Chapter 47
Forever
-Shanela-
Wala na si Vince sa tabi ko paggising ko. Nang marinig ko ang agos ng tubig mula doon sa banyo ay napagtanto ko na nandoon siya. Marahan akong bumangon at tinignan ang orasan, it's 6:30 in the morning. Maaga pa naman. Muli akong bumagsak sa kama at hinatak palapit sa akin ang unan na malapit sa akin.
I almost inhaled Vince's manly smell. Nakakaantok. Parang gusto ko na lang tawagin si Vince para yakapin buong araw at huwag ng mag-isip ng kung anumang alalahanin.
My gosh, ano bang nangyayari sa akin? Pakiramdam ko nabaliw na rin ako sa kanya.
Halos mapabangon ako ng marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. I turned to him. He's topless, wearing only a dark blue jeans and a towel around his shoulders. His hair is still damp.
"Good morning!" he greeted.
He walked towards me. Nang makalapit siya sa kama ay itinuko niya ang dalawa niyang kamay sa magkabilang gilid ko. He leaned towards me and kissed my forehead. Kaagad na sinakop ng amoy niya ang ilong ko. My gosh! Ayoko na! May mali talaga sa akin.
"Morning..." nahihiyang bati ko. Napagtanto kong sobrang basa pa ng buhok niya kasi may mga droplets ng tubig na tumulo mula doon hanggang sa balikat niya papunta sa akin.
"Are you still sleepy? Almusal na tayo then let's have a date..." aniya.
"May trabaho tayo. May trabaho ako, hindi ako pwedeng umabsent."
"So?" he ignored my statement. "Tayong dalawa naman..."
"Vince..."
"It's okay," he caressed my face. "We need to spend time together too, baby..." ramdam ko na ang bahagyang pagtatampo niya. I'm just looking at him properly. He looks like a little puppy waiting for his owner's attention.
I sighed. Fine. As if may magagawa pa ako. "Oo na sige na..." I gave up.
Mabilis niya akong hinalikan tapos ay lumayo na siya sa akin. "Bihis na ako. Mag-ayos ka na rin, baby. Baka mapagdesisyunan kong dito na lang tayo sa kwarto buong araw." halos ngumisi siya para itago ang malawak na ngiti niya.
I glared at him. "Ewan ko sa'yo!" singhal ko at bumangon na.
Mamaya ako pa ang magyaya sa kanyang dito na lang sa kwarto manatili at yakapin ko na lang siya buong araw. But of course hindi naman malakas ang loob kong sabihin sa kanya iyon, baka totohanin niya.
Pagkatapos kong mag-ayos ay sabay kaming lumabas ng kwarto. Kumakain na sila ng pumunta kami sa dining area. Abala sa pagkain si Vin at si Riley. Si Manang naman ay nandoon sa harapan ng T.V. at sinusubaybayan iyong zumba session ng isang channel tuwing umaga.
"Good morning, Mommy and Daddy!" masayang bati ni Vin sa amin.
"Good morning!" Vince greeted then he went to his son to pat his head.
"Good morning, baby!" I went to him and kissed him on his cheek. "How's your sleep?"
"Okay lang po, Mommy. Tito Riley and I watched a movie, hindi po kasi ko makatulog."
Umupo ako sa tabi niya. "What time kayo nag-sleep?"
"I don't know, Mommy. Di ko po natapos ang movie..." he pouted.
"Morning, love birds..." bati ni Riley. "Nag-order na kami ng almusal," aniya.
"Thank you, Ry." I smiled at him. Marahan siyang tumango at pinagpatuloy ang pagkain.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...