Chapter 14
Eyes
-Shanela-
"Babangon ka o tatabihan kita?" he smirked. "Inaantok pa naman ako..." aniya.
Napakurap naman ako sa sinabi niya. Hindi pa ako nakakahuma sa nangiti niya ng humiga siya sa kama at tumabi sa akin. Kinilabutan naman ako ng maramdaman ko ang kamay niya sa ibabaw ng bewang ko. My body started to tremble again because of that familiar fear. Tumagilid ako para maharap siya.
"Ano..." natigilan ako. Hindi ko rin alam kung ano ang sasabihin ko.
"Natatakot ka na naman..." malumanay na saad niya habang dinudungaw niya ako.
Nahigit ko ang hininga ko ng marahang gumalaw ang kanyang kamay papunta sa likod ko. We both stare at each others' eyes for no apparent reason. Para bang biglang naging tahimik ang paligid namin. Basta nakatingin lang kami sa isa't isa.
Gusto kong maalala kung saan ko ba siya nakita noon kaya ko siya pinagmamasdan.
Malamlam ang kanyang tingin sa akin ngayon. Wala 'yung mga klase ng tingin niyang kinatatakutan ko. Right now, I can only see pure sadness in his eyes. Hindi ko alam kung bakit ganoon ang kanyang mga mata, kung bakit malungkot ang mga ito.
"Malungkot ka ba?" I unconciously asked him.
Bahagyang umangat ang gilid ng kanyang labi at bahagyang lumapit sa akin. My heart started to beat fast because of what he did. Lihim naman akong napalunok. Hindi kaya galit na naman siya kasi nagtanong ako?
"Papasayahin mo ba ako?" he asked while looking at me directly in my eyes. Napalunok muli ako at dumoble ang tibok ng aking puso sa kaba.
Ano ang ibig niyang sabihin doon?
"Do you know the feeling of being sad and lonely, Shanela?" tanong niya sa akin.
Natigilan ako sa taong niya. Ngayon napaisip ako, alam ko ba ang pakiramdam na iyon? Oo, sobrang nalungkot ako ng mamatay si Emily. I was depressed that time. Nalungkot din ako ng umalis noon si Gummy, nung iwan niya ako.
But the feeling of being lonely? Hindi ko alam.
Nasanay ako na nasa tabi ko si Mama at ang pamilya ko. Nasa tabi ko rin lagi ang mga kaibigan ko... hindi nila ako iniwan. At si Denver, he's always with me. If you're lonely, that means that you feel that no one loves you. Walang taong nagpapahalaga sa'yo.
Napatingin ako sa kanya. Parang may kung ano kumirot sa puso sa mga sandaling ito.
Here's the man who hurt and violated me... looks so sad and lonely in front of me.
"Probably not. You're always treated like a princess..." he broke the silence.
Bahagya siyang ngumisi habang pinagmamasdan muli ako. Huminga ako ng malalim para ikubli ang anumang emosyong lumalabas sa akin. Marahan niya akong hinapit sa kanya at niyakap. Hindi na ako pumalag pa sa ginawa niya.
"Sino ka ba talaga?" tanong ko at bahagyang humiwalay sa kanya.
"I am your husband." he grinned.
Napatitig ako sa kanya. Humarentado ang tibok ng puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko, kung maguguluhan o masasaktan. Si Denver lang dapat ang asawa ko. I should be married to him only. Pero sa isang iglap... nawala na ang lahat ng pangarap ko.
"We're really married?" kunot-noong tanong ko sa kanya.
Bahagya naman siyang tumawa at pinisil muli ang tungki ng aking ilong.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
Ficción GeneralDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...