Chapter 01

2.7K 45 5
                                    

Chapter 1

Black Roses

-Shanela-

"I really enjoy this day with you, Mahal." nakangiting sabi ni Denver sa akin habang nakatingin siya sa kamay naming magkahawak. Napatingin ako doon at lumawak ang ngiti ko ng higpitan niya pa ang pagkakahawak niya doon.

"Ako, habang kasama kita lagi naman akong nag-eenjoy kahit ano namang lugar ang puntahan nating dalawa, masaya naman ako kasi kasama ko ang lalaking mahal na mahal ko." I said smiling. He looked at me and he smiled as he touched my face and kissed my cheek slowly.

"Kaya mahal na mahal kita Shan..." aniya at marahan naman niya akong nilapit sa kanya at niyakap ng mahigpit. Hindi naman ako nagdalawang isip na yakapin siya pabalik.

His hug makes me feel safe and secure.

Hindi na ako nagtataka na inabot kami ng limang taon, he's the one. Higit isang dekada na mula ng makilala ko si Denver, we started as friends when we were in high school. He courted me for one year and I said yes to him when we were in college. He proposed to me when we graduated college and now after three years... malapit na talaga kaming ikasal sa isa't isa.

"I'm so blessed to have you," he whispered to my ears as his hugged tighten.

"Mas maswerte ako kasi ikaw ang naging boyfriend ko... at ang mapapangasawa ko." nakangiting sabi ko at ipinikit ang mga mata ko para damhin ang yakap niya sa akin.

"Yes, two weeks from now you'll be my wife, my Mrs. Lorenzo. Shanela Patrice Alonzo Lorenzo, fuck ang gandang pakinggan!" natawang sabi niya dahilan para lalong lumawak ang ngiti ko at tumango.

Excited na talaga akong dumating ang araw na iyon, ang araw na magiging isa kaming dalawa. The original plan was that our wedding will be held last year. But we decided to postpone it when our friend, my best friend, Emily Mercado died because she committed suicide. She's my childhood best friend, sobrang malapit kami sa isa't isa kaya halos hindi ko matanggap na namatay siya three years ago.

I need to move on. As far as I know that she's happy for me... for us, I'll be okay.

"Alam mo namang pangarap ko talagang maging Mrs. Lorenzo mo." I chuckled.

"Pangarap ko rin namang misis ka, Shan." sabi niya at kumalas sa pagkakayakap naming dalawa. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawang kamay niya at hinagkan sa noo dahilan para mapangiti ulit ako.

This guy never fails to make me smile. Pero kahit ano namang gawin niya napapangiti naman ako, kahit nga malaman ko lang na mahal niya ako, masaya na ako. He's really one of my happiness. Isa siya sa mga bagay na bubuo sa akin.

"I love you, Shanela..." he softly said and I felt his lips against mine.

"I love you too, Denver." mahinang sabi ko nung humiwalay siya sa akin.

We both smiled at each other then he messed my hair. Sinamaan ko naman siya ng tingin at sinuklay ang buhok kong ginulo niya gamit ang kamay ko at nakangusong tumingin sa kanya. Tumawa naman siya at pinisil pa yung tungki ng ilong ko.

"Ang cute talaga ng misis ko!" aniya at muling ginulo yung buhok ko.

"Abnormal ka talaga! Mahal rebond ng buhok ko!" singhal ko sa kanya pero tumawa lang ulit siya. Inayos ko naman ulit yung buhok ko.

"Mas mahal naman kita." he smiling and winked at me that made blush.

"Corny mo, pasok na kaya ako sa loob?" sabi ko sa kanya.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon