Chapter 12

1.6K 37 2
                                    

Chapter 12

Pancake

-Shanela-

Tahimik lang akong nakaupo sa gitna ng malaking puting kama. I rested my back at the headboard of the bed while I'm hugging my knees tightly. Nakatulala at nakatingin lang ako sa kawalan. Mas hinigpitan ko ang yakap ko sa sarili. Ayoko ng kumalas.

I'm tired with all of these. Hindi ko na alam kung paano ito hihinto. Ayokong pumikit dahil lalong nagiging malinaw sa isipan ko ang mga nangyari. I can clearly remember the terrifying voices of those nights. It's just too hard to forget. Parang kahit nakaupo lang ako dito ay nangyayari pa rin ang lahat ng iyon.

Mahigit isang linggo na ang lumipas mula ng mangyari ang gabing una niya akong pinagsamantalahan. Akala ko ay matatapos na ang bangungot ko doon pero hindi. Sa loob ng halos isang linggo ay apat na beses niya akong ginalaw. I tried... I tried to keep strong pero ang lakas ko ay unti-unting nauupos na parang kandila.

I feel so weak, so tired, so violated... so broken.

Gustong-gusto kong makawala dito sa impyernong pinagdalhan niya sa akin. I want to remain strong for the peole I love but I can't because I'm already tired. Sa bawat araw na dadaan ay nababalot ang puso ko ng matinding takot at panghihina dahil sa gagawin niya sa akin.

"Tama na..." mahinang sambit ko habang umiiling. Muli akong naiyak.

Hindi ko alam kung paano ko kakalimutan ang mga ginawa niya kung kahit saan ako tumingin ay makikita at maaalala ko ang mga ginagawa niya, kung ipipikit ko ang mga mata ko ay makikita ko siya habang ginagawa niya iyon sa akin. I can clearly hear on my head all my sobs and pleads to him.

I shook my head again. Mariin akong pumikit at mahigpit kong hinawakan ang aking ulo.

"Tama na..." I sobbed. "Ayoko na."

This is a nightmare. Hindi ko na kinakaya ang bawat araw na lumilipas. Everytime, I'm doing my best to keep strong. To believe that this nightmare will end one day. Pero hindi ko pala kaya... hindi ko kayang panghawakan ang lakas na iyon. Sa bawat halik niya ay nabibitawan ko ang lakas na pilit kong hinahawakan. Sa bawat galaw niya ay tinutunaw niya ang natitirang pag-asa sa aking puso.

Ayoko na.

Hindi ko alam kung ilang oras ako humagulgol doon. I just want this pain to end. Hindi ko inakala na pwede pala talaga itong mangyari sa akin. Ang masaktan at pahirapan ng ganito katindi. Iniisip ko si Denver, ang mahal ko, sinusubukan kong maging malakas para sa aming dalawa pero hindi ko na magawa... hindi ko na kaya. It breaks my heart imagining him broken right now.

I want him right now. Kailangan ko siya. Pero wala siya dito.

Ibinaon ko ang aking mukha sa aking palad. I closed my eyes and shook my head again.

I suddenly saw the exact image of my best friend Emily's body with a thick chord placed around her neck while hanging on the ceiling of her room. She ended her life that way.

Mabilis akong bumangon sa kama at iginala ang buong tingin sa kwarto. I looked at the ceiling... then I went to the drawers and started to look for something. I suddenly feel so frustrated because I can't find that same kind of thing that my best friend used to kill herself inside this room.

Umupo ako sa sahig at sumandal doon sa gilid ng kama habang umiiyak. Gusto ko lang naman na matapos na ang lahat ng ito. Ayoko na dito. Ayoko na sa kanya. Ayoko na sa mga ginagawa niya sa akin. Ayoko na.

Nang kumalma ako ay lumabas ako ng kwarto. Pakiramdam ko ay wala na ako sa aking sarili. Para bang hindi na ako ito. Tinakasan na ako ng sarili ko. Pakiramdam ko ay para na akong iniwan ng Shanela'ng nakasanayan ko sa miserableng buhay na ito. At ako, I want to leave this place right now.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon