Chapter 44
Over
-Shanela-
"Alam niyo ang pa-tweetums niyong dalawa..." Kaye commented while reading Vince's note on my desk. "Jusko, hindi na kayo mga bata para patagalin pa ang ligawan stage!"
Bahagya ko siyang sinimangutan. "Kung hindi siya nanliligaw baka wala kang kinakain na donut ngayon."
Mabilis na lumipas ang mga araw. Patuloy pa rin sa panliligaw si Vince sa akin at lagi rin niyang binibisita si Vin. May time na rin na lumabas silang dalawa para mamasyal. I gave Vince his opportunity to spend time with his son. I want them to know more about each other ng silang dalawa lang.
"Sabagay, pero kailan mo naman siya sasagutin? Baka paasahin mo siya ah? Madami pa namang umaaligid doon! Baka masulot!"
"Subukan lang niya!"
"Selos agad? Pero seriously, Shan, do you really love Vince? As in? Wala ka na talagang feelings kay Denver?" she curiously asked.
"Alam mo mas pa-tweetums ka pang magtanong." binato ko sa kanya 'yung tissue.
Tumingin ako sa sticky note na galing kay Vince at doon sa isang box ng donut na bigay niya. Dalawang box talaga 'yun pero binigay ko na sa iba kong mga kasama ang isang box. Blessings are meant to be shared anyway... except for Vince. Siya ata ang blessing na hindi ko kayang i-share sa iba.
Halos matawa ako sa sariling naisip.
"Pero mahal mo nga talaga si Vince?"
"Matagal na... simula ng mapatawad ko siya." I smiled at her.
Bahagya siyang napangiti sa sinabi ko. "Huwag mo na siyang pag-antayin pa, Shan... you both deserve to be happy. It's now on your reach, kaya huwag niyo ng pag-antayin pa ang mga sarili niyo ng matagal."
Bumaba ang tingin ko doon sa kulay asul na sticky note ni Vince. I gently touch it.
Thank you for being one of the greatest blessings in my life. I love you, baby. :)
He's always giving me these kind of messages everyday. And he never fails to make my day happy. He doesn't need to do extravagant things to make me happy or to show to me how much he loves me. Simple things will do especially if you're doing it with your whole heart.
"Hindi na. We waited enough..."
Nagkwentuhan lang kami ni Kaye. She's inviting me to have a dinner with her husband. Na member pala ng Board. I really thought that he's the president! Kaye's a trickster! Kaya pala kahit urgent hiring sila ay naantay nila ang pagbalik ko dito.
"Shan, we have a meeting in ten minutes," sandaling lumapit si Luis sa table ko.
Maagap akong tumango. Nitong mga nakaraang araw ay mas naging busy kami, lalo na ngayong nasa auditing season ang buong company. Kaya halos mawalan ako ng time para kay Vin. Buti na lang at nandiyan si Vince. Sisiguraduhin ko talaga na pagkatapos ng mga ito ay ipapasyal ko si Vin lalo na't malapit na ang birthday niya.
"Okay!" sambit ko at pinagsalikop ang mga dokumento sa table ko.
Bumaling ako kay Kaye at nakita na kumakain pa din siya ng donut. Nakaka-ilan na siya pero mukhang wala pa ring balak tumigil.
"May meeting ako, ayos ka lang ba dito?" I asked.
"Okay lang," she smiled.
Inayos ko na ang mga kakailanganin ko para doon sa meeting. Kinopy ko na rin 'yung mga files na pwedeng kailanganin para sa presentation mamaya sa usb. Nang makita ko na tumayo na ang iba kong mga kasama at sumenyas na pupunta na sila sa doon sa conference room ay tumayo na rin ako.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
Ficción GeneralDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...