Chapter 30

1.5K 39 0
                                    

Chapter 30

Time

-Shanela-

I slowly opened my eyes. Nang masyado akong nasilaw sa puting ilaw na sumalubong sa akin ay muli akong napapikit. Doon ko na naramdaman ang bahagyang pagsakit ng ulo ko. When I remember what happened... I immediately opened my eyes and panicked.

Ang anak ko.

Napatingin ako sa gilid at bahagya akong nagulat na si Vince ang nakita ko. He looked so worried when he went closer to me. Sa bandang paanan ko naman ay nandoon sina Mama at Kaye. Ibinalik ko ang tingin ko kay Vince at hinawakan ang kamay niyang naka-agapay sa akin.

"Shanela..." mahinang sambit niya.

"'Yung anak ko?" I asked. Napatingin ako sa bandang tiyan ko. Though, I can still feel that my baby is still here, gusto ko pa ring magtanong sa kung anong nangyari. I want to be sure that my baby is fine. "Kamusta siya?"

"The baby is fine... huwag ka ng mag-alala at magpahinga ka na muna."

Nakahinga ako ng maluwag sa sinabi niya at napahawak sa umbok ng aking tiyan. Buti na lang at walang nangyaring masama sa anak ko. I feel sorry for him because of what happened these past few days.

"Kamusta na ang pakiramdam mo anak? Maayos na ba?" nag-aalalang tanong sa akin ni Mama.

Bumaling ang atensyon ko sa kanya. Marahan akong tumango. Hindi ko na maalala ang mga nangyari ng himatayin ako, ang alam ko lang ay may bumuhat sa aking lalaki na ngayon ay sigurado na akong si Vince...

I slowly turned my head to him. So he followed me? I wonder if he told my family about what happened... kung nagkausap na ba sila ni Mama? Ang huling beses kong nakita si Mama ay 'yung araw na kinasal kami ni Vince. Naisip ko kung ano ang reaksyon nila ng malaman nila na buntis ako.

"You're unconcious for two days..." si Vince.

Bahagya akong napasinghap sa sinabi niya. Pero I should expect that, right? After all the revelations, here's the result. I was so eager to know the truth that to the point that I can stress myself and hurt my own child.

"I'm sorry..." mahinang sambit ko.

He remained silent. Nanatili lang na nakatingin sa akin si Vince na tila tinatantya pa ang magiging reaksyon ko.

"Do you want to eat? I'll buy your food..." he said after a while. Bumaling siya kina Mama sandali tapos ay tumingin sa akin. "May gusto ka bang kainin?"

Hindi pa naman ako nakakaramdam ng gutom pero alam ko na kailangan ko ng kumain.

"Ikaw na ang bahala..." I simply said and smiled a bit.

He nodded. "Okay..." then he smiled.

Nagpaalam siya kay Mama tapos ay umalis na rin. Ilang sandali pang nanatili ang aking mata sa pinto bago ako bumaling kina Mama. Ngumiti siya sa akin pero makahulugan ang ngiti niyang iyon. Umupo siya sa upuang nasa gilid ng kama. Hinawakan niya ang kamay ko at tumingin kaming dalawa doon.

"Ang tagal kitang hindi nakita, anak..."

Ipinatong ko ang isang kamay ko sa kanyang kamay. Sa kabila ng lahat ng nangyari sa akin, parang nabawasan ang bigat na nararamdaman ko. Finally, I'm home. My home is my comfort zone. Maybe the reason why it's hard for me to cope up to everything that happened was I'm away from my comfort zone... na kahit saan ako tumakbo wala 'yung pamilya ko. Pakiramdam ko naging mag-isa na lang ako ng mga sandaling iyon.

"Ma..."

"Wala ako sa tabi mo noong mga panahong kailangan mo ako..." my mother's voice broke as she looked at me. "Patawarin mo ako..."

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon