Chapter 23

1.3K 43 6
                                    

Chapter 23

Kahati

-Shanela-

Hindi na ako makapagsalita. So the girl he likes is my best friend's sister?

Bahagyang humakbang palapit sa akin si Vince para hindi ko masyadong makita si Ate Eula. I glanced at him, hindi ko na makita ang ekspresyon niya dahil nakatalikod na siya sa akin.

"What are you doing here?" malamig na tanong sa kanya ni Vince.

Instead of answering Vince's question, she laughed as if what he asked is a joke.

"Sa tagal ko ng pumupunta dito ngayon mo lang ako tinanong ng ganyan." aniya. "I'm here yesterday but you didn't ask me that question..."

Lumapit siya sa amin. Para akong nanlamig habang nakikita siyang nakatingin sa akin. Naalala kong muli ang sinabi ni Wayde. Nandito siya kahapon and he saw them kissing. Parang may kung anong pumalo sa puso ko dahil sa sakit na naramdaman ko.

"Umalis ka na."

"Wow! That's new..." bumaling sa akin si Ate Eula. Tumaas ang gilid ng labi niya. "Hindi ko alam kung sino ba ang dapat magulat sa aming dalawa. Ako dahil nandito siya o siya dahil nandito ako."

"Eula..." makahulugang tawag sa kanya ni Vince.

"Why?" she raised her eyebrow then crossed her arms. "Akala ko ba ako huh? Don't tell me that you're forgetting our deal? Na pagkatapos ng lahat ng ito, ako ang pipiliin mo?"

"Stop it!" agad na suway sa kanya ni Vince.

Parang nanuyo ang lalamunan ko sa mga nangyayari. Gusto kong umalis dito at lumayo sa kanilang lahat. Dahan-dahan kong sinulyapan si Vince, nasa akin na ang atensyon niya. He looks like he wants to go near me but he's stopping himself from doing it.

"Pu-pwede naman akong lumabas..." mahinang sambit ko.

Himala nga na may nasabi pa ako.

Alam siguro ni Ate Eula ang plano ni Vince laban sa akin. I wonder how painful it is for her to accept that her boyfriend is "married" to another woman? I mean, sige let's say na hindi naman ako mahal ni Vince at para sa paghihiganti lang ang lahat ng ito, pero iba pa rin talaga kapag nakita mo ang mahal mo na may kasamang iba. And the fact that... I'm pregnant...

Nanlumo ako sa mga naiisip ko. Hindi ko alam kung ano ang mga pinangako sa kanya ni Vince para pumayag siya sa gusto niya. Alam niya ba na buntis ako? Anong gagawin niya kapag nalaman niya?

"I can leave you alone here," nabasag ang aking boses. "Lalabas na ako..."

Hahakbang na sana ako palabas ng biglang hawakan ni Vince ang kamay ko. Kaagad na bumaba ang tingin ni Ate Eula doon. Napatingin naman ako doon sandali pero agad din akong tumingin kay Vince.

"Let me go..."

"Hindi ka lalabas dito." he said with authority. Bumaling siya kay Ate Eula. "Umalis ka na. Hindi makakabuti sa kanya na nandito ka..." aniya.

Napaismid si Ate Eula sa sinabi ni Vince. "Bakit? Pinapaalis mo ako kasi nandito siya? So dalawa kami ngayon?" hinagod niya ako ng tingin tapos ay makahulugan niya akong tinignan. "Sabagay, ayos lang din naman sa akin ang may kahati... I can deal with that. Ayos din naman siguro sa'yo 'yun 'no, Shanela?"

Hindi ako nakasagot. I don't want to answer that. Ayoko.

My eyes got blurry because of my tears. Nahirapan akong huminga sa dahil pilit kong pinipigilan ang pagtulo ng luha ko. Naiintindihan ko naman ang lahat pero ang sakit pa rin.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon