyan sa daan at ng matapos na lang ang buhay niya.
"Asawa ka na ba talaga ng alaga ko, hija?" tanong niya kaya tumingin ako sa kanya.
I don't know why but tears started to build up in my eyes again. I really want to cry.
Hindi ko matanggap.
"Ano ulit ang pangalan mo? Hindi pa rin ako makapaniwala sa sinabi ni Vince kagabi..."
"S-Shanela po." mahinang sabi ko.
Tumango naman siya at hinawakan niya ang kamay ko.
"Ako naman si Manang Ising," aniya at bahagyang ngumiti sa akin.
"Bakit ka ba nandito talaga? Paano ka niya naging asawa? Sa totoo lang nagulat ako ng dinala ka niya dito sa bahay niya lalo na dito sa kwarto niya. Wala kasi siyang nadalang babae dito..." malumanay na sabi niya.
I bit my lower lip as my tears started to fall. Hindi ko talaga maaatim ang kahit anong may kinalaman sa Vince na iyon. Pagkatapos niyang sirain ang kasal ko... ang mga buhay namin, siguradong kamumuhian ko siya buong buhay ko. And now, I can't even digest the fact that I'm married to him.
"Hindi ko rin po alam kung bakit ako nandito. Pinilit niya lang po akong magpakasal sa kanya. Tinakot niya ako na kapag hindi ako sumunod sa kanya, sasaktan niya ang mga mahal ko." I sobbed. "Ikakasal po dapat ako sa lalaking mahal ko ngayong araw pero hindi ko po alam kung bakit sinira niya lahat." halos humagulgol na ako.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...