Chapter 02

2K 38 3
                                    

Chapter 2

Wedding Gown


-Shanela-

"Ayos ka na Shan?" tanong sa akin ni Kaye. Napatingin ako sa kanya at marahang tumango.

Ayos naman na ako pero hindi ko pa rin maiwasang matakot sa nangyari. Iniisip ko kung panaginip ko lang ba ang nangyari o nangyari talaga iyon. And how come I didn't even saw the face of the guy? Paano kung bumalik iyon? Paano siya nakapasok sa bahay namin, lalo na sa kwarto ko? At para saan ba yung tatlong rosas na itim na 'yun? It's really creeping me out.

"Ayos naman na ako," mahina kong sabi pero napayuko akong muli at mahigpit ko na namang niyakap yung unan ko. Hindi ko alam pero natatakot kasi talaga ako. "Pero Kaye, natatakot pa rin talaga ako. Paano kung bumalik iyon?" sabi ko sa kanya.

Malungkot naman niya akong tinignan.

"I know Denver will stay with you, Shan. Huwag ka ng matakot, cheer up na!" sabi ni Kaye at pinipilit akong pasiglahin. Napanguso naman ako at itinuklob sa mukha ko yung kumot.

Makarinig lang kasi talaga ako ng Denver, kinikilig na ako. Ganun talaga ang epekto ng lalaking iyon sa akin.

Kaninang umaga nung sumigaw ako ay agad na pumasok sila Mama at Yaya sa kwarto ko, at maging sila ay sobrang natakot doon sa tatlong itim na bulaklak na nakita sa kama ko. Hindi nila alam kung saan nanggaling iyon kaya naman nagpa-imbestiga na kami sa mga pulis, nagtanong na rin kami sa mga guard sa subdivision para magtanong kung may kahina-hinala bang pumunta dito sa lugar namin kahapon pero wala silang makitang kahit anong kahina-hinala sa lugar namin. But at least they promised us that they will watch out for our house in case that something like this happens again. But I'm praying hopefully, wala na. I'm so scared about what happened. Umiyak lang ako ng umiyak buong umaga, lalo na ng tawagan nila Mama si Denver at si Kaye.

Kanina nga si Yaya Ana ay sobrang nag-aalala sa akin, she really believes in superstitions unlike my mother that's why she kept on reminding me to take care because maybe those flowers might mean something bad. Sabi niya na 'baka' raw may masamang ibig sabihin ang mga bulaklak na iyon kaya dapat akong mag-ingat. Lalo na ngayon na hindi pa rin naman namin alam kung kanino iyon galing, mamaya ay may gawing masama sa amin ang nagbigay nun.

All of a sudden, I remember the guy I saw in front of our house last night. Hindi kaya siya ang lalaking nakita ko? Siya din ang lalaking nagbigay nung mga bulaklak na itim?

"Shan, bumangon ka na kaya at mag-ayos, ngayon na yung final checking ng wedding gown mo di ba? Pati yung sa catering, ngayon din kayo magfo-food test di ba?" sabi ni Kaye at mahina akong niyugyog.

Doon ko lang din napagtanto ang schedule ko ngayong araw na ito. Agad naman akong napatayo at nagpunta sa banyo na nasa kwarto ko para mag-ayos. Hindi ko na lang dapat siguro alalahanin ang bagay na iyon. I'll just take care of myself. Hindi dapat ako magpa-apekto sa nangyayari dahil mas importante pa rin ang nalalapit namin na kasal ni Denver.

Bigla na naman tuloy akong nabuhayan ng loob.

After thirty minutes ay natapos ko na ring ayusin ang mga dapat kong ayusin. Nakita ko naman si Kaye na abala sa pagce-cellphone niya. Umupo naman ako sa tabi niya at sinilip kung anong ginagawa niya.

"Hoy bruha, gawa mo?" tanong ko at halos mapatalon naman siya sa gulat dahilan para mabato niya yung phone niya at buti na lang nasalo ko. Ibang klase talaga 'tong babaeng 'to. Nambabato na lang ng Iphone.

"Kainis ka Shanela ha! Nanggugulat ka, alam mo bang mahal 'yan!?" singhal niya sa akin. Sinamaan ko naman siya ng tingin habang tinitignan kung ano ba ang pinagkakaabalahan niya.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon