Chapter 42
Blush
-Shanela-
Around 12:30 in the afternoon when Vince went in our office. Tumingin siya sa table ko at nung makita niya ako ay napangiti siya. Napalabi ako at tinignan ang dokumento na nakapatong sa ibabaw ng table ko.
"Hi, Sir!" bati ng mga kasama ko na nandito pa kay Vince.
Nag-angat ako ng tingin, he stopped to greet the other employees. Hindi ko mapigilang mapatingin sa suot niya. He's wearing a white long sleeves with a black suit without a tie. Nakabukas ang unang tatlong butones nito. His hair was a bit dishevelled but looks perfectly good on him. He looks hot and handsome! Kainis! Yes, he matured but that doesn't make him look thirty three!
"Hi, baby! Tapos ka na?" he greeted, his question seems to have a double meaning. Ang ngisi sa kanyang labi ay nagpapahiwatig na alam niyang pinagmasdan ko siya kanina.
Napakurap ako ng mapagtanto ko na nasa harapan ko na siya. Tumikhim ako at inayos ang mga papel sa harapan ko kuno.
"Oo," sagot ko at bahagya akong natigilan ng makita ko 'yung sticky note niya. Kinuha ko iyon at pinakita sa kanya. "Kailangan talaga dito mo sabihing manliligaw ka?" tanong ko.
"Why? Do you want me to say it?" he asked me back.
Maagap naman akong umiling. "Hindi... I'm just asking..."
Ngumiti siya at ipinatong ang kamay sa table at bahagya siyang yumuko palapit sa akin. The eyes of some curious employees were on us. Para namang tumigil ang puso ko sa distansya naming dalawa.
"You want to hear me say it, don't you?" marahang tanong niya.
"Hindi nga sabi!" giit ko at bahagya siyang tinulak. Tumawa naman siya at mabilis na hinuli ang kamay kong tumutulak sa kanya. Napatingin ako sa mga taong nasa paligid namin. Most of them we're smiling. Nakita ko pa si Jia na pinipicturan pa ata kami!
Nakakahiya!
"Vince, pinagtitinginan na nila tayo..."
"Mabuti, para malaman nila na akin ka... pa rin hanggang ngayon." mariing saad niya. He slightly smiled as he gently touched my face. "At para hindi ka na pormohan ni Luis Ponciano, mukhang gusto ka nun eh. I might fire him if he shows any plans of pursuing you."
"As if papayag naman akong ligawan niya ako," napalabi ako.
Lalong lumawak ang ngiti niya.
"Bakit? Sinong gusto mong manligaw sa'yo?" he teasingly asked.
Kumunot ang noo ko at halos irapan ko na siya. Nakakainis siya ha! Ako na ang unang umatras palayo sa kanya. "'Yung nagbigay nito." sagot ko at ipinakita ulit 'yung sticky note.
Umayos siya ng tayo at pinagmasdan ako. Nangi-ngiti naman siya habang sinusundan ako ng tingin habang naglalakad paalis sa table ko. His eyes narrowed while eyeing me, like he's trying to analyze something in me. Bigla tuloy akong na-conscious. Sinamaan ko siya ng tingin.
"Anong tini-tingin-tingin mo diyan?"
Hindi siya sumagot pero lalong lumawak ang ngisi niya. Inirapan ko na siya at nauna na akong maglakad sa kanya. I never had any chance to see this playful side of him before! Hindi ko tuloy alam kung matutuwa ako o ano! Siguro nga kay Vince namana ni Vin ang pagiging playful niya! Or the other way around?
"Ay bahala ka sa buhay mo!" 'yun na lang ang nasabi ko pero sinundan naman niya ako.
"I realize something..." he suddenly said then he went to my side.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...