Chapter 39
Miss
-Shanela-
When we landed in Manila, I suddenly feel anxious and nervous. Pakiramdam ko ay para akong tumakas at nagtago ng limang taon at ngayon ay nagbabalik para harapin ang lahat ng kailangan kong harapin. Vin, on the other hand, looks so happy and excited. Na kahit na matagal ang naging byahe at madaling araw na kami nakarating, masigla pa rin siya habang iginagala ang tingin sa paligid.
Hawak ko ang kamay niya habang hinahatak niya ako para magturo at magtanong sa mga bagay na ngayon palang niya nakita. Si Riley ay kausap si Yaya Anna na tila sinasabi sa kanya ang plano namin dito.
"Baby, kapag nakapagpahinga na tayo, ipapasyal kita okay?"
"Talaga po? Yehey!" masigla niyang sagot.
Nang makalabas kami ay kaagad naming nakita si Kaye. She immediately run to us and went to my son.
"Tita Kaye!"
"Hi, baby!" tawag niya kay Vin at mabilis itong kinarga. "Kamusta? Excited ka na ba? You want to go somewhere? Sasamahan kayo ni Tita!"
"Sabi ni Mommy, mamamasyal kami after we rest!"
"Sige, sasama ako sa inyo!" masayang sambit ni Kaye sa kanya. "Hug mo nga si Tita, baby! Ang laki mo na pala! Hindi ko napansin kasi ang liit mong tignan sa monitor!" she even laughed at her own statement.
Niyakap naman siya ni Vin. "Kayo po Tita, ang ganda niyo po! Pareho kayo ni Mommy!"
"Talaga? Baka naman niloloko mo si Tita,"
Hinarap siya ni Vin. He raised his right hand. "I'm telling the truth, Tita. Promise!"
Napangiti kami sa sinabi niya. Kaye kissed him on the cheek before he put him down. Bumaling naman siya sa amin ngayon. I smiled at her, she went to me and hugged me. I hugged her back.
"Namiss kita! How are you?" aniya at humiwalay sa akin tapos ay tinignan ako mula ulo hanggang pa. "Mas lalo kang gumanda ah? At ang laki ng pinayat mo!" she noticed.
"Oo nga eh, hija," si Yaya Anna ang sumagot. "Alam mo ba na ang daming nanligaw sa kanya noong nasa Canada kami? Pero wala siyang sinagot kahit isa!" tumawa si Yaya Anna.
"Talaga? Kahit na may anak na si Shan?" manghang tanong ni Kaye. Pumunta siya ka y Yaya Anna at niyakap din ito. "Kamusta na din Yaya? Mas naging blooming din tayo ah? Nakakita ka rin ba ng foreigner doon?" tumawa si Kaye. Tumawa na rin kami.
"Naku! Meron naman pero hindi ko na pinatulan! Etong si Shan nga eh, ang daming mga offer sa kanya at kay Vin pero hindi rin pumayag," tinuro ako ni Yaya.
Napailing na lang ako.
"Uy, Riley ah? In fairness mas gwapo ka sa personal!"
Habang nagkakamustahan kami ay nakita ko si Vin na naglakad palayo sa amin. He's looking at a black expensive car that's parked few meters away from us. Mabilis naman akong sumunod sa kanya habang papalapit siya doon.
"Baby, no!" tawag ko sa kanya at hinawakan ang kamay niya.
"Mommy!" he looked at me.
"Baby, bakit ka lumayo? Paano kapag nawala ka?" I gently told him.
"I'm sorry, Mommy." he pouted and pointed at the black car. "I'm just looking at that car. His car looks so cool! That looks like my Lexus toy car." he said. Ngumiti ako sa kanya at binuhat siya.
"Next time tell me if you want to go somewhere, para hindi kami mag-alala."
"Okay po, Mommy." he said then hugged me.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...