Chapter 19
Comfortable
-Shanela-
"Where do you want to eat? Do you want to go somewhere before we go home?"
Napatingin ako kay Vince pagkatapos ng magkasunod niyang tanong. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Home? Hindi ko alam kung tanggap ko ba ang salitang iyon lalo na kung alam ko na ang mangyayari sa oras na bumalik kami sa bahay niya.
Hindi na ulit ako makakalabas.
"Or you want to go home? Nandoon na sina Manang at Ate Vera. She'll cook for our dinner later, kung uuwi na tayo tatawag ako sa bahay para makapagluto sila ngayon." aniya nung napansin niyang hindi ako nakasagot sa tanong niya.
"Ha? Hindi..." mabilis akong umiling. "Ayoko pang umuwi. Let's go somewhere..."
The feeling of being outside thrills me. Kaya gusto ko sanang sulitin 'to. I just want to feel that I'm free again... even though it's not.
"Saan?" he asked.
"To the place where we first met..." mahinang sambit ko at bahagyang ngumiti.
Bahagyang napaawang ang bibig niya sa sinabi ko. He stopped walking, nagpatuloy ako but when I noticed that he's just staring at me. I stopped and faced him.
"Ayaw mo?" tanong ko sa kanya.
Humakbang ako palapit sa kanya. Halos matawa ako sa reaksyon niya, mukhang hindi niya pa rin naabsorb 'yung sinabi ko o hindi pa rin siya makapaniwala.
I am connected to him. I am not free because he already locked me in his life. There's an invisible chain that's binding me to him. Pakiramdam ko kahit na pumunta ako sa sulok ng mundo, in the end sa kanya pa rin ako babalik. And everytime that he'll pull me closer to him, I'll get hurt. He'll always break me and my heart... he might give me more painful memories... na ayokong mangyari.
I don't want our child to experience pain and brokenness. Tama na ako na lang...
"Why?" he asked me again.
Hinawakan ko 'yung kamay niya. I directly looked at him in his eyes and smiled.
"I want to build good memories with you... as a friend..."
Pagkasabi ko nun ay kaagad ko na siyang hinatak. "Tara na!"
Sinulyapan ko siya, he smiled sheepishly and shook his head as he let me pull him. I let him hold my hand too. Sandali ko iyong tinignan pero sa huli ay binalewala ko na lang din. We should create good memories... baka matabunan nito 'yung mga masasakit na alaalang nauna niyang binigay sa akin.
Pagkalabas namin ng ospital ay kaagad kaming sinalubong ng dalawang tauhan ni Vince. He signaled something to them. They both nodded and opened the door for us. Nauna akong pumasok kaya doon ako sa dulo sa tabi ng bintana umupo. Sa tabi ko si Vince.
Pagkasara ng pinto ay bumaling sa akin si Vince.
"Kakain muna tayo ng tanghalian bago tayo pumunta doon. Maybe you want to shop for something too..." aniya.
Sinabi niya doon sa driver kung saan kami pupunta. Tumingin ako sa labas, mukhang nasa syudad pa naman kami dahil medyo pamilyar pa ako sa mga nakikita ko. Akala ko ay sa probinsya niya ako dinala. Pinuno ko ang tingin ko ng mga buildings, sasakyan at mga abalang tao.
"Are you craving for something again?" muling tanong niya.
Umiling ako at nanatiling nakatingin sa labas.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
Genel KurguDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...