Chapter 29

1.4K 38 8
                                    

Chapter 29

Beg

-Shanela-

"A-anong ibig mong sabihin?"

He closed the distance between us and pulled me for a hug. His hug feels so painful. I never thought that this day will come that he'll hurt me so much. Hinayaan ko lang siya na yakapin ako. Pakiramdam ko ay dinudurog ang puso ko.

"I'm sorry..." he said once again that caused me cry more.

"So it's true? Niloko niyo ako!" I sobbed. I tried to push him away but he didn't move. I'm not sure if it's because I'm too weak to push him with force or he's just simply strong.

"Yes," mahinang sambit niya. "Nakipag-relasyon ako sa kanya pero maniwala ka, wala akong nararamdaman para sa kanyang kahit ano, Shan. Alam niya na ikaw ang mahal ko. Ikaw lang!"

Buong lakas ko na siyang tinulak para makalayo ako sa kanya. Mas masakit pa palang malaman ang totoo mula sa mga taong pinagkakatiwalaan mo. Tinignan ko siya. Kung sakaling natuloy ang kasal naming dalawa, malalaman ko pa kaya ang tungkol dito? Sa ilang taong lumipas mula ng mawala si Emily... hindi ko man lang naramdaman na may ganito pala!

They made me look like a fool!

"And you're the father of her child? Kung wala kang nararamdaman para sa kanya, bakit ka nakipag-relasyon sa kanya!"

He looked at me... he looks like he wants to say something but he's doubting. Ano? Why can't he tell me everything now? I want to know it now so bad na kahit masaktan ako ay handa na akong alamin ang lahat!

"And she loves you? Sinaktan mo siya! Sinasaktan ko pala siya ng hindi ko alam. Tayo ang dahilan kung bakit siya nawala! Dahil sinaktan natin siya..." malakas na bulyaw ko. Pakiramdam ko ay lalo akong nahirapang huminga.

Naramdaman ko si Vince sa likuran ko, hinawakan niya ang magkabilang balikat ko para alalayan ako. I didn't even turn to him because I'm also scared. Na tama pala ang lahat ng mga sinabi niya sa akin. Na nasaktan din siya sa lahat ng ito.

"Paano mo 'to nagawa sa amin? Sa akin? I trusted you so much, Denver! I thought you'll stay faithful... akala ko hindi mo 'to magagawa sa akin! But you did! At sa best friend ko pa! You know that she loves you and you took that as an advantage! Pinaglaruan mo kaming dalawa... how could you do this to us?"

He took a step again closer to me but he stopped himself. His eyes were bloodshot. He looked so hurt, tired and sad. Tila ba sinasalamin niya rin ang mga emosyon ko ngayon.

"Denver..." I sobbed. "Bakit?"

He guiltily looked away. Hindi ko alam kung magagalit ba ako sa kanya o ano. All I think is the love that I have for him. Because of the love that I have for him, I'm here... and because of his love that he has for me that's why I'm still here.

"And... you're the reason... why I suffered in his hands?" nanghihinang sambit ko.

Sandali kong tinignan si Vince, malamlam ang tingin niya sa akin. Binitiwan niya ako at bahagya siyang umatras palayo sa akin. He looked away. Mariin akong napapikit para sa matinding sakit na nararamdaman ko ngayon. I shook my head as I looked at Denver again.

"Sabihin mo..." I sobbed. "Bakit kailangang mangyari 'to sa atin?"

"Because I love you so much! Kaya ko nagawa 'yun dahil natatakot ako na mawala ka sa akin, Shan." tumulo na rin ang luha niya. "Mahal na mahal kita kaya ko nagawa ang lahat ng 'to... patawarin mo ako, Shanela." he burst out crying.

Destroying A FairytaleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon