Chapter 41

1.4K 31 39
                                    

Chapter 41

Sticky Note

-Shanela-

"Wow, did I miss the emotional part of their reunion?" tanong sa akin ni Riley.

Nilingon ko siya at bahagyang ngumiti. Tumabi siya sa akin at sinamahan ako habang pinagmamasdan si Vince at Vin na naglalaro ng mga laruang sasakyan. Nakita ko na napatingin sa amin si Vince sandali pero kaagad ding kinuha ni Vin ang atensyon niya pabalik sa kanya.

"Oo, you missed that part,"

"That's okay, what's important is that Vin finally met his father. How did you meet him by the way?" he asked me again.

"He's the CEO of the company that I'm currently working. Under 'yun sa AVS Holdings..." sambit ko at bahagyang natigilan ng may mapagtanto ako. 

So he planned all of these?

Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko ng may mapagtanto. He might changed a lot but I think some things will never change. Sa huli, sa kanya pa rin ang bagsak ko. Once he starts pursuing what he likes or what he wants... he'll always get it. I may hated him for that before but now that's probably one of his assets that I like.

Hatinggabi na ng tumigil sa paglalaro si Vin. Humikab na siya at binitawan ang laruang sasakyang hawak niya.

"Daddy, I'm already tired. Let's sleep..." inaantok niyang sambit. Pumipikit na rin siya.

I expected him to go to me like what he's usually doing pero hindi 'yun ang ginawa niya. Lumapit siya kay Vince at pinulupot ang dalawang kamay sa leeg niya na tila gustong magpa-karga sa kanya. Napatingin sa akin si Vince habang binubuhat si Vin.

"'Yun yung kwarto namin..." sambit ko sa kanya at tinuro 'yung puting pinto na malapit lang sa kinatatayuan namin. Sinulyapan ko ang anak naming mabilis na nakatulog kahit na buhat pa siya ni Vince.

"Okay," sagot niya at napatingin siya sa katabi kong si Riley na abala kuno sa panunuod ng T.V. pero alam kong nakikinig naman sa usapan namin. "Can I sleep with him?"

"Uhm... ano... okay lang naman." nag-aalinlangang sagot ko.

Okay lang naman pero ang kaso saan naman ako matutulog? 

Ang isang bakanteng silid ay ginagamit ni Riley. Siguro doon na lang ako sa kwarto kasama ni Yaya Anna. Ayoko rin namang tanggihan si Vince lalo na't ngayon lang sila nagkasama ni Vin at mukhang wala rin namang balak na pakawalan ni Vin si Vince.

"Thank you," he smiled at me as he gently tap Vin's back using his free hand. Vin moved a bit then hugged Vince tighter. "So he must be your cousin?" tumaas ang kilay niya.

Sinulyapan ko si Riley na ngayon ay mukhang on fire nang makisabat sa aming dalawa.

"Finally, you notice me," ngumisi siya.

"Actually, kanina pa. Abala lang talaga ako sa anak ko kaya hindi kita napagtuonan ng pansin. Salamat pala sa pag-alaga sa kanila noong mga panahong wala ako. I'm glad that my son have an uncle like you..."

"Wala 'yun, mahalaga sa akin si Shan eh tsaka napamahal na rin ako kay Vin," aniya at nilingon akong muli. "You didn't tell him that we're not really cousins?" humirit pa siya.

Napatingin ako kay Vince na lalong kumunot ang noo na mukhang hindi niya na naiintindihan ang mga nangyayari.

"What?" medyo tumaas ang boses niya.

"Huh?" pati ako naguluhan na. Hindi ko alam kung paano ko sisimulang ipaliwanag ang complicated naming relasyon.

"Tita ko si Tita Annalise, she's the wife of Shanela's father pero wala silang anak. Simula ng mamatay ang tatay ni Shan ay tinuring na siyang anak ni Tita Annalise. But we're not really blood related..." paliwanag niya kay Vince.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon