Epilogue

2.5K 55 18
                                    

Hi all! Thank you so much for making it until the end! Yey! Kung napagod kayo sa madramang kwentong 'to at gusto niyo ng something light, you can read Vin's story posted on my second account, imasilentfangirl (where I posted the first version of DAF). A Heart That Likes ang title! Thank you for supporting this story again! God Bless you all! Love yah! 😘

*****

S.P.G.  


Epilogue

"Who's your crush?" ang nabasa ko sa slum book ay tinanong ko rin kay Gummy.

Nakapangalumbaba akong tumingin sa kanya habang abala siya sa pagkain ng lunch. He stopped eating then he turned to me. I smiled at him. Nagulat ako ng makita siyang nag-blush at nag-iwas ng tingin sa akin.

He didn't answer my question.

"Uy, may crush ka ba?" tanong ko ulit sa kanya. Kinalabit ko pa siya.

"Don't ask..." aniya. Nilapag niya ang ulo niya doon sa mesa.

Kinalabit ko siya ulit. "Why? Kaibigan naman kita, okay lang na i-share mo sa akin ang tungkol sa crush mo. Promise!" I raised my hand. "I'll keep it a secret!"

Hinarap niya muli ako. His eyebrows narrowed, I smiled again to give him an assurance that I'll keep his crush a secret no matter what. "Promise!"

"Sino muna 'yung crush mo?" tanong niya sa akin pabalik.

Natigilan ako doon at napaisip. Binalik ko ang tingin ko sa slumbook ni Emily. Hindi ko pa kasi nasasagutan ang tanong na iyon. "Hindi ko alam... uhm, baka wala..." muli ko siyang tinignan.

"Bakit wala?" tanong niya.

"Eh kasi bata pa naman ako!"

"Bakit ako meron?"

"Ewan ko," napalabi ako at napatitig sa kanya. "So sino nga 'yung crush mo? Kaibigan mo naman ako! Sabihin mo na sa akin..." hinawakan ko ang dulo ng uniform niya at marahan kong inalog. "Liam... dali na..." pinilit ko pa siya.

Nagulat ako ng humarap siya sa akin. Natigil ako sa pangungulit sa kanya lalo na ng makita na iba na ang ekspresyon ng mukha niya. Mas seryoso na siya ngayon. Pero mas lalo akong nagulat ng bigla niyang ilapit sa akin ang mukha niya at mabilis na lumapat sa akin ang labi niya. My eyes widened. Nung humiwalay siya sa akin ay iniwas niya kaagad ang tingin sa akin.

"Ikaw."

1. 2. 3. 4. 5.

Bago pa ako makapag-react, mabilis na niyang nakuha at naligpit ang mga gamit niya at tumakbo palayo sa akin. Napakurap pa ako ng ilang sandali bago ko marealize kung ano ang ginawa niya. Napatitig lang ako sa kanya hanggang sa tuluyan siyang mawala sa paningin ko.

I touched my lips.

Bumalik ang tingin ko sa slumbook at kinuha ang lapis para isulat ang pangalan niya sa space.

Who's your crush: Liam Garcia

Pagkatapos ng class namin ay mabilis akong pumunta sa building nila para abangan siya. Nakita ko namang napapatingin sa akin 'yung ibang mga batang lumalabas mula doon. Napatayo ako ng maayos ng makita ko si Liam na may kasamang isang batang lalaki. His eyes widened when he saw me.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon