Chapter 4
See You
-Shanela-
Isiniksik ko ang sarili ko sa headboard ng kama at niyakap ang tuhod ko. Tahimik akong umiiyak. Sariwa sa alaala ko ang nangyari kagabi. Nakita ko siya! Si Vince Saavedra! Ang lalaking 'yun... he threatened my life. Siya ang may kagagawan ng lahat ito!
Kinikilabutan ako sa tuwing naaalala ko ang ginawa niya sa akin. Natatakot ako sa mga sinabi niya sa akin. Natatakot ako sa mga ginagawa niya... I'm so scared that he might really ruin everything.
I need to do something for him to stop doing these things.
Huminga ako ng malalim at pinunasan ang mga luha ko. Bumangon ako at mabilis na dumiretso sa banyo. Hindi dapat ako magpadala sa takot ko. Kailangan kong maayos ito ng hindi humihingi ng tulong sa kahit kanino lalo na kay Mama at Denver. Ayoko na silang mag-alala pa sa akin.
Hindi ako pwedeng magpadala sa takot ko sa Vince Saavedra na iyon.
"Ma'am, nasa limang milyon daw po ang nawawala sa kumpanya niya." narinig kong usapan ni Mama at ng isa sa mga tauhan niya. Napatingin ako sa kanila, seryoso ang pinag-uusapan nila.
May problema na naman ba?
"Bakit daw nawala? Our transaction with their company failed, wala tayong nakuhang kahit magkano sa kanila. Wala rin silang binayad sa atin, we even paid them for the damages. Hindi dapat tayo masangkot doon..." sabi ni Mama.
Napatingin sa akin si Mama. Nagtataka ang tingin ko sa kanila pero bahagyang ngumiti sa akin si Mama.
"Ang aga pa anak ha? Saan ka pupunta, mamayang hapon pa ang usapan niyo ni Kaye di ba?" tanong niya sa akin.
"Uhm, may aayusin lang po ako. Pero babalik din po ako kaagad..." pilit akong ngumiti at tumingin doon sa kasama ni Mama. "May problema po ba?" tanong ko.
Bahagya siyang umiling at tumingin sa kasama niya. "Wala anak, may pinag-uusapan lang kami dito tungkol sa isa sa mga customer natin." aniya.
Kahit hindi ako kampante ay tumango na lamang ako at bahagyang ngumiti.
"Sige po, Ma. Alis na ako..." paalam ko at lumapit sa kanya para hagkan siya.
"Mag-iingat ka, Shan." aniya. Tumango na lamang ako at umalis na.
Pumunta ako doon sa guard na nagbabantay sa subdivision. Ang alam ko ay may record sila ng pangalan ng mga taong pumupunta na hindi nakatira dito. Kapag nandito ang pangalan ng Vince na iyon ay sasampahan ko siya ng kaso. I'm sure that I can find an evidence against him.
"Good morning, Ma'am!" bati sa akin ng guard. Ngumiti ako sa kanya.
"Kuya, bumalik po ulit ang lalaking umakyat sa kwarto ko kaninang madaling araw."
"Ganoon po ba?"
Lumapit sa akin ang dalawang guard na nandoon. "Sige, Ma'am upo ka muna dito."
Umupo ako doon sa silya na malapit sa table nila. Binuksan nung isang guard yung malaking notebook niya pagkatapos ay tumingin sa akin. Ang isa naman ay nandoon sa gilid katabi nung naka-upong guard.
"Nakilala niyo ba siya Ma'am? Natatandaan niyo ang itsura niya? Pwede natin itong idiretso sa mga pulis para mas ma-imbestigahan ang kaso." sabi niya.
"Opo, Sir..." mahinang sabi ko. "Kilala ko siya. Pinagbantaan niya ang buhay ko."
Tumango ang dalawang guard. Samantalang nagsisimula na naman akong maiyak dahil sa naalala ko ang buong nangyari kagabi. Kung paano niya ako tinutukan ng kutsilyo... kung paano niya ako...
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
Fiksi UmumDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...