Chapter 37

1.2K 25 12
                                    

Chapter 37

Love

-Shanela-

I finally understand everything. I finally know what I really want.

Huminga ako ng malalim ng makita ko siyang lumabas habang binabantayan pa rin ng isang pulis. When he saw me, he smiled weakly as he walked towards my direction. In a small span of time, he already changed a lot... physically. Napatingin ako sa kulay kahel na suot niya pero bumalik din ang tingin ko sa kanyang mukha ng maupo siya sa tapat ko.

"Shanela..." he greeted.

"Kamusta ka na?" tanong ko sa kanya at bahagyang ngumiti.

"Well... I'm fine," he slightly grinned. "Hindi pa rin ako sanay pero dapat ay sanayin ko na ang sarili ko dito. I might spend the rest of my life here." he even laughed like he said a funny joke. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya.

"Denver..."

"Don't worry, I'm fine here. Marami akong ginawang mali sa buhay kong ito, Shanela. I killed a person who did nothing but to love me. I killed my own child. I betrayed my best friend who trusted me so much. I hurt the woman I love... I am so selfish, Shan. Maybe I really deserve to spend the rest of my life here." his voice broke.

"Bakit kailangang mangyari sa atin 'to Denver?" mahinang tanong ko. "Bakit kailangang mawala ni Emily? Bakit kailangan mong makulong? Bakit kailangan nating magdusa sa lahat ng ito?"

He gave me a sad smile again and held my hand. "Because I'm so selfish. Mas pinili ko na itago ang lahat sa'yo at kay Vince. Mas pinili kong masaktan kayo sa halip na ako ang masaktan." huminga siya ng malalim. "Noong kinuha ka ni Vince sa akin, doon ko napagtanto kung gaano kamali ang mga naging desisyon ko. I planned to tell him the truth just to save you from him pero hindi ko nagawa... dahil natatakot ako na mawala ka sa akin. Pero sa huli, ganito lang pala ang kahahantungan ng lahat."

"I'm sorry," I sincerely said to him. Natigilan siya at napatingin sa akin. "Kasalanan ko talaga ang lahat, Denver. If I only prove my love to you. If I give you an assurance before that no matter what happen, I will choose you... hindi ka sana matatakot, hindi mo sana ito gagawin..."

Huminga siya ng malalim at bahagyang ngumiti sa akin. "Tell me, noong nalaman mo 'yung katotohanan na si Vince ang nakababata, ako ba ang pinili mo?"

Hindi ako nakasagot.

"You didn't choose me, Shanela. You unconciously choose Vince, kahit hindi mo sa akin sabihin, alam kong siya ang pinili mo... kahit na sinaktan ka niya, siya pa rin ang pipiliin mo."

Mas lalo akong natigilan at natahimik sa sinabi niya. Bahagya akong napayuko dahil sa sinabi niya sa akin. Ngayon ay mas pinatunayan ko lang sa kanya kung gaano ako hindi kasigurado sa nararamdaman ko para sa kanya. Na noon pa man, hindi niya nakuha ang puso ko ng buong-buo.

"I'm so sorry, Denver."

"You didn't do anything wrong, Shan. Tulad ko ay nagmahal ka lang din naman," aniya at bahagya siyang ngumiti sa akin. "I know you give your everything in our relationship. You tried loving me with all your heart. Hindi ka makasarili tulad ko. Dahil pinili mo pa rin na sumugal sa akin... kahit na alam mong hindi ako siya, sinubukan mo pa rin akong mahalin."

Nag-angat muli ako ng tingin sa kanya. Malungkot siyang ngumiti sa akin. He slowly let of my hand habang tahimik lang akong pinagmasdan siya. Kitang-kita ko ang malaking pagkabigo sa kanya pero sa ginawa niya ay tila malugod na niyang tinanggap itong kapalaran niya.

"Did you visit him already?" he changed the topic.

I slowly shook my head. "Hindi pa,"

His eyes narrowed. "Why? You should visit him! I bet wala pang isang buwan ay baka magtangka na 'yong tumakas dahil hindi ka na niya nakikita..." he even laughed at his own joke.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon