Chapter 08

1.4K 33 4
                                    

Chapter 8

Welcome

-Shanela-

I slowly opened my eyes and I found myself in a very unfamiliar room.

"Nasaan ako?" sabi ko at bigla akong napabangon. Bahagya akong nakaramdam ng pagkahilo dahil sa bigla kong pagbangon.

Tumingin ako sa paligid ko at doon ko napagtantong wala ako sa bahay namin. I don't know where I am and I don't want to know where I am right now. I just want to go home right now and go back to normal. Kailangan kong makaalis dito ngayon.

Ayoko na dito. Ayoko ng isipin ang mga nangyayari sa akin. Nasasaktan lang ako.

"Gising ka na pala hija." napatingin ako kung saan nanggaling ang boses na iyon.

Nakita ko ang isang may edad na babae ang bahagyang nakangiti sa akin. Napatango na lang ako hanggang sa makarating siya sa may harapan ko. Sinulyapan ko ang buong lugar.

"Na-nasaan po ako?" I almost whispered.

Kahit may duda na ako kung nasaan ako pero parang ayoko lang paniwalaan ang lahat ng ito. I can't accept the fact that that monster got me. Inilayo niya ako sa mga taong mahalaga sa akin.

He destroyed my supposedly happy ending.

"Andito ka sa bahay ni Vince, heto ang kwarto niya." malumanay na sabi niya.

Nadismaya naman ako sa narinig ko. Gusto ko na talagang umuwi. Ayoko dito sa lugar na 'to. Ayoko dito, I want to stay away with that devil creature. At talagang nandito pa ako sa kwarto niya. I feel so disgusted.

Tumingin ako sa kanya at parang bigla akong nataranta. I really want to go away right now. Ang gusto ko lang ngayon ay ang makaalis at makalayo dito.

"A-aalis na po ako." sabi ko at tumayo na agad.

"Teka lang hija baka mapano ka niyan!" aniya pero binaliwala ko na lang iyon.

Medyo masakit pa ang ulo ko sa mga sandaling ito pero kailangan ko lang makaalis sa lugar na 'to. Mabilis kong tinungo yung pintuan na medyo may kalayuan sa kamang hinigaan ko kanina.

"Hija!"

Mabilis kong pinihit yung pinto para makalabas pero pagkabukas ko naman ay halos mapaatras ako ng saktong makita ko si Vince, ang demonyo sa buhay namin. I suddenly feel scared. Ayoko talaga sa aura niya. Malalaman mo agad na demonyo ang pagkatao niya.

"Saan ka pupunta?" malamig na wika niya.

Hindi pa man ako nakakapagsalita ay agad niyang hinawakan ang palapulsuhan ko at hinatak papasok doon sa loob ng kwarto. Tumingin naman sa amin yung babae at bahagyang napayuko. Sinubukan ko namang makawala sa kanya.

"Nanay Ising, she's Shanela, my wife." he casually said to her. Nagulat naman ang babae at napatingin sa akin. Ibinalik niya rin ang tingin niya sa katabi ko.

"Ganun ba? Bakit parang hindi..." humina ang boses niya. Mukha siyang nagtataka at hindi makapaniwala sa nalaman niya. Maski naman ako, hindi pa rin ako makapaniwala sa nangyari ngayon.

All of a sudden, siya na ang asawa ko at hindi si Denver.

"Lumabas po muna kayo 'Nay Ising, may dapat kaming pag-usapan ng asawa ko." sabi niya doon sa babae. He even emphasized the word 'asawa ko'. Kinilabutan naman ako sa sinabi niya niya.

"Sige hijo, ipaghahanda ko na rin kayo ng makakain." mahinang sabi niya at dumiretso na siya palabas ng kwarto leaving me and this monster alone.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon