Chapter 15
Darkness
-Shanela-
I woke up when a rays of sunlight hit my eyes. Tumingin ako sa wall clock at nakita na alas-otso na pala ng umaga. Humihikab pa ako ng bumangon at natigilan ako ng matanaw ko si Vince na natutulog pa rin sa sofa at balot na balot ng kumot.
My eyes narrowed while looking at him. Usually, gising na siya ng mga ganitong oras. Kaya bakit tulog pa rin siya? Ibig sabihin wala kaming almusal niyan kasi tulog pa siya?
Wala ako sa huwisyong bumangon at lumapit sa kanya para gisingin siya. Ipinatong ko sa ibabaw ng balikat niya ang kamay ko at marahan siyang tinapik. I was shocked when I feel a burning heat gushing out from his body.
"Vince..." mahinang tawag ko at marahan siyang inalog.
He groaned then covered himself more with the blanket. Nung hindi siya magising ay inilagay ko ang kamay niya sa kanyang noo at doon napagtanto na inaapoy na siya sa lagnat. Lalo ko naman siyang inalog para magising siya ng tuluyan.
"Vince, gising... may sakit ka." marahang sabi ko sa kanya.
Kumunot ang kanyang noo at unti-unting bumilis ang kanyang paghinga. Nabigla ako ng bigla niyang hawiin ang kamay kong umaalog sa kanya. Napatingin ako sa kamay ko na 'yon at marahan itong hinawakan. I looked at him again. I panicked when he started to speak... hysterically.
"Huwag niyo po akong sasaktan, pakiusap." aniya sa tonong takot na takot.
My heart tightened upon hearing his voice. Is he having a nightmare?
"Vince..." I called him and tried to touch him again.
"Pa... huwag... tama na po... ayoko na." his expression was still scared.
A-anong? Sinasaktan siya ng Papa niya?
Dapat talaga ay hindi ako naaawa sa katulad niya, dapat ay mas maawa ako sa sarili ko dahil sinaktan niya ako. He raped me more than once. Nilayo niya ako kay Denver. But here I am... halos maiyak dahil nahahabag ako sa kanya.
"Vince, gising!" malakas na sabi ko at marahas siyang inalog. "Nanaginip ka!"
"Tama na. Huwag niyo na akong saktan..." aniya at nabigla ako ng may luhang tumulo sa mata niya. Lalo akong nagpanic na gisingin siya. "Mama, tulungan mo ako... Mama."
"Vince..." tawag ko at pinilit siyang gisingin. "Gumising ka na..."
"Tama na po, Pa..." his voice broke.
Inaapoy siya sa lagnat pagkatapos ay nananaginip pa siya. Ilang sandali pa ay nagising siya at iginala ang tingin sa paligid pagkatapos ay pinirmi ang tingin sa akin. Hinahabol niya pa ang kanyang paghinga at marahang pumikit. Pagod itong muling minulat ang mata at tumingin sa akin.
"Vince..."
He faintly smirked. "Nightmares... again." paos na wika niya.
Gusto ko sana siyang tanungin tungkol doon pero ayokong manghimasok sa buhay niya. Baka mamaya ay magalit pa siya sa akin dahil magtatanong ako tungkol sa kanya. Pero lalo akong naguluhan... ano ba ang mga nangyari sa buhay niya?
Situations you faced yesterday will shape you on who you are today.
"May sakit ka..." I worriedly said. "Kailangan mong uminom ng gamot."
"Gusto ko munang magpahinga, Shanela." aniya at magtatalukbong na sana ng kumot ng pigilan ko siya. Kumunot naman ang kanyang noo sa akin. "What?" inis na tono niya.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
Ficção GeralDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...