Chapter 22
Akin Ka Na
-Shanela-
Nagpanggap akong tulog hanggang sa marinig ko na bumukas ang pinto. Sana ay tulog na nga lang talaga ako pero hindi, gising na gising pa ang utak ko at mukhang walang plano na patulugin ako. I don't want to think anymore...
"Hey, are you still awake?" malambing na tanong niya.
Gumalaw ang kama kaya alam kong umupo siya sa gilid ko. Nanatili akong nakapikit at hindi gumagalaw. Gusto ko mang dumilat at harapin siya pero hindi ko kaya. I'm scared that he'll know that I am greatly affected with what happened earlier.
Nakuha ko naman na ang lahat... bukod sa paghihiganti ay may iba pa akong pakinabang sa kanya at hindi dahil buntis ako sa kanya ay magbabago na ang lahat... na mawawala na ang galit niya at ang plano niya. Lalong hindi ito sapat na dahilan para iwan niya ang babaeng gusto niya.
"I'm sorry..." muling sambit niya.
Parang may pumiga sa puso ko ng maramdaman ko ang mainit niyang palad sa braso ko at marahan itong hinaplos pababa hanggang sa maabot niya ang kamay ko. Hindi ko alam kung bakit mas lalo akong nasasaktan sa ginagawa niya, gusto kong maiyak pero pinigilan ko ang sarili kong maglabas ng kung anong emosyon.
Halos isang minuto rin siyang nanatiling ganoon. Maybe he's waiting for me to wake up to explain to me the scene I saw earlier. Pero hindi ko kayang harapin siya ngayon. Gusto ko munang mapigilan ko ang mga emosyon ko bago siya kausapin. I heard him sigh as he let go of my left hand. Nang naramdaman kong tumayo siya ay doon ako nakahinga ng maluwag.
Ilang sandali ay nakarinig na ako ng lagaslas ng tubig mula sa banyo. Unti-unti kong minulat ang mata ko at kaagad itong nag-init dahil sa mga luhang pilit kong itinatago. Humikbi ako at kaagad na niyakap ang unan na nasa harapan ko at itinago doon ang mukha ko.
I immediately shut my eyes to stop my tears from falling. I took a deep breath and tried to calm myself. Ilang minuto na rin ang nakalipas pero hindi pa rin ako makatulog. Hindi ko alam kung nasaan na si Vince ngayon pero alam kong nakalabas na siya ng banyo.
Nang gumalaw ang kanang parte ng kama ay kumalabog ang puso ko. Nandito na siya. Matutulog na siya pero hindi pa rin ako makatulog! Humiga na siya sa tabi ko, nakatakip pa rin sa mukha ko 'yung unan pero nakaharap ako sa pwesto niya.
Hindi na siya nagsalita. Naramdaman kong inangat niya ang kamay kong nakayakap sa unan at marahan itong tinanggal palayo sa akin. Nagpanggap pa rin akong tulog. Now is not the right time to face him... baka hindi ko na makontrol pa ang emotions ko. Lahat ng tanong ay bumabagabag sa akin.
Nilagay niya ang kamay ko sa ibabaw ng bewang niya at mas nilapit pa ang sarili niya sa akin at niyakap. He then touched my face and caressed my hair. Hinahawi niya rin ang mga hibla ng buhok ko at isinasabit sa likod ng tenga ko. Lalo namang bumibigat ang nararamdaman ko dahil sa ginagawa niya.
Why are you doing this to me huh?
Mas lalo akong nasasaktan. Dahil wala lang naman ang lahat ng ito. Lahat ng ginagawa niya ay may mga rason. Mga rason na hindi ko alam kung malalaman ko ba...
Kahit gaano pa ako nasasaktan, sa huli ay nakatulog ako sa mga bisig niya. Even if he's hurting me, I can still manage to find comfort on his side. And that hurts me the most...
When I woke up the next morning, morning sickness attacked me. Mabilis kong tinungo ang banyo para sumuka. Nakita ko namang sumunod sa akin si Vince, hindi ko alam na nagising ko pala siya. He worriedly looked at me as he stroke my back. Hindi ko na siya pinansin at itinuon ang buong atensyon sa sink.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...