Chapter 17
Remember
-Shanela-
I slowly opened my eyes. Maputing kisame ang sumalubong sa akin. Huminga ako ng malalim bago iginala ang tingin ko sa buong lugar. Napagtanto ko na nasa ospital ako. I closed my eyes again and tried to remember what happened.
Nawalan ako ng malay ng makaramdam ako ng matinding pananakit ng puson...
I suddenly opened my eyes. Anong nangyari? Bakit nandito ako? Could it be...
"Gising ka na pala..."
Napatingin ako kung saan galing ang boses na iyon. My heart started to beat erratically. I unconsciously touched my abdomen. Para akong kinakabahan. Bumaba din ang tingin niya doon. Humakbang siya palapit sa akin.
"Masakit pa ba?" marahan tanong niya.
May mainit na luhang namuo sa aking mata. "A-anong nangyari? Bakit tayo nandito?"
Huminga siya ng malalim at umupo sa upuan. Mataman ang kanyang tingin sa akin at mukhang binabantayan niya ang mga magiging reaksyon ko. Lalong tumindi ang kaba sa aking puso.
"You're pregnant, Shanela."
Mariin akong napapikit kasabay nun ang pagtulo ng aking luha. I bit my lower lip as I tighten my grip on my stomach. Ang bigat ng pakiramdam ko. Muli akong tumingin sa kanya. I was unconscious the whole time... hindi ko alam kung anong nangyari. Kung ano ang ginawa niya...
"Kamusta siya? A-ayos lang ba siya? Wa-wala ka namang ginawa... di ba?" nag-aalala kong tanong sa kanya.
His eyes narrowed while looking at me. "The baby is fine..." seryosong sagot niya.
Mariin kong kinagat ang labi ko kasabay ng pagbuhos ng luha ko. Tumango ako. Hindi ko alam kung bakit sobrang bigat ng pakiramdam ko. Masaya ako dahil alam kong nasa maayos na lagay ang bata. Na nandito siya ngayon.
But still... hindi ko.matatanggi na kaya mabigat ang loob ko ay dahil pakiramdam ko ay lalong sumama ang loob ko sa lalaking puno't dulo nito. Bakit kailangan pang may madamay na inosente sa mga ginagawa niya? Bakit kailangang humantong sa ganito?
Ano na ang gagawin ko ngayon?
I want to protect my child from him. Pero paano ko iyon gagawin kung ang sarili ko ay hindi ko maprotektahan mula sa kanya? Gaya ng nangyari ngayon.
Is this part of his plans? Bakit ba kailangan niya itong gawin sa akin?
"Shanela..." malumanay ang boses niya.
Umupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ako sa magkabilang parte ng balikat ko. I took a deep breath before I faced him again. Hindi ko inalintana ang masaganang luha na galing sa aking mata. Sinimulan ko siyang paghampas-hampasin sa dibdib.
"Masaya ka na ba ha?" hagulgol ko.
Malakas ang bawat hampas ko sa kanya. But he didn't stop me. Hinayaan niya lamang ako na gawin iyon sa kanya. He looks so apologetic. Ang bigat talaga ng pakiramdam ko ngayon. Gusto kong ilabas ang lahat ng sama ng loob na naipon sa puso ko. Lahat ng sakit na pilit kong itinago.
"Gusto mo ba 'to ha? Heto ba ang plano mo ha? Heto ba!? Do you want me to carry your child? Kaya mo ba ako pinilit? You... you..." hindi ko matuloy ang mga sasabihin ko.
Huminto ako sa paghampas sa kanya at umiyak. Hindi ko maintindihan kung bakit niya ito ginagawa sa akin. Sinira niya ang lahat ng pangarap ko. Sinira niya ako. Sinira niya ang buhay ko. Sinira niya kaming dalawa ni Denver. And now, he'll destroy the life of my child... sisirain niya ang buhay ng sarili niyang anak.
BINABASA MO ANG
Destroying A Fairytale
General FictionDark Series #1: A perfect daughter, fiancée and friend, Shanela is loved by the people around her. Her life is close to perfection. She feels so complete. Ending up with your prince charming is a dream of almost all women and she's also not an excep...