Chapter 43
Late Night
-Shanela-
'Where are you?'
True enough, when we parted he started bugging me through text messages. Napailing na lang ako at bahagyang napangiti. I typed my reply to him.
'Supermarket, malapit sa unit. :)'
Bago ko pa ibalik sa bag ko 'yung phone ay nakapag-reply na siya kaagad.
'Anong lulutuin mo?'
'Sinigang na Baboy. Nasaan ka ba at ang dami mong time mag-text? I thought you're busy?'
'Sa office. Yeah, I'm busy but you keep on replying to my messages. It's girlfriend over work. ;)'
Girlfriend talaga? Wala pa nga akong sinasabi!
Tumikhim na lang para pigilin ang sarili kong ngumiti.
Dahil sa sinabi niya na 'yun ay hindi ko na siya nireplyan. Mamaya importante pala 'yung ginagawa niya tapos masisi pa akong nang-iistorbo sa kanya.
Ibinalik ko na 'yung phone sa bag ko at nagpatuloy sa pamimili. Pagkatapos ng work ay kaagad akong dumiretso dito para mamili ng gagamitin ko sa pagluto at ng iba pang kailangan namin sa unit. Bumili na rin ako ng ibang mga pagkain para may stock na rin kami.
Nasa counter na ako ng muli kong tignan ang phone ko. May ilang mga text messages na galing kay Vince. Napangiti ako at isa-isang binasa ang mga laman ng messages.
'Di ka na nagreply?'
'Hey, nakauwi ka na?'
'I'm leaving but I need to go somewhere first...'
'Text me your whereabouts, please?'
This time, nag-reply na ako sa kanya. Kainis 'to. Kapag ganito siya hindi ko siya kayang tiisin. I find this side of him very cute! Hindi naman sa hindi ko pa nakita ang ganitong side niya before but this time it's kinda different, mas naappreciate ko siya ngayon.
Siguro kasi mas naging open siya ngayon compare noon.
'Nasa counter palang ako. Ok. Ingat ka!'
Wala pang isang minuto ay nag-reply kaagad siya.
'Okay! Then after niyan uuwi ka na?'
Tapos na 'yung nasa unahan ko kaya isa-isa ko ng nilagay ang mga pinamili ko doon sa counter. Pagkatapos kong ilagay ang kalahati sa mga iyon ay tsaka palang ako nag-tipa ng reply kay Vince.
'Yup. Don't text while you're driving, okay?'
'Yes, baby. ;)'
Bakit ba ang bilis niyang magreply?
'Don't worry. I'm not driving.'
Magrereply na sana ako pero tapos ng i-count ng cashier ang mga pinamili ko. I handed her my card to pay. Sa huli ay hindi na rin ako nakapagreply pa kay Vince.
After kong bayaran ang mga pinamili ko ay dumiretso na ako sa unit. Halos gabi na rin kaya kailangan ko ng magluto ng hapunan namin. Sinabi ko pa naman kay Yaya Anna na ako ang magluluto ngayon.
"Mommy!" masayang salubong sa akin ni Vin.
He's playing with Riley when he saw me. He immediately let go of his favorite toy cars to run to me. Ngumiti ako sa kanya ng makalapit siya sa akin, kasunod niya si Riley.
"Hi, baby! Where's my kiss?" I sweetly asked him then leaned to him.
He giggled as he kissed my cheek. Nang humiwalay siya sa akin ay hinawakan niya 'yung isang plastic bag na dala ko tapos ay marahan itong hinila.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...