Chapter 45

1.3K 31 1
                                    

Chapter 45

Story

-Shanela-

In between our pair of shoes is a pair of baby sneakers. We're holding his little hands as we walk and tour around the place.

We celebrated Vin's birthday in an amusement park. Gusto sana munang i-celebrate ito ng kaming tatlo lang. Alam ko na matagal ng gusto ng anak ko na makasama si Vince sa mga birthday niya. He wants a complete family, ngayon ay gusto kong maramdaman niya iyon...

"Mommy! Daddy! Let's go there!"

Marami na kaming nasakyang mga rides pero hanggang ngayon ay masigla pa rin siya. Halos hatakin na niya kaming dalawa ni Vince papunta doon sa tinuturo niyang ride na para din sa mga bata. We walked towards the place. Nakangiti kong pinagmasdan si Vin habang excited siyang naglalakad doon.

"I want to try this Mommy! It looks fun!" sabi niya sa akin. "Daddy, I want to try it! It looks cool!" he said at marahan niya pang hinahatak ang T-shirt ni Vince.

"Okay, baby. But you have to be careful, okay?"

Vin excitedly nodded. "Okay po!"

Tumingin na silang dalawa sa akin. Bumuntong hininga na lang ako at tumango.

"Okay, let's go na, baby?" sabi ko at sinamahan namin siya doon sa pila.

"Yehey, thank you Mommy, Daddy!"

It's a mini tower ride exclusive for children. Nung nandoon na si Vin ay hindi ko na inalis ang tingin ko sa kanya. Aside from taking pictures, gusto ko rin siyang bantayan. Nasa tabi ko si Vince na nakatingin din kay Vin. When the ride started, we both smiled when we saw that Vin's enjoying the whole ride. Lalo na kapag dino-drop na sila mula sa taas ng tower. He's chuckling while the other kids were shouting.

Napangiti na rin ako. A child's happiness is also the happiness of his parents. Knowing that he's happy, I feel contented.

Nagulat ako ng maramdaman kong may yumakap sa akin mula sa likod. Vince tighten his hug on me. He rested his chin on my shoulder.

"He doesn't look scared." aniya.

"Hindi naman masyadong mataas ang ride, kaya niya iyon," I turned to face him when our eyes met. He smirked then moved closer hanggang sa magdikit ang ilong namin.

"Lumayo ka nga, maraming mga tao dito."

"Mas mabuting maraming makakita, they'll know I'm a clingy husband,"

Kumunot ang noo ko doon sa sinabi niya kaya napaatras ako.

"FYI, boyfriend palang kita, husband ka diyan?"

"So? Doon na rin naman tayo papunta," he smiled meaningfully.

Napaismid ako doon sa sinabi niya. I pressed my lips into a thin line to hide my smile.

"Mommy! Daddy!" Vin called from somewhere.

I moved closer to Vince then I suddenly kissed him. Lumayo din naman ako kaagad sa kanya para salubungin si Vin na patakbong lumalapit sa amin.

I heard Vince whispering "Sneaky." to me while looking at Vin's direction.

"Mommy, I enjoyed that ride! It's cool and fun! 'Yung ibang kids umiiyak kasi natakot sila doon sa Bouncing Boulder," Vin told us. "I want to try the higher one!"

Ngumiti sa kanya si Vince at nakipag-apir. "Next time, kapag mas malaki ka na, Vin, then you try the other extreme rides. Doon lang muna tayo ngayon sa mga rides na pwede sa'yo. Where do you want to go next?"

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon