Chapter 3
Panaginip
-Shanela-
"Huy girl, lutang ka na naman." sita sa akin ni Kaye habang nagtitingin kami ng damit dito sa Department store. I looked at her. Bahagya kong ngumiti at bumuntong hininga.
"Bakit na naman ba? Alam mo nitong mga nakaraang araw parang nagiging matamlay ka na, ganyan ba kapag ikakasal ha Shan? Sa lahat ata ng bride na nakilala ko, ikaw lang ang naging matamlay isang linggo bago sila ikasal." sabi niya ulit sa akin. Tumingin ako sa kanya at muli na namang bumuntong hininga.
"Hindi naman sa matamlay, Kaye, pero kasi napapaisip ako kung bakit ganito? Bakit kung kailang halos isang linggo na lang at kasal na namin ni Denver tsaka naman biglang nagsusulputan ang mga problema. I really don't want to postpone the wedding, Kaye..." mahina kong pag-amin sa kanya. Napaawang naman ang kanyang bibig habang nakatingin sa akin na mukhang hindi makapaniwala.
"Alam mo Shan, mukhang wala rin namang plano si Denver na iurong yung kasal niyong dalawa. For God's sake, halos dalawang taon niyong pinaghandaan 'tong kasal niyo. Ganun na lang ba?" aniya. Kita sa kanya ang pagkadismaya.
Marahan akong umiling at napayuko, napa-isip kung ano na ang nangyari.
So close yet so far. That's how I described our situation right now, it's only a week before our wedding day but there are so many problems suddenly appearing along the way. Nakakainis pero ano ba ang magagawa ko? I really can't do anything. Kung may maitutulong lang sana ako ay handa kong gawin ang lahat. Not only because of my wedding but also for them, because I love them. I really love Denver so much as well as his family that treated me like their own child also. Parte na sila ng buhay ko, and seeing them like this really breaks my heart.
Kaya kahit saang anggulo tignan, hindi ko alam kung bakit kailangan magkaroon ng ganitong problema ang pamilya ng lalaking pinakamamahal ko. Bakit kailangang sila pa?
Nasabi kasi sa akin nila Denver na may malaking halaga daw ng pera ang nawala sa company at hindi nila alam kung saan na iyon nagpunta, kung sino ang kumuha at kung saan dinala. Ilang milyon din ang nawala sa kanila dahilan para mangamba ang mga investors para sa pera nila, yung iba nga ay plano ng mag-pull-out ng mga investments nila. Nakakatakot dahil baka bigla na lang ma-bankrupt ang company.
I tried helping them but I really don't know what I will do. Labas na sa kakayahan ko ang bagay na iyon. At bukod pa doon, parang may mali talaga sa mga nangyayari ngayon.
"Pero negosyo na ng buong pamilya ni Denver ang issue dito, gusto kong magpakasal sa kanya, oo, pero kapag ganito ang sitwasyon, kahit na sabihin kong gusto kong matuloy ang kasal. Wala naman na akong magagawa kung sakali ngang mapagpasyahan nila na i-postpone muna. I know I can wait, but there's something that's bothering me, Kaye..." muli na naman akong bumuntong hininga.
"Like what?" aniya habang kunot-noong nakatingin sa akin.
"Parang may mali sa mga nangyayari, pansinin mo last week nakatanggap ako ng tatlong itim na bulaklak tapos ngayon heto na may mga hindi na magandang nangyayari. Paano kung connected 'to doon? Paano kung-" hindi na niya ako pinatapos pa.
"So we need to find the person who gave you those roses?" she asked while looking at me seriously. "Pero paano natin yun gagawin ha Shan? Hindi naman sa against ako diyan sa iniisip mo pero baka naman nagkataon lang talaga? Baka wala namang connect? At isa pa hindi ka naman na ulit nakatanggap ng creepy roses di ba?" sabi niya habang hinuhuli ako ng tingin.
"Before that incident happened, I saw a guy standing in front of our house, Kaye." I softly said. Bahagya siyang napasinghap.
"Bakit ngayon mo lang 'to sinabi ha Shan?" aniya at nasapo niya ang kanyang noo.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...