Chapter 13
Smile
-Shanela-
"Yes, hindi pa rin ako papasok ngayon. Papapuntahin ko diyan si Mario para kunin ang mga papeles na kailangan kong i-review. I also need all the contracts that I need to sign. Yes... and also I need all the reports of the departments for this month. Ibigay mo rin sa kanya 'yung laptop ko doon sa table..."
Tahimik lang akong kumakain habang sinusulyapan siya habang abala siya doon sa kung sinuman ang kausap niya.
Ilang araw na ang nakalipas mula nung mahuli niya ako na nagtangkang magpakamatay at mula noon ay hindi na siya nawala sa paningin ko o hindi na ako nawala sa paningin niya. Para bang kahit saan kami magpunta, kailangan kasama namin ang isa't isa.
"Yes, cancel all my meetings or call Ate Vera to attend those important meetings. I'm not sure kung kailangan ako papasok... I'll inform you, Mrs. Lucena. Yes, thank you."
Mabilis kong itinuon sa pagkain ang tingin ko ng sulyapan niya ako. Napalabi ako at bumalik sa pagkain ng almusal. Bakit ba kasi ayaw niya pang pumasok? Iniisip niya ba na magpapakamatay ulit ako? O tatakasan ko siya? He looks like a busy person, kaya paano niya pa nagagawa ang mga bagay na ito?
"Sino? Hayaan niyo lang sila... just don't give them any information about me, especially the address of my house..." naging seryoso ang boses niya.
Natigilan ako sa ginagawa ko at tumingin sa kanya. This time our gazes met. Lalong kumalabog ang puso ko sa matinding kaba. Seryoso ang kanyang tingin sa akin. I didn't avoid his eyes. Huminga ako ng malalim at binitawan ang kubyertos.
"Make sure that no one will know where I'm living right now... Yes, even Eula. Okay. Yes, update me soon... thank you." tiim-bagang na wika niya habang nakatingin pa rin siya sa akin.
Makalipas ang ilang sandali ay ibinaba niya ang phone at ipinatong ito sa table katabi ng kanyang plato. Sinundan ko ito ng tingin bago ako muling sumulyap sa kanya. Nang muli akong tumingin sa kanya ay nabigla ako ng nakatingin pa rin siya sa akin.
"Are you done eating your breakfast, babe?" he asked.
Mabilis naman akong umiling at muling hinawakan ang kutsara't tinidor. Bumalik ako sa pagkain ko kahit na medyo nawalan na ako ng gana. Nung sumulyap ako sa kanya ay nakatingin na siya sa pagkain niya. I sighed.
Hanggang ngayon ay nakakaramdam pa rin ako ng takot sa kanya. I'm scared that he'll suddenly hurt me again that's why I'm doing my best not to make anything that might make him mad. Kapag tatanungin niya ako ay doon lamang ako magsasalita. I didn't bother to ask him questions or to talk to him. Takot pa rin kasi talaga ako kaya maingat ako sa mga kilos ko at sa mga salitang sasabihin ko.
"Dito ka lang habang naghuhugas ako ng pinagkainan natin..." aniya habang patuloy pa rin siya sa pagkain. He looked at me. Marahan akong tumango.
Tahimik lang kami hanggang sa matapos kaming kumain na dalawa. Inililigpit niya ang mga pinagkainan namin habang pinapanuod ko lang siya. Gusto ko nga sana siyang tanungin kung bakit hindi na dito pumupunta 'yung babaeng gumagawa ng mga ilang gawaing bahay pero pinigilan ko ang sariling gawin iyon. Baka magalit...
Siya na ang nagluluto ng kakainin naming dalawa at siya na rin ang gumagawa ng ilang mga gawaing bahay. Hindi na rin niya ako sinasaktan, pero lagi siyang nakabantay sa akin. At doon pa rin siya sa sofa natutulog. Pakiramdam ko ay ginagamay niya pa rin ang mga kilos ko.
"Tu-tulungan na kita..." mahinang sambit ko at tumayo tsaka kinuha yung ibang plato.
Nauna na akong pumunta doon sa lababo at inilapag doon ang hawak ko. Kasunod ko naman siya at naramdaman ko siya sa likuran ko ng ilagay niya rin 'yung dala niya doon sa lababo. Aalis na sana ako para makapaghugas na siya ng buksan niya ang gripo at kumuha na ng ilang kubyertos para hugasan.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...