Chapter 21
Good Use
-Shanela-
"Good morning..." his husky bedroom voice reached my ears.
My eyes widened when I realized our position. Nakayakap ako sa kanya at nakahiga sa kaliwang braso niya. His wide smile was telling me that's he's enjoying our position.
"So-sorry..." mahinang sambit ko at bahagyang humiwalay sa kanya.
Pinigilan niya ako at marahan akong hinatak pabalik sa pwesto ko kanina. Niyakap niya ako at mas hinigit palapit sa kanya. Tumingala ako para sulyapan siya, he looked at me as he leaned forward and kissed my forehead.
"Bakit?"
"You know, Im getting used to you hugging me." he grinned.
Sinimangutan ko siya at balak na sanang humiwalay sa kanya pero muli niya akong pinigilan. He slightly chuckled then pulled me again for a hug. Huminga na lamang ako ng malalim at hinayaan na ganito ang posisyon naming dalawa.
I'm also getting used to this...
"Are you okay?" he broke the silence.
"Oo..." simpleng sagot ko.
He nodded, slowly pushing me away for him to see my expression. "Hindi ka nasusuka? Morning sickness?" he worriedly asked. Hinahawi niya na ngayon ang mga buhok kong humaharang sa mukha ko.
"Hindi naman..."
Madalas pag gising ko ay inaatake na ako ng pagsusuka o nahihilo na ako. Pero ngayon ay normal lang ang gising ko.
"Hmm..." aniya at bahagya siyang tumigil at tinignan ako. "I really need to go to work today, Shanela. Are you going to be okay?" tanong niya.
"Bakit naman ako hindi magiging okay?" mataray na tanong ko sa kanya.
"Baka mamiss mo ako," he smiled. "Pati 'yung mga yakap ko..."
Kumunot ang noo ko sa sinabi niya. I slightly pushed him away. Hindi ko naman alam na nayayakap ko na pala siya, nagigising na lang ako na nakayakap na talaga sa kanya. Bigla tuloy akong nakaramdam ng hiya. Maybe our child wants to be near him...
"Uuwi ka naman di ba?" wala sa sarili kong tanong.
When his smile turned into a grin, napagtanto ko na may mali doon sa sinabi ko. Iniwas ko kaagad ang tingin ko sa kanya. Nakagat ko ang ibabang parte ng labi ko. Bakit ko ba naman kasi sinabi 'yun?
"Of course, I'll be back, Shanela." bahagya siyang tumawa. "May uuwian na ako..."
"May bahay ka naman talagang uuwian." inirapan ko siya.
Muli siyang tumawa at hinapit ako ulit sa kanya tsaka niyakap ng mahigpit. Yung tipong binabaon na 'yung mukha ko sa dibdib niya. Mahina ko naman siyang hinampas sa balikat pero hindi siya nagpatinag.
"Malilate ka na ata..." sabi ko humiwalay na siya sa akin.
"I don't care. I'm still the CEO." giit niya.
Huminga ako ng malalim ng mapagtanto na hindi ko siya mapapatayo. Kung kailangan niya talagang pumasok sa trabaho, hindi na sana niya ako inantay na magising dapat ay iniwan na niya ako. May naisip kaagad ako na paraan para mapabangon siya.
"Vince... nasusuka na ako..." mahinang sambit ko.
Mukha namang effective dahil natigilan siya at kaagad na tumingin sa akin. Mabilis siyang tumayo at akmang aalalayan pa sana ako sa pagtayo but I stopped him. Mukha pa siyang magpapanic pero ng tumawa ako ay kumunot ang noo niya at nanliit ang tingin niya sa akin.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
Fiction généraleDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...