Chapter 33

1.3K 31 6
                                    

Chapter 33

Admit

-Shanela-

Tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana ng sasakyan ni Vince. Hindi ko na alam ngayon kung ano ang gagawin ko. I know that my best friend will never thought of committing suicide but the fact that someone killed her... and until now no one doubt her sudden death before.

Sa gilid ng mga mata ko ay kita ko ang pagsulyap sa akin ni Vince.

"Don't stress yourself please..." he broke the silence between us.

"Si Denver ang pumatay sa kanya di ba?"

"Shan..." huminga siya ng malalim. "Let me take care of this. Gagawin ko ang lahat para managot ang gumawa nito sa kanya. We will let him pay, okay?" malumanay na sambit niya na tila pinapakalma ako.

"Paano niya pa kami nagagawang harapin pagkatapos ng mga ginawa niya? He should rot in jail, he needs to pay for what he did! I never thought that... Denver... is monster."

"I probably know how he managed to face all of you." aniya. Nilingon ko siya at nakita na seryoso pa rin ang kanyang tingin sa daan. "I'm a criminal myself too..." he looked at me as he gave me a meaningful smile.

Hindi na ako nakapagsalita. Ibinalik ko na lamang ang tingin ko sa labas ng bintana. Sa loob ko ay maraming nagtatalo, halos hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko. Pero ang naiintindihan ko lang sa ngayon ay ang rason kung bakit nangyari ang lahat ng ito sa amin. Para akong nakahinga ng maluwag kahit na ang bigat-bigat ng mga nangyari.

Maybe this is really what I want... to know everything... and now I need to decide about the ending that I want. In the end, we still have the choice, whether we choose to let go of the past and be happy or to live with it and suffer.

Naramdaman ko ang paghawak ni Vince sa kamay ko. Ibinalik ko ang tingin ko sa kanya, he gave me an assuring smile.

"Don't think about anything else," sinulyapan niya ako bago muling ibinalik ang tingin sa daan. "What's important right now is we already know the truth and we're together..."

"Magiging maayos na ang lahat ngayon di ba?"

"Yes, I can assure that to you, baby." he sincerely said.

Mahina ko siyang sinuklian ng ngiti at mas hinigpitan ang hawak sa kamay niya. Siguro nga ay heto ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin ni Denver, kung bakit ang akala kong masaya at payapang buhay ay bigla na lang nagbago.

Life isn't perfect. Life has many flaws and I already accepted that fact. Right now, I just want to hold on that hope that after this... we can already find the happiness that we've been looking. That happiness will eventually come naturally. Ang kaligayahan ay hindi pinipilit. Despite of all the storms that I experienced, it will come on the right time.

"What?" gulat na tanong sa amin ni Kaye. "Sigurado ba kayo dito? The case was already closed years ago at malinaw na suicide iyon kasi di ba... we saw her body hanging on the ceiling of her unit."

Ibinalik ni Kaye ang tingin niya doon sa sulat na binigay sa akin ni Emily. Nasa tapat namin siya ngayon ni Vince. Napag-usapan namin na kung pwede ay buksan ulit ang kaso sa pagkamatay ni Emily pero kailangan pa naming i-confirm na si Denver nga ang pumatay sa kanya.

"Hindi ko din alam..." mahinang sagot ko at binagsak ang tingin sa kamay ko.

Vince slowly pulled me closer to him.

"Where was he during that time?" tanong ni Vince sa amin.

Napaisip naman kaming dalawa ni Kaye. Ang naaalala ko ay hindi namin siya kasama ng magpunta kami sa unit ni Emily. Ilang araw na ng burol ni Emily ng makasama namin siya.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon