Chapter 34

1.1K 32 6
                                    

Chapter 34

Jail

-Shanela-

"Gusto kong sumama sa'yo." nakiki-usap kong sabi kay Vince.

He turned to me. Kakatapos lang niyang kausapin sina Wayde at ngayon ay pupuntahan niya na ang mga ito. Dumating na sila kagabi at ngayon at hawak na ng NBI si Denver para harapin ang kaso na sinampa sa kanya. Umuwi rin ang pamilya ni Emily para sa doon.

"No need. Kaya na namin iyon," seryosong sabi ni Vince sa akin. "I'll call you for updates. Magpahinga ka na lang dito at baka makasama pa 'yun sa'yo." dugtong niya. Inalis niya ang tingin sa akin at natuon ang atensyon niya sa cellphone.

"I want to go with you, Vince." I firmly said. He coldly turned his gaze to me. Bumagsak ang tingin ko sa aking kamay at pinaglaruan ang aking mga daliri. "Please..."

"Why do you want to see him?" tanong niya.

"He's still my friend too. Mahalaga pa rin siya sa akin. I want to talk to him..."

Hindi na siya nagsalita. I slowly looked at him and saw that he's looking at me intently. Huminga siya ng malalim bago pinasadahan ng kamay ang buhok kaya bahagya itong nagulo.

"Fine," pagsuko niya. "Just don't leave my side."

"Okay! Thank you!" nabuhayang sagot ko.

Nakita ko pa ang bahagyang pag-iling niya. Mabilis akong tumayo para makapunta sa closet at makapag-ayos. Hindi ko alam pero hindi ako mapakali. I want to see and to talk to Denver. For the last time, I want to hear his side. I want to say sorry... for all the pain that I caused him... for everything.

"Yes, we're on our way..." seryong nakikipag-usap sa phone. "Kasama ko si Shanela." dugtong niya at sinulyapan ako. I looked at him, seryoso pa rin ang tingin niya sa akin.

"Fine, malapit na kami," huminga siya ng malalim at sandaling napapikit. "I already called my guards. Sasalubingin nila kami pagdating namin sa area. Yes, thank you..."

Huminga na lamang ako ng malalim at tumingin sa daan. Patuloy si Vince sa pakikipag usap habang ako ay binalot ng kaba. Malapit na kami sa area ng huminto si Vince sa isang intersection kung saan may nakaparada na limang itim na van. Sinalubong kami ng isang pamilyar na lalaki na kung hindi ako nagkakamali ay isa sa mga body guard ni Vince. Hindi ko naman maintindihan kung bakit kailangang maghigpit ng security.

"Sir!" the guard greeted. "Nag-dagdag si Ma'am Vera ng body guards."

"Okay..." he said then gave further instructions.

The vans escorted us unti we reach our destination. Doon ko napagtanto kung bakit ang daming dalang guards ni Vince. Marami ang sumalubong sa aming media. Denver is a businessman, kahit papaano ay matunog din ang pangalan niya plus dawit na dawit din ang pangalan ni Vince na mas kilala ng mga tao.

Parang bigla tuloy nagsisi na sumama ako. Hinawakan ni Vince ang kamay ko kaya napatingin ako sa kanya. Nandoon pa rin ang seryosong tingin niya sa akin. I looked at the media around our car. They were very eager to see who's inside this car. Nasa labas na rin ang mga guards ni Vince para harangan ang mga ito na tuluyang makalapit dito.

"I'll divert their attentions to me..." aniya. "Other guards will guard you, mamaya ka na bumaba. Doon kayo sa likod dadaan. You can't go with me right now, I'll wait for you inside." bahagya siyang ngumiti sa akin at hinalikan ang noo ko.

"Okay..." mahinang sagot ko.

Humiwalay siya sa akin at dahan-dahang binuksan ang pinto ng sasakyan. Nasulyapan ko ang mabilis na paglapit ng media sa sasakyan. Pagkalabas ni Vince ay may isang guard na mabilis na pumasok sa driver seat. Nakita ko naman ang pagsunod ng media kay Vince na ngayon ay sinalubong na ng ilang mga pulis.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon